Chapter 13

5.9K 116 5
                                    

Nagising akong mag-isa sa kwarto. Wala na ang dalawa. Siguro umuwi na rin para pumasok. Anyway kaya ko naman ang sarili.

May iniwang paper bag sa gilid ng hinigaan ko at kinuha ko iyon para tingnan. Buti naman at naisipan ng dalawa na bilhan ako ng damit.

Nagbibihis na ako nang may kumatok.

"Come in," sabi ko habang inaayos ang pagkabutones ng pang-itaas ko.

Natapos ko namang magbihis bago pa pumasok ang kumatok.

"Akala ko kinalimutan mo na ako, Mike," sabi ko nang humarap kaso hindi naman si Mike ang nandito.

"Oh! My girlfriend is here."

I faced her while slightly sitting on the bed.

"My utang ka pa. Remember?" Taas-kilay na sabi niya. Nagtataray na siya kaya mas napapanatag na ako.

"May utang pa pala akong kiss sa 'yo. Ngayon mo na ba gustong i-claim?" Pabirong sabi ko sa kanya.

"Is that so?"

Pilyang ngumiti siya sa akin habang humahakbang palapit.

"Naalala mo?" Ewan ko ba pero kinakabahan ako.

"Well, meron." Isang dangkal na lang ang pagitan namin. "Ikaw ba may naalala ka?"

Mapang-akit siyang tumingin sa akin.

NO. No one can seduced me. Ako dapat ang nang-aakit. I won't allow that.

"I'll pay for the interest, first." I shifted our position. Siya na mismo ang nakasandal sa gilid ng kama.

"How do you want me to pay you?" I seductively said.

"Ahm, excuse me po." May bigla kaming narinig na boses mula sa pintuan.

Agad kaming nagkatinginan at umayos ako sa pagkakatayo. Ba't hanggang dito lang talaga kami? Lagi kasing may istorbo.

"Hmm. Ipapaalam ko lang po na madidischarge ka na po ngayon." Halos mamula ang nurse habang kausap ako.

I wasn't surprise at all. No one fails to notice me. That's how an Isaac Dryle Alfonzo Guevarra greet everyone.

"Thanks for the info. Sinusundo na rin ako ng gorgeous kung girlfriend." Kinindatan ko ang nurse sabay sulyap kay Dannie.

"Ganoon po ba? Bagay po kayo." The nurse smiled awkwardly.

"Nga po pala may babae kanina na nagtanong sa room mo. Maganda rin siya. Mukhang modelo nga e." Dagdag pa nito.

"Hindi siya?" Tanong ko sa nurse kung si Dannie ba ang tinutukoy niya pero umiling ito.

Siguro may gusto lang bumisita sa akin. Baka kumalat na rin sa buong university ang nangyari.

"Baka someone from school lang." Dannie said with sure tone.

"Yeah. That's it." Sang-ayon ko naman.

"Paging, nurse Roana Sebastian. Please go to information desk office."

"Sige po. Mauna na ako. Tinatawag na kasi ako." She quickly leave the room.

"Wala akong pasok ngayon, ikaw meron?" Nilingon ko si Dannie na nakatitig lang sa labas.

"Ako, wala na rin. Ako ang pinasundo ni Mike sa 'yo. May nilalakad kasi siyang importante daw."

"That's great. Samahan mo ako." Lumapit uli ako sa kanya para ayain siyang lumabas. Pero naalala ko iyong pinapagawa niya sa akin kahapon. Ang custume thingy niya. "Kailangan mo ba talaga ng cosplayer. Kahapon kasi-"

"Hindi na. May pinalit na ako. Kailangan na kasi sa booth ng cosplayer at ang dalawang pinsan mo ang pinalit ko." Sabi niya sabay tayo na rin.

"Bakit kailangan ng cosplayers?"

"May maid latte kasi na booth as part of Engineering days. So they need maid servants."

"Maid? So magsusuot sila ng maid outfit? Ang bakla naman." Halos matumba ako sa nalaman.

Hindi ko alam na pangmaid pala ang isusuot. Ang sinuot ko kahapon mga puting damit lang. Kaya pala hindi ko makuha ang gusto niya. Buti na lang hindi ako natuloy.

It would be my time to get revenge for those two. Gagawin kong pangblackmail ang pictures nila. It would be my winning card. Goodluck my poor cousins. Better pray for your souls.

"May contact ka doon sa booth?"

Patuloy lang kaming naglalakad palabas ng ospital. I can't deny that everyone's eyes are on us. Hindi naman namin iniinda ang mga titig nila. Casual lang kaming nag-uusap habang naglalakad.

"Meron akong bantay sa kanila doon. Kaya hindi nila ako matatakasan." She said.

"Can you ask them to take pictures of those two wearing that maid outfit? Gusto ko lang na makita ang once in a lifetime opportunity na iyon. Kahit lagi kaming nag-aasaran, I always threat them as my brothers. Atleast sa pagtanda namin may pagtatawanan kami." I tried to sound emotional para pagbigyan niya ako. The inner actor in me is on the go. I need to persuade her.

"I'll ask them, later. Asan nga ba tayo pupunta?" Sabi niya pagkalabas namin sa ospital.

"May bibisitahin lang ako. But I need your patience."

Pumara ako ng taxi ng may dumaan. Pinauna ko sumakay si Dannie bago ako sumunod.

"DMH po." Sabi ko sa driver at agad naman niyang pinaandar ang sasakyan.

Narating namin ang lugar sa loob ng isang oras na byahe. Malayo kasi ito sa lungsod. Malayo sa ingay at gulo ng lungsod.

Pagbaba namin ay agad namang umalis ang taxi. Agad ko ring naramdaman ang malamig at preskong hangin. Napakaganda talaga ng lugar na ito. It would be a great place to heal your self.

"Kaya mo pumasok? Kung ayaw mo hintayin mo na lang ako. You can stroll around here." Sabi ko.

"No. I can." She said while gripping my hand to drag me inside.

"Good then. Hindi rin naman ako mapapalagay kung iiwan kitang mag-isa dito." Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob.

Alam kong kaonting panahon na lang at makakalabas na siya dito. I can't wait for that time to come.

"Maglibot na rin tayo pagkatapos natin. Sulitin na lang natin ang pagpunta rito. Ang layo rin kaya ng biniyahe natin." Sabi niya habang nakangiti.

Ang saya namin tingnan. Parang walang ibang problema. Hindi namin kailangang umarte sa harap ng ibang tao. At wala akong pakialam sa ibang tao ngayon.

"It's a date then," sabi ko sa kanya.

Nakakapanibago na may kasama akong pumunta rito. Baka pati mga nandito manibago. Gusto ko na tuloy malaman kung ano ang magiging reaksyon nila.

Sana walang magwala. Ang dami ko pa namang fans dito. She should be prepared. Baka kuyugin siya dito. I need to protect her.

No Ordinary Playboy (PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS - The 2018 Wattys Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon