Chapter 15

5.9K 120 15
                                    

"So ano na gagawin natin?" Tanong ko kay Dannie ng makalabas kami. Tapos na ang visiting hours at masaya ako sa lahat.

Nang hindi siya sumagot ay agad ko siyang nilingon. She is so busy staring at something infront of her. Out of my curiousity ay sinundan ko ang kanyang tingin at ang tanging nakikita ko lang sa harap ay ang nakahilerang mga bike.

"Gusto ko magbike," sabi niya ng hindi iniwan ng tingin ang mga bike na nakastandby.

"Mas okay na maglakad tayo habang namamasyal. We can enjoy the view that way," paliwanag ko.

"No. I want to ride a bike." She immediately went to where the bikes are. Wala akong nagawa kundi sundan siya.

"Pwede ninyo iyang gamitin. Nagpapahiram kami ng bike ng libre dito," wika ng matandang lalaki na caretaker yata.

"Hihiram po kami." Agad na umangkas si Dannie sa bike na kinuha niya.

Hindi ko na talaga siya mapipigilan. What should I do now? I don't ride bikes. No. I can't ride a bike. Hindi kasi ako nag-aral magbike.

"Halika na," aya niya. "Don't tell me na hindi ka marunong magbike." Halos patawa niyang sabi.

I somehow lost my confidence.

Hindi ko alam na nakakaliit pala ng sarili ang kawalan ko ng alam magbike. Dati hindi naman ako sobrang naiinggit sa mga pinsan ko na marunong magbike. Kahit kasi nasa tabi lang ako at hinihintay sila, nasa akin pa rin ang atensyon ng mga tao sa paligid. My face is what everyone likes. I don't need to do things to gain their like.

I was so confident not until I met this girl.

"Kaguwapong bata. Nabawasan ka na tuloy ng pogi points." Nagkamot sa ulo pa ang matanda. "Di bale may bike kami na may upuan sa likod. Angkas ka nalang sa bike ng girlfriend mo." Tumatawa pa ang matanda habang kinakalas ang kadena ng bike na may upuan sa likuran.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang hiya. Pinahiya pa talaga ako ng matandang ito.

"You know, it's one thing that makes me no ordinary." I tried to gain back my confidence.

I'm Isaac Dryle Alfonzo Guevarra and I'm no ordinary!

"Let's take it that way. Hindi naman nababawasan ang kaguwapuhan mo diba?" She devilishly smiled. "Tayo na. Sayang ang oras Mr. Bike Loser!" Umangkas siyang tumatawa parin.

"Matagal nang tayo," bulong ko sa kanya habang umaangkas sa likod ng bike. Napatigil naman siya sa pagtawa dahilan ng pagkakangiti ko.

Pero hindi ko inaasahan na patatakbuhin niya ang bike na hindi pa ako nakakaupo.

"Serves you right!" Isang sigaw niya habang unti-unting minamaneho ang bike.

At dahil hindi niya naman binilisan ang pagtakbo, tumakbo na lang ako habang hinahabol siya. Parang nagjojogging lang ako. Ilang sandali pa ay naabutan ko na siya. Magkapantay na kami habang tumatakbo.

Wala kaming imikan habang tumatakbo. Parang kuntento na ako sa kung ano man ang ginagawa namin. Nag-eenjoy akong pinagmamasdan siya na masayang nagmamaneho ng bike. She was really enjoying what she saw. Maganda naman talaga ang lugar na ito. This one of the most beautiful parks in the Philippines. It is a very beautiful park. Ang laki ng lugar at ang gaganda ng mga halaman dito.

Nakapunta na ako rito pero iba talaga pag may kasama. When I'm alone here, I feel relaxed by just looking at the place. The place that everyone would like to visit. But now, I felt happy by just watching her. Parang hindi ko na kailangang tingnan ang paligid para malaman na sobrang ganda nito. Kasi nakikita ko na ito sa mukha niya. Her smiling face says it all. This place is indeed beautiful but it is more beautiful with her.

Everything was so quiet until my phone rang. Napatigil ako sa pagtakbo para sagutin ang tawag.

"On the way na ang pinadeliver mo." Boses ni Tristan.

"Okay. Thanks."

"Hoy, Dryle utang mo 'to sa akin."

Itong Tristan na 'to pinaninindigan talaga ang motto niya na 'give and take'. Wala yata sa bokabularyo niya ang salitang kusang-loob.

"Fine. Papakilala kita kay Patty," lokong sabi ko sa kanya.

"NO! 'Yan ang hindi mangyayari." Halos padabog na binaba niya ang tawag.

Ngayon ko narealize na nawala na sa paningin ko si Dannie. Inikot ko ang tingin sa paligid. Inisa-isa ko ang paligid at nakita ko siya sa lilim ng isang malaking puno. Nakasandal ang bike niya sa katawan ng puno habang nakaupo siya sa damuhan. Medyo malakas ang ihip ng hangin dahilan ng pagkakatangay ng ilang hibla ng buhok niya. Hinayaan niya lang ang hangin na haplusin ang buhok niya.

"Ano iniisip mo?" Tanong ko sa kanya nang makalapit.

"Ngayon lang ulit ako nag-enjoy ng husto. Feeling ko malaya ako," she seriously said.

Ito ang unang beses na nagkwento siya. Baka lubusin ko na rin. Matagal ko nang gustong malaman ang kwento ng buhay niya. Kung bakit siya naging ano man siya ngayon?

"Care to tell your story?"

"I was a free-spirited child back then. Lagi kong ginagawa ang gusto ko. Pakiramdam ko kaya kung gawin ang lahat. And that was so stupid of me." Parang nakaramdam ako ng sakit sa boses niya. But I remained silent. Gusto kong ituloy niya ang pagkukwento. "Dahil sa akin, nasira ko ang isang masayang pamilya. Nainvolve ako sa isang aksidente. At dahil sa takot ko hindi ko kayang magsalita. Hindi ko kayang sabihin na ako ang may kasalanan. I was so scared that I can't forget that tragedy. Kaya hanggang ngayon nakakaranas ako ng post-trauma. Hindi naman ito tulad ng dati pero bumabalik ako sa pagkatao ng batang ayaw magsalita." Huminga siya ng malalim. Naramdaman ko ang mahigpit na pagkakahawak niya sa damo. "At sa kagustuhan kong maging matapang hindi ko namalayan na naging ibang tao na ako. I can't control my anger."

Yumuko siya at hindi na nagsalita pa. Hindi ko mapigilan ang sarili na hilahin siya palapit.

"You don't need to worry for the past. And as you said it was an accident. You shouldn't blame yourself." I kiss her forehead before embracing her. Gusto ko siyang patahanin.

I want to protect her from her dark past. Gusto kong makalimutan niya ang nakaraan.

"I will always be with you." I said while slowly caressing her smooth hair.

No Ordinary Playboy (PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS - The 2018 Wattys Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon