Chapter 5

12.9K 252 3
                                    

Since iniwan niya ako, maybe it's time for me to move on. At dahil late na rin ako for class, siguro mabuting maglibut-libot muna ako and enjoy the view.

I should also gave them a glimpse of me. It's not everyday that they will see someone like Isaac Dryle Alfonzo Guevarra. I better gave them that divine gift.

"Uy, ikaw babae, wag ka ngang mag-inarte. Di ka kagandahan. Pwe," rinig kong sigaw ng isang lalaki kaya napahinto ako saglit.

Napalingon ako kung saan nanggaling ang sigaw. Doon sa isang eskinita papuntang library. Iilan lang dumadaan dito kasi sa malaking entrance dumadaan ang karamihan.

Sino ba naman ang kayang magtiis sa ganito kaliit na daan?

Lumapit ako at mas lalo akong nalinawan sa kung ano ang nangyayari. May babaeng hinaharass.

Walang hiya. Napakahayop naman ng panget na lalaking 'to.

"Hey, babe andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap."

Lumapit ako sa kanila. Kita ang pagkabigla sa mga mata nila.

"Aba, Isaac ibang klase ka talaga. Lahat na lang pinapatulan. Ang mga Guevarra nga naman. Talagang walang sinasanto. Ha-"

Di ko siya binigyan pa ng oras na tumawa. Nakakainit ng ulo ang walang hiyang panget na 'to.

"Guevarra, hindi pa ito ang huli."
Tumayo siya mula sa pagkakahandusay at tumakbo paalis. Wala naman pala siyang binatbat e. Kung di ko lang talaga napigilan ang sarili ko baka nasa ospital na siya ngayon.

"Are you alright?"

Pinulot ko ang bag at lumapit sa babae.

"Oo. Okay lang."

Nag-okay sign naman siya sakin.

"I need to go. So see you around."

Tinalikuran ko na siya at muling naglakad.

"Sandali. Salamat pala."

Di na ako lumingon. Kumaway na lang ako sa kanya habang nakatalikod.

Nang makalabas na ako sa eskinita.

"Ooh, si Isaac baby ko."

"What's going on with you and the girl earlier? Is she your girlfriend? Just tell me it's not like that. Right, Sacky?"

Kanina lang walang tao sa paligid ngayon heto na sila. Nagsimula na silang magkumpulan palapit sakin.

"Yeah. She's my girlfriend."

Kita sa mukha nila ang pagkawala ng kanilang mga ngiti. Para silang binagsakan ng langit at lupa.

"What's with her? I'm definitely much better than her," sabi naman ng isa pang babae.

"I don't know either. But I'm not looking for someone who's better than anyone." Tumayo ako nang tuwid bago magsalita. "Just be yourself."

I smiled at them before leaving.

Since malayo pa ang next class ko, pumunta muna ako sa office ni Mike. Kakabalik lang niya sa bansa. At ngayon isa na siya sa bagong director ng university.

"Ano ginigawa mo rito?"

Kakabukas ko lang ng pinto at ito na ang pinangbungad nila sakin.

"E kayo, ba't kayo andito?"

Bago ko pa man masara ang pinto ay sinagot ko sila.

"Tumatambay. Ano pa ba pwedeng gawin dito."

Pilosopo talaga 'tong si Tristan. Hilig mang-asar.

"Mike, car racing tayo!"

Mungkahi naman ni Zooey.

"Tara!" Sabay na sabi namin ni Tristan na tumayo pa sa kanyang kinauupuan.

Lakas ng loob naman niya makatara e ang hina naman.

"Maybe ayaw lang mapahiya ni Mike. Sa tagal ba naman niya sa ibang bansa kinakalawang na iyang si Mike," pagpaparinig ko kay Mike.

Alam namin na kahit di niya inaalis ang tingin niya sa laptop nya, nakikinig pa rin siya sa amin.

"Kala ko Ice Prince iyang si Mike, Iron Man na pala ngayon. Hahaha." Lalo pang dinagdagan ni Tristan.

"Let's do that later. After ng party," sagot ni Mike nang saglit na huminto sa ginagawa.

"O ngayon pala ang welcome party for Mike," sabi ni Zooey.

"Iyong matanda. He'll be here. So better behave," ani ni Mike.

"Di ako pupunta," sabi ko sa kanila.

"You should go Sac. You knew what they're holding onto you. You might not see your..."

"Subukan lang nila."

Di ko mapigilan na mamuo ang mga kamao ko sa mga narinig.

"So see you there," malamig na sabi ko sa kanila bago umalis.

Di pa ngayon ang panahon na hinihintay ko. Kaya sila muna ngayon.

Umalis ako sa tambayan. Mas gusto ko na ilabas lahat ng galit ko sa ibang bagay. At gusto ko ring mapag-isa kung mangyari man iyon.

Kaya naghanap ako ng ibang lugar na paglalabasan ng sama ng loob. At sa haba ng paglalakad ko ay napadpad ako sa tennis court. Buti walang nagprapractice.

Kumuha ako ng rocket at bola. Sinimulan kong hampasin ang bola at agad naman itong bumalik nang bumangga na ito sa dingding. Paulit ulit kong sinalo ang bola. Lahat ng galit ko kanina ay binuhos ko na sa bola hanggang sa nangawit ang mga braso ko. Natigil lang ako sa pagtira nang tumama sa katawan ko ang bola dahil nawalan na ako ng lakas pang ibalik iyon.

"Tsk. Kulang pa itong sakit na ito."

Bumangon ako at nagpatuloy. Pinatalbog ko muna ang bola bago ko hampasin. At nang hahampasin ko na may biglang humawak sa braso ko. Agad akong tiningnan kung sino. At nakita ko si Dannie.

"Ba't andito ka?" Inalis ko ang kamay niya.

"Tama na. You should'nt be a coward. Di mo sila mapapatumba kung ito lang ang gagawin mo. Dapat labanan mo sila ng harapan."

Nakikita ko sa mga mata niya ang galit.

"You should not face me with that face. Cause I want to see your pretty face."

Hinawakan ko ang pisngi niya at mahinang kinurot.

"O, I forgot! Malapit na magsimula. Kelangan na nating umalis."

Hinila niya ako sa kung saan.

Magkahawak kami na tumatakbo. Habang tumatakbo kami ay pansin kong walang mga estudyante na nagkalat sa paligid. Huminto kami sa isang room. Nang binuksan niya ang pinto andoon sina Tristan at Zooey. Kagalang-galang ang mga pagmumukha.

"Ang tagal niyo. Magsisimula na. Kelangan pa naman tayong makipagkilala sa mga anak ng business partners nila. Plastikan na naman," ani ni Tristan sa aming dalawa.

"Sana plastikan lang gagawin natin. Baka magbaby sit pa tayo sa Monalisa na 'yon," reklamo ni Zooey.

"Sac, magpalit ka na."

Biglang dumating si Mike. Naka-ayos na rin. Inabot niya ang damit sa akin.

"Si Dannie?"

Wala na si Dannie sa tabi ko nang lumingon ako.

"You'll see her later. Better prepare yourself now."

Tinulak ako ni Mike para magpalit na. Sinunod ko naman ang sinabi niya.

No Ordinary Playboy (PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS - The 2018 Wattys Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon