Chapter 17

5.2K 109 2
                                    

"Tabi ka nga payatot!" Nagsisigaw si Patty na tumatakbo.

Ilang metro lang tinakbo niya at pawisan na siya.

"Ano naman ba ginawa ko sa 'yo at ako na naman pinag-iinitan mo? Di ko naman kasalanan na ang hina mo tumakbo."

Nagkabanggaan na naman ang dalawa. Itong si Tristan kasi napaka-ungentleman. Di man lang hinintay si Patty. Sila naman ang partner e. Sila naman ang bumunot ng mga kapareho nila kaya wala silang masisisi.

"Water?" Nakita kong inabot ni Mike ang isang bote ng tubig kay Dannie.
Ba't ba laging magkasama silang dalawa? Ako naman ang boyfriend hindi ba?

Alam ko naman kung saan ako lulugar pero nakakaano lang talaga ng pagkalalaki. Baka sabihin pa ng ibang tao na di ako boyfriend material. Sinimulan ko naman ang palabas na ito kaya bakit hindi ko seseryosuhin?

"Ahem! Listen everyone." Malakas na tawag ko sa kanila. "Naipaliwanag ko na naman ang gagawin natin dito kaya alam kung handa na kayo. Bilang parte ng misyong ito kailangan ko ang buong kooperasyon ninyo." Pumalibot naman sila sa akin.

"Dryle, ang dami mong satsat. Magsimula na nga tayo." Panira ni Zooey sa pagsasalita ko. Ang aatat naman nito.

"Okay. Since you already have pairs, we can now proceed to the day care center. This is an extension service so do your best."

"Bakit pala may extension service tayo?" Inosenteng tanong ni Patty na nakaupo ngayon sa bench.

"Pinilit lang kami." Mabilis na sagot ni Tristan.

"Wag ka ngang bitter diyan. Nandito na tayo kaya gawin na natin." Sabi ni Zooey kay Tristan.

"Bakit nasali ako? Ito ba parusa ko?" Muling tanong ni Patty.

"Dahil sinama kita. Ayaw mo ba?" Sabi ko na medyo nagpapacute.

"Hindi naman pero nakakailang lang na makasama kayo." Mahinang sabi ni Patty.

"Aba. Nahiya ka pa sa amin. E kung makasigaw ka kanina sakin--" Nagsimula na naman si Tristan.

"Sabi ko bang kasali ka?" Pagtataray naman ni Patty.

"Stop this nonsense, you two. Umayos kayo kasi kayo pa naman ang magkapareho." Utos ni Mike na nakapagtahimik sa dalawa.

"Everything is settled kaya pupuntahan na muna namin ang head ng center."

Walang sabing hinila ko si Dannie.

"Sandali lang." Pahabol na sabi ni Mike. Napatigil naman ako sa paghila kay Dannie nang maramdaman kong huminto siya sa sinabi ni Mike.

Ano naman kaya itong sasabihin ni Mike?

"'Yong sintas ng sapatos mo." Sabi niya kay Dannie habang hawak niya ang isang palapulsuhan nito.

"Pwede ba bitawan ninyo ako para matali ko naman hindi ba?" Pagalit na sabi ni Dannie kaya binitawan siya ni Mike. Yuyuko na sana si Mike ngunit inunahan ko na siya. Hinatak ko palapit sa akin si Dannie.

"There's no need for that." Sabi ko bago yumuko para itali ang sintas ng sapatos niya.

Walang nagawa si Mike kundi panoorin ako hanggang matapos. At di rin umangal si Dannie. Siguro sa loob-loob niya kinikikig na rin siya. Iba kaya pag isang Isaac Dryle na ang luluhod para sa 'yo.

"Kinikilig ako!" Di mapigilang sabi ni Patty matapos kung maitali ang sintas ng sapatos.

"Ano bang nakakakilig doon? Wala naman. Mga babae talaga ang daling mauto." Pasaring ni Tristan.

Ewan ko ba kung bakit ganito umasta ngayon si Tristan. Parang ngayon lang ako maniniwala na ganito talaga pag menopausal baby. Parang may mga saltik.

"Ikaw kasi walang kaeffort-effort kaya walang magkakagusto sa'yo. At payatot pa. Siguro bulag lang magkakagusto sa'yo." Patawang sabi ni Patty.

"At sa'yo? Ano?" Naghahamong sabi ni Tristan. Ang sakit na sa tenga nitong dalawa. Akala ko kay Mona lang masisira tenga ko.

"Buti pa si Patty na lang isama mo mo Sac. Palamigin muna natin ulo ng dalawang iyan." Suhestiyon ni Mike.

"Maybe that would be good. Saka Tristan may natanggap pala akong resibo kahapon. Di ko lang natingnan kung ano." Sabi ni Zooey.

"Mabuti naman. Itapon mo na lang iyon." Buntong-hiningang sabi ni Tristan.

"There's no more time for chitchats. Halika kana Patty. Baka mas magalit pa iyong head sa akin."

Medyo mainit pa naman ang dugo sa akin ng head. Ewan ko ba kung bakit. Di ata tumatalab sa kanya ang kaguwapuhan ko. Baka menopausal baby rin. Hayy!

"Kanina pa kami naghihintay. Akala namin di na kayo pupunta." Pambungad sa amin ng head. Nakapameywang pa siyang nakatayo sa tabi ng mesa niya.

"Sorry. May di lang kami napagkasunduan kaya natagalan." Nakangiti kong sabi.

"Hindi pa nga kayo nagsisimula at meron na kayong di napagkasunduan. Ano na lang kung nagsimula na kayo?" Litanya pa niya sa amin. Ito na nga sinasabi ko e. Ako tuloy pinag-iinitan.

"Patpat, ikaw ang makipag-usap sa kanya. Mainit kasi dugo niyan sa akin." Bulong ko kay Patty. Tumango naman siya.

"Hmm. Handa na po kami. Napag-usapan na po ang lahat." Malakas na sabi ni Patty sa head. "Kaya okay na okay na kami." Pero mukhang nawalan siya ng boses sa huli at napatingin na lang sa akin. Nakikita ko ang pag-aalala niya. Naalala niya siguro sitwasyin nila ni Tristan. Kaya mukhang natakot sa head. Iba naman kasi kung makatingin itong head dito. Parang papatay.

"Miss Star, we are ready for-" 'anything'. 'Yan sana sasabihin ko pero natigilan ako dahil sa head.

"Who's Star? Sino ba kausap mo Mr. Guevarra?" Matalim niyang sabi.

May mali ba akong nasabi? No! Don't tell me hindi niya pangalan ang Star! Bakit iyon ang naalala ko?

"Naku! Nagbibiro lang po si Isaac, Miss Twinkle." Kinalabit ako ni Patty. At ngumuso pa siya sa direksyon ng mesa ng head. Sinundan ko naman iyon ng tingin at nakita ko ang nameplate ng head. Ms. Twinkle P. Aclao ang nakasulat.

Oh? Mukhang naalala ko na. Noong una kasi kaming nagkita natawa nga pala ako sa pangalan niya. Lihim pa nga akong napapakanta noon ng Twinkle Twinkle Little Star pag binabanggit ang pangalan niya.

"No, please don't be offended. I like your name but you look like a twinkling star for me that's why I prefer calling you Star." Agad na palusot ko. Di ko alam kung epektibo ba pero ginawa ko pa rin.

Pleasing women is my specialty but this miss is not one of them, maybe. Maybe she's a transwoman! That explained it. Di yata pumapalya ang isang Isaac Dryle Alfonzo Guevarra.

Well, Dannie is an exemption. Because she's one of a kind.

No Ordinary Playboy (PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS - The 2018 Wattys Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon