Chapter 3

17.4K 347 9
                                    

"What's the meaning of this!"

Halos pasigaw kong tanong nang makapasok sa bahay.

"Isa lang ibig sabihin nito Mr. Guevarra. That I'm your girlfriend."

Nanlaki pa lalo ang mata ko. Bakit andito siya sa bahay ko? Walang ibang may alam kung saan ako nakatira maliban sa tatlong pinsan ko. Sila lang tumatambay dito.

At ilang beses ko na ring narinig sa babaeng 'to ang mga katagang 'I'm your girlfriend. Ganito na ba siya ka-obsess sakin?

"Sorry but you need to know this. I already have a girlfriend. Hindi pa namin nilantad sa public but sooner it will be announce."

Umupo ako sa harapan ng sofa na kanyang inuupuan. And I cleared it all.

"I know," she calmly said.

"What are you saying? Then are you willing to be my other girl?"

I started to sit beside her. Sisiguruhin kong pagsisisihan niya ang sinabi niya.

"It isn't new at all. Kilala ang isang Isaac Dryle Alfonzo Guevarra na playboy."

She faced me with a seducing smile.

"I'm a playboy. But I'm no ordinary playboy. I don't act being seduced. For no one can seduce Isaac Dryle Alfonzo Guevarra."

"Then lets proved it." Umurong siya palapit sakin.

What the hell is she doing? How can a girl be this fearless? At halos magkadikit na ang mukha namin sa sobrang lapit.

And I just realized something. May kung anong familiar sa kanya. Di ko lang matanto kung ano.

"Time's up!" bigla niyang sabi saka bumalik sa pagkakaupo na malayo sakin.

At biglang may nagbukas ng pinto.

"Uy, Dryle musta? Is everything okay?" bungad na sabi ni Tristan na may malaking ngisi sa pagmumukha habang nasa likod naman nya si Zooey na nakatingin pa sa cellphone niya.

Aba kasabwat ata nila 'tong may pagkabaliw na babae rito. Nasobrahan na ata sa pagkabaliw sa akin.

"Sino nagpapasok sa kanya rito?"

"Kala namin mas matalino ka sa amin. Ba't ang slow mo?"

Napaupo naman sa harapan namin si Zooey. Ano nga ba connect nilang tatlo?

"Take away everything. And let's start!" senyas niya sa dalawa.

Teka ano gagawin nila rito sa bahay?

"Ano gagawin niyo?"

Napatayo ako sa kinauupuan ko habang kitang kita ko sa mga mukha ng dalawang gago na pinipigilan ang pagtawa.

"Ano sa tingin mo?" She said while crossing her legs.

"Mr. Guevarra you can leave us. Since the only thing you need to do is to be my boyfriend. That's all," dagdag pa nya habang inaabot yung libro sa gilid.

Ngayon ko lang napansin 'tong mga librong nakapatong. Libro at boyfriend? Ito na ba sinasabi ni Mike? Ba't di ko agad naalala yun?

"Ngayon alam ko na. Ba't di niyo agad sinabi sakin? Saka ba't dito pa sa bahay ko?" Umupo ako pabalik sa upuan nang nakalma ko na ang sarili.

"Kala namin makukuha agad ng isang Isaac Dryle Alfonzo Guevarra," sabi naman ni Tristan.

Mga ungas alam kong gusto niyo lang may pagtawanan.

"At ang bahay mo lang walang istorbo. Walang ibang tao. Perfect place para mag-aral," sabat naman ni Zooey.

Aba palusot mo lang kaya 'yan.

No Ordinary Playboy (PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS - The 2018 Wattys Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon