Chapter 10

7K 160 3
                                    

Author's Note:

Congratulations! Narating niyo na rin ang parte na ito. Hahaha. Gusto ko lang magpasalamat sa supporta na ibinigay niyo sa story at mismo na rin sa akin. Sana samahan ninyo ako hanggang sa huli. I will do my best to give you better stories that is worth-stealing your precious time.

------------------------------------

"Bakit nandito ka?" Tanong ni Tristan nang pumasok ako kasunod ni Dannie.

"Why not?" Kibit-balikat kong sabi sa kanya.

Andito kami sa office ni Mike. Kung dati tambayan namin ito ngayon naging tutorial room na nila. Malaki naman kasi itong place.

"May gagawin kayo after this?" Masiglang sabi ni Dannie sa dalawa.

Hindi ko na rin siya pinilit kanina na uminom ng kape. Kaya nang makita ko ulit ang trouble maker na nerd binigay ko na sa kanya ang isang latte.

Mabuti at wala pa naman si Mike kaya di namin siya maiistorbo.

"Nothing. Alam mo naman na vacant natin lahat kasi Engineering days," sabi ni Tristan while preparing his books.

"Good. Sama kayo ha," Dannie said while getting her stuffs before taking a sit.

Ngayon ay nakaupo na kaming lahat sa round table.

"Saan?" Tanong naman ni Zelo.

"Are you questioning me now? Di ba ako lang may karapatang magtanong. That's the rule, right?"

"It wasn't a question. Period ang last noon. Di ba Zelo?"

Agad namang nagpaliwanag si Tristan na hinihintay ang pagtango ni Zelo.

What's this rule?

Tumango naman si Zelo kay Tristan ng may napagtanto. Anong rule sinasabi nila? Bakit parang nale-left behind ako. I also want to know.

"What's that rule about?"

I faced them. I feel that I need to know what they're talking. I felt restless by just thinking that they have this rule and I knew nothing about it. Ewan ko kung bakit ako ganito.

Argh. Curiousity kills me.

"It's Engineering thing. You don't need to know," Dannie calmly said that without even looking at me.

Fine. It's your thing!

"Hey! Mr. Boyfriend magsisimula na kami. Masyadong nakakadistract ka kaya doon ka muna sa malayo."

Ngumuso si Tristan sa akin sa lugar na tinutukoy niya. Wow lang ha. Kailan pa sila naging seryoso dito sa pag-aaral.

"Okay fine."

Umalis ako at doon sa upuan na ako ni Mike umupo. Pinatong ko naman ang dalawang paa sa malapit na mesa.

Halos isang oras na ako sa upuan at nagsisimula na akong mabagot. Nilibot ko na lang ang tingin sa mga gamit ni Mike.

As expected maraming mga documents ang andito sa gilid ng table niya. Ang boring siguro ng pinaggagawa niya araw-araw.

Tumitingin lang ako sa mga gamit nang napansin ko ang isang box sa baba ng mesa niya. Since walang takip, agad kong nakita ang mga envelop.

At nang inangat ko ang buong box, agad kong nabasa ang sulat sa labas ng isang envelop.

To: Isaac Dryle

It's for me! Kaya pala walang umaabot na sulat sa akin kasi na kay Mike.

Kinuha ko ang sulat at binasa.

No Ordinary Playboy (PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS - The 2018 Wattys Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon