Chapter 18

5.1K 118 3
                                    

"Everyone you only have two hours to finish this task. So work as fast as you could." Muling sigaw ni Miss Twinkle.

Kanina pa siya nagsisigaw sa amin. Ang ingay na niya.

"Here." Nakita kong pinunasan ni Mike ang pawis sa noo ni Dannie. Kanina pa talaga itong si Mike. Bakit sila pa ang nagkapareha?

"Ano ba, Dryle? Ba't ang paa ko ang dinidiligan mo? Akin na nga 'yan Napatingin ako kay Zooey na inagaw ang tabo ng tubig.

Di ko namalayan na ang paa na pala ni Zooey ang binubuhusan ko ng tubig sa kakatingin ko kina Mike.

"Pasensya na. Di ko napansin." Paliwanag ko kay Zooey. Buti di kami narinig ng witch na si Ms. Twinkle.

"Payatot, ba't ang bagal mong makahukay?" Napalingon naman ako kina Tristan at Patty.

Naku naman. Baka marinig pa sila ng witch at dagdagan pa ang mga puno na itatanim. Ang dami na kaya nitong isang daang puno.

Kung hindi lang talaga ito ang pinagpalit ni Mike sa parusa ni Patty. Ang alam nila ako nag-isip nito. Ang hindi nila alam ay ang katotohanang si Mike ang may pakana nito. Ang dami ko kayang pinagdaanan para sumama ang dalawang unggoy. Nagpakaalipin pa ako sa dalawa. Samantalang si Mike, enjoy na enjoy kasama si Dannie.

"Psshht!" Tawag ko sa kanila. "Wag kayo mag-away." Sabi ko na pabulong.

Nakikita ko sa mata ni Tristan na inis na inis na siya. At si Patty naman nakabusangot na rin ang mukha.

"Just keep your mouth shut, Patty!" Mahina pero may diing sabi ni Tristan kay Patty na lalong nagpataas sa tensyon na namamagitan sa dalawa.

"Anong sabi mo? Ulitin mo nga!" May diing sabi rin ni Patty. Lumingon ako sa witch at nagpasalamat na busy siya sa pag-abot ng tubig sa kung sino man 'yong lumapit para uminom ng tubig.

"Isang salita pa at siguradong pagsisisihan mo. Dahil sisiguraduhin kong tatahimik ka na pag di ka pa tumigil dyan." Narinig kong pagbabanta ni Tristan kay Patty.

Napalunok si Patty. Sa tono ng boses ni Tristan alam kung seryoso siya sa sinabi kaya mukhang natakot rin si Patty.

Bumalik ako sa pagtatanim. Naghukay ako at pagkatapos ay nilagay ang seedling ng puno.

"Zooey, diligan mo na 'to." Binalingan ko ng tingin si Zooey pero wala na siya sa likod ko.

Asan naman ang singkit na 'yon? Hinanap ko siya sa paligid at napansin na andoon siya malapit sa witch at umiinom ng tubig.

Nakanganga namang nakatitig lang sa kanya habang pawis na pawis na umiinom ng tubig si Ms. Twinkle. Binaba ni Zooey ang plastic bottle at nilagay sa baba ng lalagyan at nagpunas ng pawis.

Nakikita ko ang manghang tingin ni Ms. Twinkle kay Zooey. Halos di niya na matanggal ang tingin kay Zooey. Parang natunaw pa siya ng lingunin siya nito. I know that kind of look. Ganyan na ganyan kumilos ang mga babaeng nagpapansin sa akin. Iyong isang titig mo lang sa kanila ay parang nasa langit na sila. That is how a girl show their affection.

Now, I know how to tame the witch.

"Tapos na rin sa wakas!" Masayang sigaw ni Zooey.

"Salamat naman at tapos na tayo." Pagod namang sabi ni Patty.

"We're done. Time to eat!" Malakas na sabi ni Tristan. Parang nabuhayan naman si Patty.

"Pahinga muna ako. Una na lang kayo." Napalingon ako sa sinabi ni Dannie. Kausap niya si Mike at nagpupunas na siya ng pawis.

"Bilisan ninyo ang kilos para makakain pa kayo. Marami pa kayong gagawin." Sabi ni Ms. Twinkle.

"Bakit ba ang sungit ng babaeng 'yan?" Pabulong na sabi ni Zooey habang nag-aayos kami ng gamit.

"Can we first change clothes?" Tanong ni Zooey kay Ms. Twinkle.

"Uh? Oo naman. 'Wag kang mag-alala gwapo ka parin kahit pawisan." Wala sa sariling sabi ni Ms. Twinkle.

"Pinagsasabi ng babaeng 'yan?" Kunot-noong sabi sa amin ni Zooey. Parang wala pa rin sa sarili si Ms. Twinkle.

"May tama na yata." Wika ni Tristan na napailing.

"Oo. Tinamaan na yata ni kupido." Ngiting sabi ko sa kanila. Halos matawa naman ang lahat maliban kay Zooey.

Nagpalit ng bagong damit ang lahat at bumalik sa center para kumain. Nagpaiwan sa labas si Dannie at umupo sa swing sa ilalim ng malaking puno.

Nagpaiwan rin ako para samahan siya.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya habang umuupo sa katabing swing.

"Wala. Ikaw bakit andito ka? Hindi ka pa nagugutom?" Nakangiting sabi niya. Ito talaga gusto kong makita kanina pa. Ang ngiti niya.

"Nagugutom kaya lang mas gusto kita samahan. Just watching you smile can erase my hunger." Lokong ngumiti ako pabalik.

"You and your sweet tongue. Isang bagay na hindi mawawala sa isang Isaac Dryle Alfonzo Guevarra." She smiled sweetly while she swing.

"Alin ang gusto mo? Ang playboy na Isaac Dryle o ang badboy?"

"Ang gusto ko? Wala sa dalawa." Napahalakhak siya sa sinabi. "Mas gusto ko kasi ang totoong ikaw." Pasimple niyang dagdag sa sinabi at nagpatuloy siya sa pagswing.

"Talagang gusto mo ako 'no?" Tanong ko na nagpatigil sa kanya. "Oo ang sagot ko kung ako ang tatanungin mo. I like you. I like your angelic face when you turn silent. I like your grumpy attitude everytime you lose your self. Your bubbly attitude when you're so happy. Everything about you amazes me. I don't know but you really caught me off guard."

I don't know if it's the effect of my sudden confession or everything is just so silent as if they want to hear something. Ang buong paligid ay sumisigaw ng katahimikan. At sa bawat pagdaan ng oras ay lumalakas ang kaba na namumuo sa aking dibdib. Parang hinahabol ako at kailangan kong unahan ang kung ano man iyon.

"One day, you'll regret knowing me. You'll soon dislike and hate me." Tiningnan niya ako sa mata. "And you will forget me. Hihintayin mo ba ang araw na iyon o pipiliin mong wag akong gustuhin?" She asked me without breaking our eye contact.

"Not liking you is no longer an option. I already like you and will always be. So I will wait for that day, forever. Cause that day where I will forget you, no longer exist in my lifetime."

Kinuha ko ang kanang kamay niya na nakahawak sa lubid ng swing at hinila siya palapit sa dibdib ko.

"So is it a yes?" Bulong ko sa kanya habang yakap siya.

"Then it's a yes." She smiled back at me. Ang saya ko. Napakasaya.

I will make sure that she will not regret saying yes to me. I will always make her happy.

No Ordinary Playboy (PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS - The 2018 Wattys Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon