Chapter 7

10.6K 186 22
                                    

"Dito."

Pilit kong hinahabol ang hininga sa bawat paghakbang ng aking mga paa. Sa dinami-dami ba namang pwedeng makabangga namin, bakit ang mga iyon pa?

"Hanapin ninyo! Nasa malapit lang sila," rinig namin na sigaw ng panget na iyon sa mga kasamahan niya.

"Ano bang atraso mo sa kanila. Ba't tayo tumatakbo?" hingal na sabi ni Dannie.

Di ko napansin na hinihingal na rin si Dannie sa katatakbo namin. Napapahawak na lang siya sa dibdib at humihinga ng malalim.

"Sshh."

Muli akong nakarinig ng mga yabag kaya dali-dali kong tinakpan ang bibig niya.

"Wala rito," sabi ng tauhan nya.

"Ang bilis naman ata nila makaalis. Swerte ang Isaac na iyon ngayon pero sa susunod di na siya makakatakas."

Napabulyaw na lang siya sa galit. Nakikita pa namin na pinagsisipa at pinaghahampas pa niya ang mga tauhan niya.

"Halika na."

Hinatak ko siya paalis sa harapan ng gagong lalaki na iyon.

"Teka. Kanina pa nandyan iyang mga mascot na iyan?"

Bigla kaming pinalibutan ng mga tauhan niya. Hinigpitan ko naman ang hawak sa kamay ni Dannie.

"Kanina pa kayo andito?"

Lumapit samin ang panget na gago. Hinimas-himas pa niya ang mukha ng mascot na suot ni Dannie.

Hinatak ko siya palapit ngunit biglaan na lang niyang sinampal ang panget na gagong iyon. Nabigla pati ang mga tauhan niya kaya napaatras sila.

"Ba't ba nanampal 'tong mascot na ito ah. Sinong may-ari nito at papaalisin ko siya rito kung di niya papatalsikin ang isang 'to."

Napahawak pa ang panget sa mukha niya.

"Sorry po sir. Sa amin po sila nagtratrabaho. Pasensya na po. Di kasi nakakarinig ang isa sa kanila."

May dumating na staff ata. Sa kanila pala itong mga mascot custumes na nakita lang namin sa gilid kanina.

"Kung ganoon. Paalisin niyo na sila sa harap ko," sigaw ng panget.

"Sabing sa malapit lang kayo mamigay ng flyers e," sabi ng staff na kumuha sa amin.

Nakarating kami sa isang fastfood. Bok Chicken ang nakalagay sa taas nila.

"Dito lang kayo sa harap mamigay ng flyers. Ito na ang huling batch ng flyers sa araw na ito kaya pagnabigay niyo na lahat pwede na kayong umalis."

At pumasok na sa loob ang staff.

"Then shall we?"

Tinaas ko ang flyers saka namigay na sa bawat taong dadaan. Maybe it's good to do this since we owe them for saving us. Namigay na rin si Dannie.

"Let's just eat here! There's chick too!"

Parang boses ni Mona ang narinig ko. Lumingon ako at ayun nga nandito silang lahat. Hinahatak sila palapit ni Mona.

No Ordinary Playboy (PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS - The 2018 Wattys Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon