Chapter 19

5.1K 117 0
                                    

"Yuck! Bitawan mo nga ako, nakakadiri."

Isang sigaw at malakas na pagtulak ang aking naramdaman. Napabalikwas ako at nakita ang diring-diring mukha ni Tristan. Nakahawak pa siya sa braso niya.

"Anong nangyari?"

"Nababakla ka na ba, Dryle? Akala ko wala ka lang talagang planong magseryoso kaya..." Patuloy na pagwawala ni Tristan.

"Bakla? Ako? Isang Isaac Dryle Alfonzo Guevarra magiging bakla? That can never happen. Tsk."

"E bakit ka nangyayakap?" Tanong muli niya.

"Bakit naman kita yayakapin? Ikaw ba si--" Teka saan si Dannie?

"Sino ba iniisip mo sa oras na 'yon Dryle? Aba may bago sa isang Isaac Dryle Alfonzo Guevarra."

"Asan si Dannie?" Tanong ko habang hinahayaan lang siya na magpakalunod sa pagtawa.

"Lumabas ng compound. Mahina kasi signal dito. May tinatawagan yata." Sabi niya nang mahimasmasan sa pagtawa.

"Anong oras na ba? At nasan na ang iba?" Bakit si Tristan lang andito? Nakaidlip lang ako at nawala na sila lahat.

"Nagpapahinga. Binigyan kasi tayo ng isang oras na pahinga."

"Sige. Labas din na muna ako."

"Bahala ka na nga. Basta nandoon lang kami sa quarter." Pahabol sa akin ni Tristan.

Bahala kayo doon. Basta doon ako sa girlfriend ko.

Naglakad ako palabas at nakita si Dannie sa kabilang kalsada. Mukhang may kausap nga sa cellphone niya. Seryoso ang mukha niya kaya hindi ko na lang siya inistorbo. Sumandal na lang ako sa haligi ng cemento at pinagmasdan siya.

"Kuya bili ka ng sampaguita. Pambili ko lang ng pagkain." Isang batang lalaki ang lumapit sa akin bitbit ang isang kumpol ng sampaguita.

"O sige. Magkano ba 'yan lahat?"

"Bibilhin ninyo po lahat? Isang daan lang po ito." Masiglang sabi ng bata.

Dumukot ako ng pera at inabot sa bata.

"Sobra po ito kuya."

"Sa 'yo na iyan. Pambili mo na rin ng pasalubong sa pamilya mo." Sabi ko a kanya at nakangiti naman niyang inabot sa akin ang kumpol ng sampaguita.

"Salamat po kuya." Masayang umalis ang bata.

Muli ko namang binaling ang tingin kay Dannie na binaba na ang kanyang cellphone.

"Hey! Wanna go on date?" Sabi ko sa kanya habang kumikindat. Ngumiti naman siya ng napakatamis.

She waved at me. Nagtumbs-up siya bago nagsimulang tumawid sa kalsada.

Hindi ko naman hinintay pa na tuluyan siyang makatawid kasi tumawid na rin ako sa kalsada. At nagtagpo nga kami sa gitna ng kalsada. Okay lang naman kasi wala namang maraming sasakyan dito. We wouldn't cause traffic.

"Saan?" Tanong niya sakin.

"Dito lang. Dito sa puso ko." Sabi sabay turo sa puso ko. "And for you."

"Baliw ka na talaga." Inabot niya naman ang bulalak ng sampaguita. "Gusto mo kumain? Alam kung hindi ka pa kumakain." Tanong niya muli habang hinila ako papunta sa kabilang linya ng kalsada.

"Okay na ako diyan." Sabi ko at tinuro ang tindahan ng fishball at tempura.

"Matagal na rin akong hindi nakakain ng tempura. Halika at bilisan mo!" Masigla niya akong hinila papunta doon. Nakakatuwa siya tingnan. Para lang siyang bata na excited na excited talagang kumain.

No Ordinary Playboy (PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS - The 2018 Wattys Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon