Chapter 24

6.3K 89 6
                                    

This place still looks beautiful. But I am still looking for something. I felt something is missing.

Gusto kong mag-enjoy pero hindi ko magawa. Ang bigat nang pakiramdam ko.

"Bibisitahin ko muna ang iba sa itaas. Kayo na muna ni Mona maglibot dito." Bilin ni mama na masayang naglakad papasok sa loob.

"Kuya Prince!" Malakas na sigaw ni Mona. Hindi ko na namalayan na nasa malayo na pala siya. Masaya rin siyang nagmamasid sa mga bulaklak.

Tahimik ko lang sinundan si Mona. Patakbo-takbo pa naman ito kaya binibilisan ko na lang ang paglakad.

Lakad lang ako nang lakad hanggang napadpad kami sa lugar kung saan maraming nagba-bike. Mabilis ko agad hinawakan si Mona.

"Let's also ride!" Mungkahi ni Mona nang napansin akong titig na titig sa mga nagba-bike.

"You can't ride, princess. It's safe to walk."

"O-okay, let's just watch them." I know that she's quite disappointed but she still manage to smile. Umupo kami sa malapit na upuang kahoy.

Masaya ang lahat ng nandito. They really enjoyed what they are doing. But how come I couldn't?

"Do you like flowers?" Isang malambing na boses ang narinig ko kaya napalingon ako. I saw a little boy holding a bunch of flowers. This boy looks like the one I saw with Dannie.

"Are you giving it to me?" Malambing ding tanong ni Mona sa bata. Tumango naman ito sa kanya.

Agad kong nilibot ang tingin. Kung hindi ako nagkakamali, maaaring andito rin si Dannie.

Just the mere thought that she might be here is making me quite happy. This is how I missed her, huh.

"Are you looking for something? Or it's someone Mr. Guevarra?" Halos lumuwa ang kaluluwa ko sa saya nang makita ang taong nasa harap ko. Pakiramdam ko nakangiting-aso ako sa harap niya. Pero wala akong paki-alam. I'm just too happy to care what I look.

"You're really an idiot." Nakatawang sabi niya sabay alis. Hindi ko manlang siya nakausap.
Sinundan ko ng tingin ang pag-alis niya. Nagba-bike rin pala siya dito. Papunta siya kina Mona. Teka, ganoon na ba talaga ako ka tulala kanina at hindi ko na napansin ang pag-alis ni Mona sa tabi ko?

Mahigpit na niyakap ni Mona si Dannie. Parang ang saya ko na ngayon. She really made my day.

Susulitin ko na rin ang araw na ito.

"Want to play with my little princess?" Nilapitan ko ang batang lalaki. He cutely nodded. Pagkatapos ay kinarga ko siya.

"Hey, let's play!" Mona happily cheered while following me.

Naglakad ako papunta sa malapit na swing at agad kong pinaupo ang karga ko.

"I don't want to play here." Busangot na sabi ni Mona pagkarating sa swing.

"Just watch him over for a while. You said you'll help me find my bride, right?" Bulong ko kay Mona. Tumango naman ito. "Then can you play with him?" Tiningnan niya ang batang lalaki bago siya tumango at umupo sa swing.

Hindi naman agad nakasunod si Dannie dahil iniwan pa niya ang bike sa gilid.

At dahil hindi na ako makahintay, ako na mismo ang sumalubong sa kanya. Nakataas ang kilay niya nang magkatapat kami.

"What are you doing?" Halos pasigaw na tanong niya nang kargahin ko siya at ipinatong sa balikat na parang sako ng bigas. I don't want to argue, anymore. It would just cost time explaining everything that I myself don't even know.

"Samahan mo muna ako. Kailangan ko lang turuan ang sarili na magising sa katotohanan."

I really don't know myself. I always thought that I already accept the idea that I lose her. That I am letting her go. That I am okay as long as she is happy. But everytime I saw her, I forgot all of those. It's making me crazy.

"Just sit." Sabi ko sa kanya nang binaba ko na siya. She silently followed my order. She squated in front of me. Sumunod naman ako.

I am watching her closely. Walang nagsalita sa amin. Ngayon ko lang napansin na walang nagbago sa mukha niya. She remain beautiful like a fairy. Ibang-iba siya sa Dannie na nakita ko noong nakaraang araw. She looks matured and her eyes wasn't this beautiful. Could it just be my imagination?

"Teka lang, may tumatawag." Basag niya sa katahimikan namin nang nagring ang cellphone niya."

Tumango naman ako at sinundan siya nang tingin.

"Sunduin mo na anak mo rito." Narinig kong sabi niya sa kabilang linya.

Anak? Kausap niya siguro ang ama ng bata. This is the truth and I should accept it. I lost.

"Remember the first time we met?" Tanong ko nang bumalik siya pagkatapos sagutin ang tawag.

Tumango siya at hindi na nagsalita.

"It was the time I lost someone I love. But I never knew...that time, I found someone. Someone who can make me crazily inlove. Hindi ko alam pero nakakabaliw din pala ang umibig. Yung kahit alam mo na hindi mo na siya mahahawakan pero ang puso at isipan hindi ito magawang tanggapin." Hindi ko na siya magawang tingnan pa sa mata. Siguro ito ang dapat. Kailangan ko lang ilabas ang totoo kong nararamdaman. At pagkatapos matatanggap ko na. Na nawala ko siya. She's the one I love but lost.

"I found you. You didn't find me, my Isaac Dryle Alfonzo Guevarra. The heavens brought me to you." Lumapit siya at hinawakan ang mukha ko at hinalikan ako sa pisngi. I was not prepared at all.

Alam kung ginagawa lang niya ito para gumaan ang pakiramdam ko. Sa huli, sasabihin din niya ang masakit na katotohanan.

"You already found your bride, Kuya Prince." Mona suddenly went to me. She was smilling like there's no tomorrow. I tried to gain back myself and smile at her.

"So, the great Isaac Dryle Alfonzo Guevarra is looking for a bride, huh." Napalingon ako sa nagsalita at halos hindi ako makakurap sa nakita.

She looks like Dannie in a more mature look. Karga niya ang batang lalaki kanina. Her eyes is different from Dannie. Her eyes tells a different self. Ibang-iba kay Dannie.

"You have a twin sister?" Napabaling ako kay Dannie.

"Not my twin but my elder sister." Sagot naman nito.

"We met before, remember?" Sabi naman ng kapatid niya.

"Uh. I remember." Agad na sagot ko. Nakakahiya kong sasabihin kong napagkamalan ko siyang si Dannie. Bakit hindi ko naman talaga tiningnan nang mabuti?

"I'll bring flowers at your wedding!" Mona interrupted us with her loud voice.

"Oh, what a sweet girl." Puri naman ng kapatid ni Dannie. Tiningnan niya ako pagkatapos ay si Dannie. Ngumiti siyang parang nanunukso.

Nakakahiya minsan itong batang 'to. She grow up being sweet but her nosy and loud voice remains.
"You will when the times come." Sabi ko bago kinarga na rin si Mona. Matabil din kasi ang bibig nito. Nagmana yata kay Tristan.

"Iwanan ko na kayo. May lakad pa kasi kami." Paalam ng kapatid ni Dannie. "You can visit us sometime with Dannie." She winked.

"O sure."

A/N: May Special Chapter pa na susunod. Sana nagustuhan niyo ang kwento.

Another Guevarra will make you fall inlove. Guess who? Abangan sa next story ko.

No Ordinary Playboy (PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS - The 2018 Wattys Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon