Chapter 8

8.3K 164 2
                                    

Matapos matanggap ang impormasyon ng mga kidnapper ay agad na akong nagtungo sa lugar na binanggit.

Nakarating ako sa isang malaking mansyon. Walang ibang malapit na bahay. May isang bantay lang sa labas ng gate.

Hindi ako sigurado pero may kakaiba talaga. Sa boses ng kidnapper parang matagal na niya akong kilala.

"Dito po."

Hinarap ako ng bantay. Wala siyang armas at ang tanging dala niya ay ang isang walky-talky.

Pagdating ko sa pintuan ay bumungad sa akin ang isang kasambahay. Nakasuot ng uniform na may letrang GG sa dibdib.

"Sumunod po kayo sa akin."

Sinundan ko ang kasambahay. Ngayon mas lumaki ang kutob ko na ang pakana nito ay isa sa kanila. Dahil sa itsura palang nitong lugar, malalaman muna na isa itong tagong mansyon. Walang ibang taong madaling makakapunta dito. Ang matanda lang may kakayahan na magkaroon nito. Marami akong nakalaban pero hindi nila mapapantayan ang kapangyarihang hawak ng matanda.

Nakarating kami sa isang silid. May desk at nakaupo sa upuan ang taong inaasahan ko. Lahat ng hula ko ay nakumpirma na.

"Isaac, ba't di mo manlang binisita ang lola mo. Alam mo naman na kakauwi lang namin mula sa ibang bansa."

"Ba't pala kayo bumalik, huh? At bakit ginugulo niyo na naman buhay ko? Dinamay niyo pa ang ibang tao."

"Hijo. Isa lang naman gusto namin e. Forget your past. Hindi iyon makakabuti sa iyo. Kalimutan mo na ang mga bagay na iyon. Hindi mo na maibabalik ang buhay ng ama mo. Kaya sana tapusin mo ang bagay na hindi nagampanan ng iyong ama."

"At gusto niyo ako maging isang puppet niyo? Gawin lahat ng nais niyo? Naririnig niyo ba pinagsasabi niyo?"

Di ko mapigilang mapamura sa galit. Kinukuyom ko na lang ang kamao ko para pigilan ang sakit na nararamdaman.

"It's not like that Isaac!"

Halos sumigaw na ang matanda. Pero hindi pa rin ako nagpatinag.

"Kayo pumatay kay Dad! At dahil sa depression na dulot ng pagkamatay niya naging ibang tao si Mama. Nawala sa katinuan, alam niyo ba iyon!"

"You're just so young. Nabulag sa maling ideya. Aksidente ang nangyari sa papa mo. Hindi lang kayo ng mama mo ang nawalan. Nawalan din ako ng isang anak."

May lungkot sa tono niya pero mukhang sanay lang talaga magpakitang-tao. As what they always say, a successful businessman carries his mask all the time.

"Tell your lies to the boy who just lost his family ten years ago at siguradong maniniwala siya. But the person infront of you no longer believes that lies."

"You should not make any stupid act Isaac. You knew I can easily keep your crazy mom away from you. Baka nga imbes na madadalaw mo siya buwan-buwan magiging taon-taon na lang."

Tumayo siya sa inuupuang swivel chair. Akmang aalis na siya at di ko pa nakikita sina Dannie. Alam kong hindi niya gagawan ng masama ang sariling apo ngunit si Dannie hindi ko masisigurado. Ngayon pang may post-trauma siya.

"Where are they?" Matigas na sabi ko sa kanya.

"Don't get your self too attach Isaac. I'm done talking to you. You may see them in the living room."

Agad na siyang umalis. Pinuntahan ko naman sila sa living room. Nakita kong kumakain ng cupcake si Mona habang tinitingnan lang siya ni Dannie. Mukhang may malalim siyang iniisip kasi di niya napansin na nasa tabi na niya ako. Nang lumapit lang si Mona siya biglang natauhan.

"Kuya Prince naglaro kami ng habulan kanina. Sayang wala ka."

"Talaga? Bakit wala na mga kaibigan mo? Inaway mo na siguro 'no?"

Kinarga ko si Mona.

"No! I didn't! Lolo's ugly guards played with me."

Ugly? Sila siguro ang narinig ko sa tawag kanina. Pinaikot na naman nila ako.

Napabuntong-hininga na lang ako at sumandal sa couch na inuupuan namin.

"Okay ka lang?"

Nilingon ko si Dannie. Nakatitig lang siya sa akin bago tuluyang nagsalita.

"It was planned. Before the event ended. Mike also knew about it."

Kaya pala parang hindi sila masyadong nag-alala kanina. Bakit di ko napansin iyon? Nagpaloko na naman ako.

"Let's go home."

Tumayo ako at kinarga si Mona. Siguro magpapahinga na ako matapos nito. Nakakapagod ang araw na ito.

Inuwi ko si Mona. Nagkita kami ni Mike. Alam kong napilitan lang siya pero hindi ko pa siya kayang harapin at kausapin. Baka sa susunod na lang.

Si Dannie naman ay hindi na nagpahatid. Hanggang sa sakayan ko lang daw siya ihatid. Hindi ko na rin siya pinilit kasi gusto ko na rin magpahinga. Malakas naman siya at alam kong di siya madaling babae.

Pagdating sa bahay ay binagsak ko na ang buong katawan sa kama. Ayaw ko muna mag-isip. Nakakapagod na.

Nagising ako sa malakas na tunog ng cellphone ko. Agad kong kinuha para sagutin ang tawag.

"Ano? Natutulog pa ako," antok na sabi ko.

Hindi ko rin naman tiningnan kung sino ang tumawag.

"Gosh, Isaac ang gwapo naman ng antok na boses mo. Uhm, ngayon kasi ang photoshoot mo. Remember the promotional ad for your school? This is Art pala."

Boses bakla ang nasa kabilang linya. Art? Hindi ko siya kilala. Sa natatandaan ko may photoshoot nga akong tinanggap. Hindi ko na nga lang inalam pa ang ibang detalye.

"Ah, okay pupunta na rin ako sa school. I'll call you back na lang."

"Sure. Take your time my dear."

Binaba ko na ang cellphone at naghanda na.

Dumating ako sa lugar na sinabi nila. Since para sa school ito kelangan na sa campus kami magshoot. Abala ang lahat sa paghahanda. May maraming nakaaligid din. Mga babae na nagkukumpulan sa labas ng restricted area sa mga hindi kasali.

Mababait naman lahat sila. Walang sumusunod sa akin pag may private na lakad ako. Hindi sila namimilit. Kung sa daan ko lang sila makikita hanggang doon lang sila. They're indeed my cute little puppies.

"Oh dear, you're here. Hintayin na lang muna natin sila matapos sa background. And may kasama ka pala," sabi ng lumapit sa akin.

Siguro ito na si Art.

"Ah, okay," tipid na sagot ko sa kanya.

Pumunta ako agad sa may tent at umupo sa bakanteng upuan. Inaantok pa ako kasi ang aga ng bakla tumawag.

Pinikit ko na ang mata at umidlip.

No Ordinary Playboy (PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS - The 2018 Wattys Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon