Chapter 11

6.2K 155 2
                                    

Mabuti at walang nangyaring masama kay Patty. Kanina ko lang nalaman ang pangalan niya at ang isang problema ay siguradong papatawan siya ng parusa dahil sa ginawa niya. And I can't let that happen. Kung bibigyan siya ng mabigat na parusa mas maaawa lang siya sa sarili. Kaya dapat hindi na maulit ang ganoon.

I decided to go back. Pagpasok ko wala na sina Tristan. Siguro tapos na sila.

"They are done," sabi ni Mike na nakaupo sa swivel chair niya.

Nakatingin siya nang diretso sa akin. Parang may hinihintay siyang sasabihin ko.

"Ah. Okay."

Umupo ako sa couch na malapit sa kanya. Kahit na hindi ako nakatingin sa kanya, alam kong hindi niya inaaalis ang tingin sa akin.

"Do you have something to say?"

Di na siguro niya mapigilang magtanong at binasag niya na ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa. Tinuon ko ang paningin sa bandang itaas ng kisame at huminga ng malalim para sagutin siya.

"Well, marami akong sasabihin," sabi ko habang hindi pa rin siya tinitingnan. "First, alam kong may alam ka sa nangyari. At alam ko ring hindi mo talaga matanggihan ang matanda. At alam ko rin na kahit hindi ka nakialam, matutuloy pa rin sila sa kung ano man ang pakay nila sa akin. So to make the long story short, I will forgive you."

"Sac, you do know them so well." Lumunok muna siya bago muling nagsalita. "Take this warm hug as my sorry."

Lumapit siya at umaktong yayakap sa akin.

"Stop. Your gross!"

Lumayo ako sa kanya ng ilang hakbang. Itong Mike na 'to ang sagwa pagnanlalambing. Nakakadiri.

"Another side of Isaac Dryle Alfonzo Guevarra. A hater of man's hug."

Umayos siya bago bumalik sa pagkakaupo.

"Mike, ano gagawin nila kay Patty?"

Umupo ako sa harap ng mesa ni Mike.

"Patty? Who's that?"

"Siya iyong babaeng muntikan ng magsuicide."

"Siya pala si Patty. You're one of the reason kaya siya nag--"

"Kaya nga kailangan ko siyang tulungan. May mabigat bang parusa sa kanya?"

"It's not that big but I know she may suffer from it. Dahil sa pagtatangka niya maybe she will undergo counseling. And another penalty is to have a merit. She maybe force to transfer school if that happens," paliwanag ni Mike.

"No. That won't happen. This is the best school."

"Then, what will you do? Can you offer yourself instead?"

Matalim ang tingin niya sa akin. Alam kong kaya niyang hindi na ituloy ang pagpapaalis kay Patty pero kailangan niya ng kapalit. That's how Mike works. You have to pay what you owe him.

"What do you want me to do?"

Seryoso akong nakatingin sa kanya at nakikita ko na ang paglabas ng ngiti niya sa labi nang magtanong ako. A dark smile is all written in his face.

Everthing should be okay. Para iyon sa ikakabuti ng lahat. Kaya ko pa naman ang hinihinging kapalit ni Mike. Kung hindi ay kakayanin ko. Hindi ko hahayaan na muling may mangyaring di kanais-nais dahil sa akin.

"Kailangang manalo ng pambato natin. Ipagpatuloy ninyo ang pamimigay. We can do it!"

Parang cheering squad ang pagsigaw ng isang grupo ng mga lalaki na nadaanan ko sa labas ng office ni Mike.

"Hoy, tara na."

Inaya ng isang kasama nila ang grupo ng magkatingin kami. Nilingon naman nila ako bago nagsialisan.

Ano kinatatakot nila? Hindi naman katakot-takot ang pagmumukha ng isang Isaac Dryle Alfonzo Guevarra.

Pababa na ako nang tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Tristan lang naman ang tumatawag.

"Dryle, tulong!"

Sumisigaw si Tristan sa kabilang linya.

Ano naman kaya nangyari? Hindi pa nga natatapos ang araw may nangyari na naman.

"Bakit? Nasaan ka ba ngayon?"

"Nasa room 248. Si Dannie kasi--"

Naputol ang tawag.

Shit! What's going on?

Room 248? Ito ang room ni Dannie.

Mabilis akong tumakbo papuntang Engineering Building. Hindi ko alam kong bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang nanginginig ang tuhod ko sa kaba. Pero kahit na ganoon ay kinaya ko pang umakyat sa second floor.

Walang tao sa labas. Ang ingay lang sa lobby ng building ang naririnig ko. May event ata doon pero hindi ko na pinansin.

Malapit na ako sa tapat ng room at biglang may nagsilabasang mga lalaki.

"Bakit ninyo ginawa 'yon? Gago talaga kayo!"

Pinagsasapak ng lalaking huling lumabas ang limang lalaki. Wala namang isang lumaban pabalik sa kanya.

"Nasaan si Dannie?"

Tinanong ko sila nang makalapit ako. Nag-iba naman ang tingin nila pagkabanggit ko kay Dannie. Parang namutla silang lahat sa gulat. Hind nga nila ako masagot ng matino kaya hindi na ako nagtagal pa doon at pumasok na ako sa loob.

"You all leave!"

Isang malakas na sigaw ang bumungad sa akin. Si Dannie halos itapon na lahat ng gamit niya sa loob. Nagkalat na rin ang mga plastik na bungo sa room niya. Kung dati ay halos panghorror-both ang itsura ng kwarto na 'to ngayon parang naging dinaanan ng bagyo sa gulo.

Nanlilisik ang mata ni Dannie na nakatingin sa akin. Sina Tristan at Zelo naman ay pinupulot ang mga gamit na nasa sahig.

"Mr. Guevarra. No, I mean you Guevarras. Please get out in my room. Leave me alone."

Medyo kalmadong niyang sabi. Umupo siya sa upuan sa table at sinasapo ang ulo.

"Anong nangyari dito?"

Kinalabit ako ni Zooey. "Sac, nasa dragon state na siya. Mahirap pa naman pahupain ang galit niya. Noong huli siyang nagwala halos one week ring badtrip 'yan," bulong niya.

"Kaya ayaw namin siyang galitin e. Ang hirap niyang ibalik sa katinuan."
Nasa tabi ko na rin si Tristan. Halos napulot na nilang dalawa ang mga gamit na nahulog sa sahig. Tinabi nila iyon bago ako hinila palabas.

"Magsabi nga kayong dalawa. Bakit siya nagalit?"

Inalis ko ang pagkahila nila sa akin nang nasa labas na kami.

"Ito kasi 'yan Dryle. Sinali kasi siya ng mga mokong na ka-batch niya as Ms. Engineering ng walang pasabi. Tapos ngayon may kinakalat pa silang pictures niya na halata namang nakaphotoshop. May voting kasi online. At doon nila pinost ang pictures," paliwanag ni Tristan.

"Mga mokong. Pinagtripan siya. Mabait naman kasi siya pero pag galit nakakatakot na," dagdag pa ni Zooey.

No Ordinary Playboy (PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS - The 2018 Wattys Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon