Chapter 16

5.3K 111 3
                                    

"My Sacky! You're so handsome talaga!"

"Oh my Isaac!"

Here we go again. I almost forget this. Girls never get tired of looking at me.

"Morning ladies!" I said as I walk pass them.

Kung hindi ako nagkakamali sa room 501 ang klase niya. And by 10:00 tapos na ang klase niya. Tama-tama lang ang dating ko.

"Oh, what brought the playboy here?"

Pagkarating ko sa tapat ng room ay nakasalubong ko si Amanda. Ito rin pala ang building niya.

"I'm here for a friend." Umayos ako ng tayo. Mukhang palabas na rin ang mga estudyante sa room 501.
"I have to go. I have to see her." Mabilis akong lumapit sa loob.

And as expected, the crowd of girls started to go near me. Pagnagtagal pa ako ay di ko na talaga siya maabutan. Sinubukan kong pumunta sa taas ng platform para makita siya. Pero sinundan parin ako ng mga babae.

Luckily I found a microphone. Kinuha ko iyon.

"Patricia Klaire Rodriguez wait for me." Malakas na sabi ko gamit ang mic. Natahimik naman ang lahat kaya nilibot ko ang tingin sa lahat ng tao sa loob pero hindi ko pa rin siya nakita.

I went outside and saw her holding the railing.

"What the-"

Mabilis akong kumaripas papunta sa kanya.

"Not again, Patty!" Hinila ko siya nang mabilis bago pa man may mangyaring masama.

"OH! Isaac?" Mabilis na nagbago ang itsura niya. Ang gulat na itsura niya ay nawala at napalitan ng pagtataka. "Bakit ka narito?"

May inabot siya. Isang bag na nakasabit sa railing.

"Kukunin ka. So we better go now." I grab her hand.

"Pero sandali lang." Hingal na sabi niya bago ako pigilan sa paghila sa kanya. "Para saan ba 'to? Di naman nila ako ipapatapon hindi ba?" Nakaramdam ako ng pag-aalala sa boses niya.

"No. But you need to date me." Kinindatan ko siya. I just want her to forget her worries.

"Ano?!" Gulat na sabi niya. Nabitiwan pa nga niya ang hawak na bag kanina.

"My Patpat, we need to go now." Pinulot ko ang nahulog na bag niya at nagpatuloy sa paghila sa kanya.

Everything is already set. Everything should go according to plan.

"So here they are." Zooey lazily said after stretching his legs. Kakatayo niya lang.

"Saan sila?" Tanong ko nang mapansing sila lang dalawa ni Tristan ang nandito.

Everyone should be here. Nakahanda na ang lahat kaya kailangan nilang pumunta.

"Nauna na sila. Kanina lang kasi sila andito. Alam mo namang mainipin iyong si Mike."

"Ano pa hinihintay natin?" Reklamo naman ni Tristan. Agad niya ring kinuha ang bag niya at sinabit sa balikat at pumasok sa loob ng bus.

"Let's go Patpat." Ningitian ko siya bago giniya papasok sa bus.

"Uh-hm. Saan ba tayo pupunta? Wala akong dalang gamit e." Sabi ni Patty pagkaupo sa may bandang kaliwa. Naupo na rin ako sa tapat na upuan sa kanan.

"It's okay. Ibibili na lang kita."

"Naku, nakakahiya! Ang laki-laki ko kaya mahirap ako hanapan ng tamang sukat." Tarantang sabi niya.

"Don't worry I'll find it for you." I wink again. Mukhang kinilig naman siya kaya natahimik.

This is Isaac Dryle Alfonzo Guevarra's way of comforting. Pinapakilig sila hanggang sa makalimutan nila ang mga inaalala.

"Dryle, magpaorder ka na rin ng maraming pagkain. Baka magkaubusan pa tayo."

"Kumakain pa ba 'yan? Akala ko hindi na. Di naman kasi halata sa katawan. Tskk." Umirap si Patty na sadyang may pinaparinggan.

There is something between these two. At mukhang mag-eenjoy ako. This trip wouldn't be boring.

Sumandal ako sa upuan at naglagay ng headphone sa ulo. Mahaba-haba pa ang byahe kaya magpapahinga muna ako. Baka di ko na magawa pagdating namin.

"Stop! It was my fault. My son is not liable for it. Di niya kailangan gawin ang mga iyon!" I once again heard his voice. Di iyon katulad ng palagi kung naririnig na boses sa kanya na laging may sayang dala. It was so loud that I can't unhear it. May galit ang boses niyang iyon. But I really felt his presence through his voice.

"Hindi natin iyan matatakasan. Alam natin na wala tayong kawala sa kanila. Mabubuhay tayong nagtatago at iyan ang hindi ko matatanggap." Naiiyak na boses naman ni Mama ang narinig ko. I can feel her agony and sadness.

Ilang ulit ko mang kalimutan ang aking nakaraan, dinadalaw naman nila ako sa panaginip ko. And at the end of the day, I can't change the fact that I am bound to follow the thing my parents fear of. Na ako ang tutubos sa kung ano ang hindi nila nagawa.

"Hoy, Isaac ko! Gising! Ano ba napanaginipan mo?"

I heard Patty's voice kaya napadilat ako. I suddenly feel na may natuyong luha sa gilid ng mata ko.

Umiyak ba talaga ako? I shouldn't be this weak.

"Ah, this is just nothing. Napuwing lang ako." Palusot ko habang kinukusot ang mata ko.

"Una na kami Dryle!" Isang sigaw naman ni Tristan ang nagpagising nang tuluyan sa akin.

"Nandito na pala tayo. Let's go?" Aya ko kay Patty. Ang tagal ko palang nakatulog.

"Hanggang kailan ba tayo rito?" Patty suddenly asked.

"Just three days, my Patpat."

"Wuuuhat?"

I know Patty wouldn't be bored here. She will soon realize that. For now, we need to go out and meet everyone.

"You'll be fine here, promise." My last words to Patty bago bumaba sa bus.

"Good to see you here." Lumapit ako kay Mike na nakaupo na sa reseving area ng lugar kasama si Dannie. She is wearing a simple shirt with faded jeans but she looks so gorgeous! Ngayon ko lang napansin ito. Dati ngiti lang gumaganda na ang paligid pero ngayon ang ganda niya tingnan na halos di ko na magawang tanggalin ang tingin ko sa kanya.

Why does she needs to be this gorgeous?

"May gusto ka bang sabihin?" Pukaw ni Mike sa akin. Nabalik ulit ako sa huwisyo sa tawag ni Mike.

Sinulyapan ko si Dannie. Nakasandal lang siya sa upuan at saglit na napatingin sa akin bago binalik ang tingin sa cellphone niya.
"Nothing. I just noticed something." Sagot ko naman.

"Something what?"

"The beauty of this place." I said looking at Dannie. Di ko alam pero may iba lang talaga. Hindi ko lang maipaliwanag.

No Ordinary Playboy (PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS - The 2018 Wattys Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon