Chapter 4

14.2K 301 10
                                    

"Saan na ba ang extrang unan ko? Saka kumot?" Napakamot na lang ako sa di maipaliwanag na dahilan.

Naku naman uh. Ba't ang daming cabinet dito. Saan ko ba iyon nilagay?

Hinalungkat ko na lahat ng gamit ko bago nakita ang hinahanap.

"Ah eto," sabi ko sa sarili nang makita na ang hinahanap ko.

Pumunta na ako doon sa sala habang dala ang unan at kumot. Ngunit nakita kong gising na siya. Nakatingin lang siya sa akin.

Pero ba't parang may iba? Ang mukha niya halos natatabunan na ng buhok niya. Di naman siguro siya nananakot, ano?

"Hey! Stop looking at me. Baka lalo kang mabaliw sakin," pukaw ko sa kanya.

Agad naman siyang natauhan.

Nilapitan ko siya. Mas nakakatuwa siya ngayon. Ewan ko ba. Mas gusto ko siyang ganito.

"Umalis na sila. Bukas na lang daw," sabi ko sa kanya habang inaabot ang dala ko.

Tinabihan ko naman siya pagkatapos.

"What's the matter my little fairy?"

Napasandal ako habang tinitingnan siyang maigi sa tabi. At dahil doon I remembered something. Siya pala ang babaeng nahulog sa hagdan few days ago.

But why she seemed different from the girl before? Ang babaeng kaya akong paglaruan at mala-dragon ang aura ay nawala na lang bigla. What's really happening to her?

"Hey! I noticed you're so different from before. Ganitong-ganito ka rin noong time na una tayong nagkita. You never talk to me."

I faced her but I still feel that she won't talk to me. May split personality kaya sya?

"I don't know what you're going through but I don't mind you having multiple personalities. I think it would be fun being with you." Nilapit ko ang sarili sa kanya. "And it's already late. You can sleep here. The room next to my room, you can use it."

Tumayo na ako para umalis. Alam kong iba siya ngayon. Mas gusto niya atang mag-isa. If that's what she wants I can give it to her.

Pero bigla niyang hinila ang t-shirt ko na para bang pinipigilan niya akong umalis.

"What do you want?"

I sincerely asked her without looking back. And as what I expected, di pa rin niya ako sinasagot.

"Do you want me to stay here..."

Biglang dumilim ang buong bahay. Siguro nagrotating brownout na naman. Sira pa naman generator ko ngayon.

Naramdaman ko naman na mas humigpit ang pagkakahawak niya sa damit ko. Dahil sa madilim, hinay-hinay akong umatras pabalik sa upuan.

"It's okay. Siguro dalawang oras lang 'tong brownout," sabi ko habang kinakapa ang cellphone ko sa bulsa.

Ngunit kahit na anong kapa ko, walang laman na cellphone ang bulsa ko. Naiwan ko ata iyon sa kwarto.

"Teka may cellphone ka diyan? Iyon na lang gamitin nating pang-ilaw."

Kinalabit ko siya. Agad naman niyang pinakita ang cellphone niya. Pero ang masaklap halos lowbat na ang cellphone niya.

"Let's just stay here for awhile."

Siguro mas mabuting hintayin na lang namin na umilaw.

Bakit ang lamig? Napatingin ako sa paligid at bumulaga sakin ang natutulog niyang mukha. Di ko namalayan na nakatulog pala kami sa kahihintay na umilaw.

Nakasandal siya ngayon sakin habang yakap-yakap ang unan na binigay ko. Ang lapit na ng mga mukha namin sa isa't isa. Ang ganda siguro ng tulog nya.

Kung ang isang Isaac Dryle Alfonzo Guevarra ba naman ang maging unan niya, malamang gugustuhin na niyang matulog habang buhay. Wala sa akin ang apple na kinain ni Snow White at karayom na nagpatulog kay Sleeping Beauty. Because Isaac Dryle Alfonzo Guevarra is no ordinary.

Teka anong oras na ba?

Napabulikwas na lang ako nang makita na pasado alas otso na. Napansin ko na nagising ko siya dahil doon. Nagtinginan kami na kapwa natataranta nang may biglang kumatok.

Ewan ko, wala naman kaming masamang ginawa pero biglang nagising ang inaantok naming kaluluwa at nagsitayuan kami.

Nang bumukas ang pinto, bumungad sa amin si Mike. Napapadalas na ata pagdalaw ng mga pinsan ko rito sa bahay. Nagsisisi na tuloy ako kung bakit binigyan ko pa sila ng spare key dito.

"Mike, what brought you here?" Agad kong bati sa kanya.

"It's good that your still here, Dannie," Wika naman ni Mike pagkatapos niyang magtanggal ng sapatos.

So Dannie pala name niya.

"Ano pakay mo sa kanya?"

"You sounded like a jealous boyfriend now Sac."

He smirked while smiling. They all loved teasing me. But they can't take me down. Hindi ako madadala sa mga ganyan. I just can't let them enjoy mocking me.

"He better be," sabat naman ni Dannie.

"I can be her boyfriend, but I'll never be jealous. Dahil ako ang pinagseselosan and not the other way around," confident na sabi ko sa kanila.

"Sac, as what I said before, you need to finish all those rumors spreading online about you," sabi niya pagkatapos maupo.

"Okay, I get it. This is just for a show. No need to be so serious Mike."

"Then let's start the show."

Nagtaas ng kamay si Mike pagkasabi niya at ayun pumasok na ang mga tauhan ni Mike sa loob. May dala silang maraming paper bag.

"Dannie, these are all for you."

Inilahad niya ang mga yon kay Dannie.

"And get yourselves ready. Both of you will go with me," dagdag ni Mike.

So ito na talaga simula ng pagiging taken ng isang Isaac Dryle Alfonzo Guevarra. I just need to show them a show they've been eager to watch. And soon I can free her. I'll promise that. I'll be their toy not until I get her. And by that time, I let them pay.

Few hours later.

"We're already here. Sac, remember what I said before. And Dannie you can visit me anytime at the office."

Mike smiled at her. Kala niya nakakagwapo sa kanya ang ngumiti, kung alam niya lang kabaligtaran ang nangyayari. Mas okay pa ang cold face niya tingnan.

"Shall we go?"

Inaya ko na si Dannie at binuksan na ang pinto ng sasakyan. But she suddenly held my head back tas kinirot ang leeg ko. Buti napigilan ko ang sarili ko na sumigaw.

"Done."

Iyan lang nasabi nya pagkatapos akong kurutin.

"Why did you..."

"Pshh. Let's go."

Hinila niya ako palabas ng sasakyan.

At pagkalabas namin, lahat ng tingin ay nasa amin. I know that everyone will be surprise.

"What is she doing with my Sacky? Sacky, no!" Rinig kong sigaw ng isang babae.

But I never bother looking at them. I walked her to their building. At nasa entrance na kami ng Engineering Building.

"I can now go by myself," sabi niya sabay bitaw ng kamay ko. At nagpatuloy na nga siyang maglakad. She just left me.

No Ordinary Playboy (PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS - The 2018 Wattys Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon