Outlier

2.3K 102 77
                                    

EINDREID

May mga linyang pinagtatagpo matapos ang ilang beses na pag-iwas at pagsuko, pero hindi lahat tinatadhana. May mga linyang namang muntikan lang na magtagpo, na kahit tinadhana para sa isa't-isa, mas pinipiling lumihis ng daan dahil hindi pa 'yon ang tamang oras. 

At ang pinakahuli, ang linya na tumutugma sa agos ng buhay ko ngayon.

Ang Parallel Lines.

Huminga ako nang malalim habang nakamasid sa arko ng paaralang papasukan ko ngayong taon. University of Tallis. Sa bayan namin, ito ang isa sa pinakasikat na paaralan. Hindi lang dahil isa itong prehistiyosong unibersidad, kung hindi dahil katumbas niya na ang naglalakihang Science High School dito. This University competes at national levels of both Mtap, MTG, and Journalism Competitions. At hindi lang basta-bastang participants ang mga pambato nila.

They always go home as champions. 

Do I really belong to this school?

Tulad ng Parallel Lines, ako at ang University na ito ay dalawang linya na maaring matagpuan sa isang lugar, pero hindi kami kailanman magtatagpo. Pero dahil sa bagong memorandum ng gobyerno, I tempted fate and I took one of the most difficult exams I ever had in my life. And luckily, I qualified to occupy one out of 10 slots this University has opened for newcomers. 

Don't get the wrong idea. Kung may choice ako na pumasok sa ibang paaralan, mas pipiliin ko pa 'yon kaysa rito. I hate being competitive for grades and I also hate pressure, but since ito lang ang nago-offer ng libreng edukasyon dito sa amin, I took my chances. As much as I abhor assessments, I love learning. Wala yata akong ibang purpose sa buhay kung hindi magbasa at mag-solve ng problems. 

I may not be the greatest, but I see myself as average and I guess, being here proves that. 

Pumasok na ako sa loob ng paaralan at agad na tumigil ang takbo ng mga iniisip ko. Bumigat bigla ang paghinga ko. Hindi ko maipaliwanag ang ambiance ng eskwelahang 'to. Kita ko naman na hindi nakatingin sa direksyon ko ang mga estudyanteng nasa paligid ko, pero pakiramdam ko, isa akong pusa na naligaw sa lungga ng mga leon. 

Hindi katulad sa mga paaralang napasukan ko noon, pansin ko na bibihira rito ang mga tumatakbo sa hallway o nagkukumpulang estudyante para lang magkamustahan at magkwentuhan. Mababa at mahina ang tono ng mga pag-uusap nila, at wala ring mga ngiti na nakapaskil sa mga labi nila, tila ba seryosong-seryoso ang paksa ng kanilang usapan. 

Napalunok ako.

Ito naman ang gusto ko, hindi ba?

I've been a misfit in my entire life, and being surrounded by silent, prim and proper individuals won't even change that. Mas mabuti nang ganito para hindi ako mapilitang makisalamuha sa iba, unless kailangan, at sa tingin ko, ganoon din naman sila. 

"Tangina mo, Dan."

Pumintig ang tenga ko nang may marinig akong magmura. I cannot stop myself eyeing every person around, trying to search the person who said that T-word. This can't be happening. Nalinlang ba ako sa first impression ko sa paaralang 'to? 

"Ibabalik mo sa akin 'yan, ha. Sige na. Pakyu ka rin."

Sumingkit ang mga mata ko nang may maaninag ako sa malayo na babae, at sa tingin ko, siya 'yong nagmura kanina. Nakaguhit pa sa labi niya ang ngisi at kabababa palang ng kamay niya na wari ko'y kaka-middle finger lang. She's wearing her bag on her left shoulder only at para siyang bangag maglakad. She's coming towards my direction kaya agad naman akong tumabi at pinadaan siya. She did not even dart me a glance or anything. Napaisip tuloy ako kung napansin niya ba ako o may sarili lang siyang mundo. 

Tortured GeniusWhere stories live. Discover now