Chapter 19: Anxious Heart

163 21 20
                                    

EINDREID

"Ano mas maganda beks?" Tanong ko habang hawak ang dalawang clip sa aking kamay. Pinagmasdan ko si Chord na inangat nang bahagya ang salamin niya habang sumisingkit ang dark brown na mga mata.

"This one looks too girly. If you wear this, you will look like a princess."said Chord, pertaining to the clip na nasa left hand ko. Bumungisngis ako.

"Why? Is it because of its pink core? And is it a bad thing if I look like a princess? I asked. Umiling siya.

"No and...."Sagot niya at iniangat ang paningin sa akin. Makulit siyang ngumiti, "Yes."

Napailing-iling nalang ako habang ibinabalik sa stand ang clip, "Sama mo."

"Whatever." Tugon niya at tumingin naman sa clip na nasa kanang kamay ko. Umangat ang dulo ng labi niya.

"Hmm, I like this one." Saad niya at kinuha sa palad ko ang clip na nasa kanan ko. Kahit pa nasa transparent pack pa 'yung clip, tinapat ito ni Chord sa buhok ko habang nakasara pa isa niyang mata. Seryosong-seryoso siya sa pagsipat.

"Perfect." Bulong niya at nakangiting ibinalik sa kamay ko ang clip. Pumunta siya sa likod ko at ipinatong ang mga kamay niya sa balikat ko. Marahan niya akong tinulak para mapalakad. Napakunot ang aking noo. Ano na namang pakulo 'to?

"Bilhin mo na." Saad niya at kinontrol ang galaw ko gamit ang balikat kong hawak niya. Hinayaan ko lang siya at balak ko naman talagang bumili ngayon ng clip.

"Bakit?" Tanong ko habang pina-process pa ng cashier 'yung clip ko. Napatagilid ang ulo ni Chord dahil sa tanong ko.

"Bakit?" Pag-uulit niya ng tanong ko na may mahabang tunog na para bang iniintay niya ang kadugtong ng tanong ko.

"Bakit pinili mo 'yung clip na 'yon?" Tanong ko. Napaayos siya sa paghawak ng bag niya at ang isa naman niyang kamay ay inilagay niya sa loob ng bulsa ng palda niya.

"Well, aside sa favorite mo ang kulay pula," saad niya at sinenyasan akong tumingin sa cashier. Tipid nalang akong napangiti habang naabot 'yung clip ko at sukli ko. Naglakad na kami ni Chord palabas.

"Aside sa favorite kong kulay ay pula?" Pagtatanong ko para ituloy niya ang sinasabi niya kanina. Napangiti siya at biglang tumigil sa paglalakad. Inabot niya ang kaniyang palad sa akin. Nagtaka ako.

"Anong meron?" Tanong ko.

"Bigay mo sa'kin 'yung clip." Saad niya. Kahit nagtataka parin ay ginawa ko nalang ang sinabi niya. Nung nakuha niya 'yon ay agad niya 'yong binuksan. Magre-react pa lamang ako nang bigla siyang lumapit sa akin at kinabit ang clip.

"You're asking why I chose this imbes na 'yung isa?" Aniya habang hindi parin inaalis ang kamay niya sa buhok ko. Naramdaman ko ang paghimas nito sa clip na binili namin.

"I always think you don't deserve to be a princess." Saad niya at lumayo na sa akin. Umarte akong nasasaktan.

"Ouch." Pagbibiro ko. Tumitig siya direkta sa mga mata ko at napatigil ako nang marinig ko ang sunod niyang sinabi.

"Because you deserve to be a Queen." Mahinang saad niya habang titig na titig parin sa akin. Tila nawalan ako ng salita na itutugon sa kaniya.

A-ako? Queen?

Napakurap nalang ako nang biglang umangat ang dulo ng labi niya at tinalikuran na ako. Nagpatuloy na siya sa paglalakad.

"Well, for me." Pahabol niyang saad. Napailing-iling nalang ako at sinundan siya sa paglalakad. She really knows her way into words, huh?

Magmula nung sinabi ni Chord sa akin na susulitin niya ang panahong andito pa ako sa Pinas, araw-araw na kaming dumadaan muna sa imall o sa kainan bago kami umuwi. Habang nasa school, lagi rin siyang nakabuntot sa akin. Kahit na may groupings pa, humahanap talaga siya ng paraan para mapuntahan ako at kausapin.

Tortured GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon