Chapter 21: History Repeats Itself

222 18 16
                                    

EINDREID

"Please forget everything about me."

Para akong nabingi sa narinig.

"What?" Bulalas ko, "Bakit naman kita kakalimutan? I told you that we're going to be in touch even we're miles apart!"

Umiling-iling si Chord habang nakangiti parin, "You're smart, Reid. You'll know everything soon enough." Saad niya at tumayo na. Nahulog ang tuwalya sa na ibinigay ko sa kaniya kanina. Napatitig ako sa kaniya mula ulo hanggang paa.

"Bakit parang hindi ka manlang natuyo?" Tanong ko, gulat na gulat parin. Subalit, imbes na sagutin ako ay lumapit sa akin si Chord at inabot ang pisngi ko. This time, hindi na malamig ang kamay niya. Marahan niyang nilapit ang mukha ko sa kaniya. Napapikit ako nang dampian niya ng halik ang aking noo.

"I love you, Reid."

"Chord!"

Sinag ni haring araw ang sumalubong sa akin nang napabalikwas ako ng bangon. Tinignan ko ang paligid at wala manlang akong nakita na senyales na naririto si Chord kagabi. Hinabol ko ang aking hininga at napahawak sa aking dibdib.

"P-panaginip lang ba 'yon?" Bulong ko sa hangin. Napawahak ako sa aking noo at napapikit. Bakit parang pakiramdam ko, totoong nangyari ang lahat?

"Ate! Gising na raw sabi ni Mommy! Baka hindi ka na makapunta sa school ninyo kapag babagal-bagal ka pa!" Rinig kong sigaw ni Erlie na ansa dulo na naman ata ng hagdanan. Huminga ako nang malalim tsaka nilingon ang orasan. Six na pala. Ang flight namin ay mamayang hapon na.

Tumayo na ako sa kama at kinuha ang phone ko sa table. Tinignan ko kaagad ang messages ko at puro GC lang ang nasa notif ko. Nag-scroll pa ako pababa, hinahanap ang pangalan ni Chord. Nang makita ko ito ay may sinend lang siyang link ng isang story sa wattpad. Sa ilalim nito ay may sinend pa siyang message.

Chord:

Sinulat ko 'yan 5 years ago, birthday ko.

"Ano naman kaya 'to?" Tanong ko. Akmang pipindutin ko palang ito nang narinig ko na naman ang sigaw ni Erlie. Inis kong ibinaba muna ang phone at hinatak ang tuwalya ko.

"Mamaya na nga lang." Singhal ko at dumiretso na papuntang banyo. Subalit, bago ako pumasok ay may naisip akong i-check. Naglakad ako patungo sa drawer at nakita ko 'yung portrait na ibibigay ko dapat kay Chord.

Panaginip lang ba talaga 'yon?

Bumalik ako sa may banyo at hinawakan ang doorknob. Biglang may dumaloy na kilabot sa buong katawan ko at napatingin sa paligid. Bumilis ang tibok ng puso ko. Naningas ako at nanatiling nakahawak sa doorknob ng banyo. Dali-dali akong pumasok sa banyo at tinapos agad lahat ng gagawin ko ngayong umaga.

Ano 'yon?

Bakit parang may masama akong kutob?

Pagkababa ko sa eskwelahan namin ay saktong recess din ng mga kaklase ko. Sinalubong ako ng mga ito at niyakap pagkakita palang sa akin.

"Waah! Santillan, mami-miss ka namin!" Bulalas ni Angie at bumitaw na sa yakap. Sinenyasan niya 'yunt mga katropa niya na magpaalam narin sa akin.

"Santillan, huwag mo kaming kakalimutan ha."

"Big time ka na pala ngayon!"

"Chat chat parin tayo ha!"

Natawa nalang ako sa mga sinasabi nila. Tahimik ako sa klase at hindi ako masyadong nakikisalamuha sa kanila kaya hindi ko inaasahan ang ganitong reaksyon. It makes me feel warm inside, knowing that people actually care about me.

Tortured GeniusWhere stories live. Discover now