Chapter 8: Bewildered

431 45 9
                                    

EINDREID

"Oy kumain muna tayo. Kumakalam na sikmura ko." Reklamo ni Chord habang kumakamot pa sa kaniyang batok. Nagkatinginan nalang kami ni Janina at parehas na napailing. 

"Kakain pa nga lang natin kanina, gutom ka na naman?" sabat ni Janina. Pinatunog nalang ni Chord ang dila niya at inayos ang pagkakasukbit ng bag sa kaliwang balikat niya. Ang kanang kamay niya naman ay nasa bulsa ng palda niya. 

"Tara NBS muna tayo?" pag-aaya niya bigla. Magkasalubong ang kilay ko siyang nilingon.

"Akala ko ba nagugutom ka?" tanong ko. Ngumisi lang siya.

"Hindi ah. Sinong may sabi?" mapang-asar niyang saad. Napabuntong hininga nalang ako. Kahit kailan talaga. 

Nanguna na siyang pumunta sa National Book Store tapos kami ni Janina magkasunod lang. Aaminin ko, ramdam ko 'yung pagkailang niya sa akin dahil sa pag-uusap namin kanina pagkarating namin dito sa SM.

"Kamusta?" tanong ko nalang pagkaupo namin sa table na inuupuan ni Chord kanina habang umo-order kami ni Janina sa counter. Nasa Starbucks kami para mag-usap tungkol sa sitwasyon ni Janina. 

"Ayos naman." saad niya at kumain ng cheesecake. Napatango-tango nalang ako habang iniinom 'yung tsaa ko. Si Chord naman, tahimik lang at nakamasid sa aming dalawa. Cappucino in-order niya at wala manlang siyang asukal na hiningi. Ang pait kaya no'n.

"Can you do me a favor?" tanong ko ulit. Janina looked at me intently with her charcoal eyes.

"What is it?" she replied. Ibinaba ko muna 'yung tsaa ko sa may mesa at tumikhim. Inabot ko 'yung kamay niya sa may mesa. Tinignan naman ako nang makahulugan ni Chord pero inirapan ko lang siya. Para naman kasing binibigyan niyang malisya 'yung gesture ko.

"Look, you have us. You can open up with us. Stop hurting yourself." mahinang saad ko. Napatigil siya sandali at tinignan ako diretso sa aking mga mata. Napailing-iling lang siya habang nakangiti nang tipid at tsaka binawi ang kamay ko.

"You don't understand, do you?" saad niya. Napalingon ako kay Chord pero umiwas siya ng tingin. Uminom nalang ulit siya ng kape habang napalumbaba at tinitignan kung sinuman 'yung pinagkakaabalahan niya. Huminga ako nang malalim.

"I think Chord already told you what happened to my best friend, right? Ayoko lang magaya ka sa kaniya." mahinahon kong saad. Napakagat siya sa ibabang labi niya at uminom doon sa Coffee Jelly niya. 

"We have our own reasons why we are doing this, Eindreid. I don't know Mina personally but it is really sad to think na humantong siya sa pagpapakamatay. I can't blame her. The world has the habit of crashing you if you let your guard down. Whatever pushed her to do that, it's her decision. She just gave justice for her own self." saad niya at biglang tumawa nang mahina. She frowned.

"Here's the thing. You are already suffering, why give yourself a chance to wake up for another shitty day and experience hell over and over again if you can end it with just a snap?" dagdag niya. Tumikom ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan. Wala talaga akong maintindihan sa paraan ng pag-iisip niya. Tapos ito pang si Chord, hindi manlang sumisingit para manlang mawala 'yung tensyon sa aming dalawa ni Janina. 

"Are you not afraid?" tanong ko ulit. Uminom ulit si Janina habang magkasalubong ang kilay.

"Saan?" tanong din niya.

"On afterlife. You do not know what happens when you die and we all know that taking someone else's life or even ours is violating His orders." I suggested. This time, napatingin na sa amin si Chord at nakaangat na ang dulo ng labi nito.

Tortured GeniusWhere stories live. Discover now