Chapter 20: The Promise

150 18 10
                                    

EINDREID

Naalimpungatan ako dahil sa lakas ng tunog ng ulan na tumatama sa aming bubong. Napabuga ako ng hangin at napangiti. Hinagkan ko si Miracle at inilapit pa sa katawan ko.

Being with my boyfriend slash lifetime partner slash teddy bear is already enough for me during my sleeptime. Bonus nalang itong ulan. Mas lalo tuloy lumamig ang paligid at madali akong makakatulog.

Subalit, bago ulit ako makatulog ay nagsimula na namang maglakbay ang aking isip. Napabuntong hininga ako.

"Ilang oras palang ang tulog ko mag-iisip ka na naman." Bulong ko sa aking sarili. Gumulong ako sa kama at hinarap ang aking kisame.

Bukas na ang pag-alis namin. Sina Mama at Erlie, masayang-masaya at makakaalis na kami. Ibig sabihin din kasi no'n ay malalayo na kami sa mga kamag-anak naming matapobre. Sa kabilang banda, ako'y nasisiyahan din naman sa aming pag-alis. Makakasama narin namin si Papa sa wakas.

Kaso nga lang, ang dami kong iiwan.

Alam kong normal lang 'yon. After all, in order to achieve great things in life, we ought to do sacrifices first. Pag may pagbabago sa buhay ng tao, may mga dapat talagang iwan at may mga dapat tanggapin para umabante.

Napabuga ako ng hangin.

Bakit kasi hindi pwedeng makuha nalang ang lahat ng gusto? Bakit kailangang mamili pa?

Sa gitna ng aking pag-iisip ay may narinig akong kakaiba sa loob ng kwarto ko. May kaluskos. Napatingin ako sa katabi kong si Miracle. "Hey, n-nagiging tao ka na?" Para kong baliw na tanong rito. Tinitigan ko siyang mabuti kahit ang tanging liwanag lang ng silid ay ang nanggagaling sa buwan. Nakangiti lang si Miracle sa akin tulad ng ginagawa niya kanina. Hindi siya ang dahilan ng pagkaluskos na 'yon.

Nilibot ko ang aking tingin sa paligid. Kinilabutan ako nang makinig na naman ako ng isa pang kaluskos pero wala naman akong nakikitang narito pa sa kwarto bukod sa akin at kay Miracle.

A-ano naman kaya ang lumilikha ng tunog na 'yon?

Maya't-maya pa ay biglang kumulog kaya dali-dali akong nagtalukbong sa kumot at dumikit ulit kay Miracle. What if nagkatotoo 'yung mga kumakalat sa net? 'Yung mga clowns na may hawak-hawak raw na kutsilyo at pumapasok sa bahay upang pumatay?! Eek! Ayoko sa clowns! Pumapatay man sila o hindi, nakakatakot parin sila. Waah!

Nagsimulang manginig ang aking katawan nang makarinig ako ng mga patak. Patak ng isang likwido. Naglaro muli ang aking isipan at inisip na baka tunog 'yon ng dugo na galing sa kutsilyo ng clown.

Waah! No! No! Ayoko sa mga clown!

"Eindreid."

Ba't ba kasi nag-exist pa ang clown, 'di naman sila nakakatuwa?! They're the perfect representation of terrifying--

"Eindreid."

"Go away you ugly clown!" Bulyaw ko nang bigla nitong inalis ang pagkakatakbong ng kumot ko. Mas lalo akong nanginig at tila bumilis narin ang tibok ng aking puso dahil sa kaba. Nanatili akong nakapikit habang yakap-yakap si Miracle.

"Kararating ko pa nga lang, papaalisin mo na agad ako."

Napamulat ako ng aking mga mata nang marinig ko ang pamilyar na tawa na 'yon. Binuksan ko agad ang lampshade ko at tinignan ang nakatayo sa gilid ng kama ko. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Isang morenang may kulot na buhok at nakasalamin. Basang-basa ang damit nitong t-shirt at pantalon, at tumutulo pa nga ang tubig sa sahig.

Nagpaulan ba 'to? Ang putla na e.

Mabilis akong bumangon at kumuha ng tuwalya sa cabinet. Tumingin ako sa kaniya at inabot 'yon. Nakangiti pa ito nang napakalapad sa akin.

Tortured GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon