Chapter 12: Say "No"

313 26 10
                                    

EINDREID

"Ganitong shot. Okay. Use the rule of thirds. Tingin na sa Camera Elena at Anthony. In one, two, three, camera rolling!" saad ko bago nila umpisahan ang pagkuha ng video sa two lead anchors namin ng TV Broad. Ngumiti naman sa akin ang direktor naming si Eris. Sinasagutan niya kasi ang seatwork nila sa Bio na hindi niya napasukan nung isang araw dahil dito sa training namin sa TV Broad. At sa ngayon, ako muna ang tatayong direktor.

"....Serbisyong publiko." sabay na saad ng dalawang Anchor. Ipinatigil ko muna ang pagkuha ng video sa kanila at tinignan ang footage. Tama lang 'yung background na plain green sa likod dahil bahala na ang editor namin na salpakan 'yon ng graphics. Ang color scheme namin ay red, white and black. 

Napakunot ang noo ko nang may makita akong hindi ko masyadong nagustuhan. 

"Elena?" tawag ko kay Elena nang hindi ko inaalis ang tingin sa DSLR. Narinig ko siyang humakbang papalapit sa akin.

"Why?" tanong niya gamit ang kaniyang magandang boses. Kahit simpleng salita lang, kaya niyang pagandahin. That's our anchor.

"Sa susunod, magsuot ka ng contact lens. Nakikita kasi sa salamin mo 'yung ilaw natin." dire-diretso kong saad at ipinakita sa kaniya ang naka-pause na video na nagpapakita ng sinabi ko sa kaniya. Nanlaki ang singkit niyang mga mata at  napatingin sa akin.

"Pero sabi nila, masakit daw mag-contacts?" tugon niya. Isinabit ko sa leeg ko 'yung DSLR at nagkibit-balikat.

"It's up for you to decide. Pwede naman tayong mag-proceed sa laban nang nakikita 'yung ilaw sa salamin mo. The problem is, mababawasan lang ang chance nating manalo." saad ko at ibinigay ang script kong ginawa kanina. 

"Praktisin niyo narin ang walang kopya habang nagbabalita. Ang lilikot ng mga mata ninyo kahit may telegram." dagdag ko. Ngumiti naman siya at inabot 'yung script.

"Maraming salamat, Eindreid. Buti nalang may kasama kaming may alam sa ganito." tugon niya at pinuntahan na 'yung kapwa niyang mga reporters. Napatulala ako sandali sa reaksyon niya. Normally kasi dati, pagnagko-correct ako ng mga napapansin kong mali, ang palaging balik sa akin ay kesyo "nagmamagaling" o kaya naman "wala nang alam kundi pumuna". 

Ganito ba talaga ang mga tao sa University of Tallis? Wow.  

Pumunta muna ako sa bag ko at binuksan ito. Kinuha ko ang egg and ham sandwich na inihanda sa amin ni Mama kaninang umaga. 

"Kamusta training?" saad ng isang boses na kakapasok palang sa rito sa Faculty ni Sir Lucho. Hindi ko na kailangan pang humarap para makilala kung sino 'yon.

"Ayos namin kami. Team Boltahe. Kayo?" tanong ko at humarap. Isinandal ko ang lower abdomen ko sa table at ingat ang tingin ko. Sinalubong ako ng kulot niyang buhok at salamin. Si Chord, wala nang iba. Nakakunot ang noo niya habang naglalakad papalapit sa akin. 

"A--" magsasalita na dapat siya nang bumaba ang tingin niya sa hawak ko. Walang pasintabi niyang kinuha ang sandwich ko at kinagatan bago ibalik sa akin. Sumandal din siya sa table at tumabi sa akin.

"Ayon. Ang daming nasasayang na oras. Alam mo ba nung weekend, pumunta kami sa isang National High School para sana mag-training pero ang ginawa lang namin doon ay tumunganga. Nagmake-up lang 'yung mga anchors punyeta. Like, I'm never against for the people who do make-up pero kasi, nasayang lang 'yung araw na 'yon. Wala namang nagawa. Hindi pa ako naka-attend ng praktis ng sayaw sa PE dahil lang doon." pagra-rant niya. 

"Nasayang nga naman. Gusto mo pa?" saad ko at inalok 'yung isa ko pang sandwich. Nakabusangot niya 'yong kinuha.

"Tapos SPA talaga tayo, hindi STEM. Kaya nga ako nag-STEM para hindi na ako mapagod nang ganito. Okay lang naman kasing mapagod, ang hindi okay ay 'yung hindi naman worth it 'yung kapaguran mo. Mabuti kung math o science related 'tong dahilan ng pagod ko ngayon." pagrereklamo niya pa. She has a point though. Hindi naman kasi namin magagamit ang "dancing" skills namin sa field na kukuhanin namin. However, even if Chord sounds like she hates to dance, she is good at dancing. Hindi niya nga lang kaya 'yung femme na sayawan. 'Yung tipong landi-landi. Imbes kasi na malandian niya 'yung sayaw, maangas 'yung kaniya.

Tortured GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon