Chapter 10: Secrets

346 33 17
                                    

EINDREID

"Good morning!" bati sa amin ni Janina nang makapasok kami sa Auditorium ng School ni Chord. Nagkasabay kasi kami sa jeep.

"Morning din bakla." Chord said with her usual playful tone. Nagkibit-balikat nalang ako at kinain 'yung pancake ko na binili ko sa labas ng school. Nalimutan ko kasing may audition kami ngayong Saturday kaya hindi rin ako nakapag-agahan.

"Masarap ba 'yan?" tanong sa akin ni Chord. Tumango nalang ako bilang tugon. 

"Andiyan na si Sir Lucho." dinig kong bulong ni Janina at hinatak pa kami papunta sa mga upuan. Sakto namang pumasok na si Sir Lucho sa room na may hawak-hawak na mga papel. Pinatong niya 'yon sa mahabang table na nasa harap na kung saan, naka-prepare na at nakaayos 'yung mga microphones na gagamitin for the simulation. 

Napayakap ako bigla sa sarili ko. I felt the chills. Hindi ko alam kung sa kaba ko o sa aircon 'yon.

"Good morning. What I have here are the scripts that will be used for the simulation. Meron ditong Filipino and English. Igu-grupo ko kayo into four para sa dalawang field reporters at dalawang anchors." Sir Lucho said. Napatulala lang ako sa kaniya. It's my first time hearing my Oral Communication teacher to speak Tagalog and inaamin kong, ang pogi ng boses niya. Kaya naman pala patay na patay 'yung iba kong kaklase ko rito kahit gay pa siya.

At dahil magkakatabi kami nina Chord at Janina, nagkahiwalay-hiwalay kaming tatlo. Tinapos ko narin agad 'yung kinakain ko para makipagdiskusyunan sa mga kagrupo ko. 

Ang kasama ko ngayon ay dalawang Grade 12 at isa pang Grade 11 na hindi ko ata kilala. Ngumiti ito sa akin kaya napilitan akong ngumiti rin pabalik kahit tipid.

"Mabuti ka-group kita Santillan." saad niya sa akin. Napagilid ako ng ulo ko sa pagtataka. Kilala niya ako? Tumawa naman siya at sumingkit 'yung mga mata niya dahil doon. 

"Ako 'to, si Jerome?" saad niya. Napatango-tango nalang ako at napasabi ng "Ahh." Napailing tuloy siya.

"Kinalimutan ako agad." komento niya. Nagkibit-balikat nalang ako.

"Hindi talaga kasi ako magaling tumanda ng mukha at pangalan. Sorry Gelo." pagpapaliwanag ko. Lumaki nang bahagya ang singkit niyang mga mata at nakangangang nakatingin sa akin. Tumawa naman 'yung kasama naming G12. Nagsalubong naman ang kilay ko. Bakit kaya?

"Gelo ka na pala ngayon Jerome!" pang-aasar ni ateng Grade 12. Napabusangot naman si Jerome at humarap sa akin.

"Tsk. Ano ba naman 'yan Santillan." palatak niya. Napangiti nalang ako nang alanganin nang mapagtanto ko 'yung pagkakamali ko. Hay. Ano pa nga bang magagawa ko? Ito ako e.

"Anyways, ito na 'yung script natin." saad ni kuyang G12 nang iaabot sa kaniya 'yon ni Sir Lucho. Tinignan ko lang siya. Isa siyang lalaki na parang mild na mushroom 'yung gupit, 'yung medyo makapal 'yung gitna bago 'yung magkabilang gilid ay manipis. Makapal kilay tapos medyo moreno. Another thing about it is, matangkad siya kahit nakaupo siya ngayon sa tapat ko.

"Ang una nating ire-report ay 'yung English. Ako na si Anchor 1. Anyways, ang pangalan ko nga pala ay Tasyo. At itong katabi ko ay si Sisa. Sounds weird pero ang lupit lang diba?" saad niya. Medyo natawa rin ako sa narinig. Weird nga naman kasi.

"Ako si Jerome at ito naman si Eindreid. Santillan tawag namin sa kaniya kasi mas prefer niya 'yon. Kami nalang po 'yung dalawang field reporters." saad ni Jerome. Tumango nalang ako. Mabuti naman at siya na 'yung nagsalita sa aming dalawa.

"Praktisin na natin?" pag-aaya ni Kuya Tasyo. Lumapit naman kami sa kaniya at nagsimula nang mag-report. Tinatama niya kami sa tuwing hindi namin namo-modulate boses namin. Kahit na 'yung "The latest and the hottest news on air," na hindi dapat "ley-tes or ha-tes" 'yung pronounciation. Dapat "ley-des or ho-des", basta 'yung gagalaw 'yung dila. 

Tortured GeniusWhere stories live. Discover now