Is it alright to have sex with animals?

1.3K 74 52
                                    

EINDREID

Chord is a social butterfly. Pagtapos ng Bio namin, nawala na siya rito sa tabi ko at nakikipagdaldalan na doon sa malayo. Hindi naman sa gusto kong daldalin niya ako or anything, actually mas magugustuhan ko pa nga 'yon. Pero, hindi ba siya naninibago sa paligid niya? Hmm. Baka naman hindi siya transferee tulad ko? At baka anak na rin siya ng University of Tallis? 

Pero grabe, ang lakas talaga ng toyo niya. She just told me that she's a bi! A bisexual! Mamaya kung ano-ano isipin no'n nung tinitignan ko siya well in fact, sobrang nawiwirduhan lang ako sa kaniya.

"Hey." Napalingon ako sa kanan ko nang may tumawag ng atensyon ko. The girl have charcoal eyes and black long silky hair. Dahil sa kakaisip ko kay Chord, nalimutan ko naring may katabi pa pala akong isa. Ngumiti siya.

"Um, ikaw si Eindreid diba?" tanong nito. Tumango ako. She seems nice naman kaya tinugon ko ito. Ano nga bang pangalan nito?

"Janina?" saad ko. Tumawa naman siya.

"Oh no. Ako si Jane. Iba ata kausap mo," aniya. Natawa nalang din ako nang onti sa sarili kong katangahan.

"Anyways, alam mo ba 'yung next subject natin?" pag-iiba nito ng usapan. Nagkibit-balikat naman agad ako. I'm not the type of person na palaging aware sa schedules. Kung sino pumasok, 'yon na 'yon. 

Tumango-tango si Jane at magsasalita pa sana nang biglang tumunog 'yung phone niya. Dahil maingay, hindi masyadong narinig ang ringtone niya na "Despacito" pero may ilan paring napatingin. Sinagot niya naman 'yon agad.

"Hello? Gail? Bakit? Nasa klase pa ako," saad nito. Pumalumbaba ako sa desk ko at tumingin lang sa kaniya. Nabo-bored na talaga ako. Tagal naman kasing dumating ng sunod na subject.

"Sige sige. I love you too. Ba-bye!" pamamaalam ni Jane at humarap ulit sa akin. I smirked.

"Who's the lucky guy?" tanong ko. Halata namang napatigil siya sa tanong ko. If I'm correct, syota niya 'yung kausap niya. Iba kasi ang kislap ng mga mata niya habang kausap ito. Tumingin-tingin siya sa paligid at biglang nilapat ang daliri sa kaniyang mga labi.

"Shh." sita niya at tumawa. 

"Good morning class." Tumayo agad ako sa kinauupuan ko nang marinig ang pagbati ng bagong pasok na teacher. Lalaki teacher namin, at may salamin. Medyo mataas din ang hairline niya at parang tigasin. He's holding the book of Philosophy kaya nalaman ko agad ang subject na hawak niya. Binati na namin siya at pinaupo rin agad. Nakabalik narin si Chord sa tabi ko.

"Bago ang lahat, ang pangalan ko ay Victor Mercado. Ako ang magtuturo sa inyo ng subject na Philosophy. I would not say my credentials dahil ayokong gawin niyong pamantayan ng performance ko ang mga napasukan kong schools, "saad niya habang iginagala ang tingin sa aming lahat. His stares are throwing daggers kaya nung napatitig siya sa babaeng nasa pangalawang row, napapitlag ito. 

"Gusto kong i-grupo muna kayo sa lima." Tinuro ang lalaking nasa dulong unahan. "Mula sa 'yo 'toy." 

Patuloy lang ang pagbibilang hanggang makarating na ito sa akin.

"Four." 

"Five," wika naman ng katabi kong si Chord na siyang dulo ng linya namin. Binalik ko ang tingin ko kay Sir at nakatingin ito kay Chord. Parang kinikilatis niya ito pero hindi nagtagal ay humarap ulit siya sa amin.

"Define Philosophy, at i-present niyo sa harapan. Any kind of performance is fine. I'll give you guys 20 minutes para mag-prepare." saad niya. Tumayo na kaming lahat at pumunta sa kaniya-kaniyang grupo namin. May nakataas na kamay sa ere na para sa mga group numbers at doon ako pumunta sa number four. Sinalubong naman agad ako ng mga ka-grupo ko.

Tortured GeniusWhere stories live. Discover now