Chapter 16: News Writing

131 16 0
                                    

EINDREID

"Ang init." reklamo ni Chord. Nakabusangot ito at mapupunghay ang mga bilugang mga mata. Tinignan niya ako sa gilid ng kaniyang mga mata.

"Ikaw ba? Halos tatlong oras tiniis nating byahe dahil saktong tanghaling tapat at traffic tapos pagdating naman dito, wala pa naman halos mga kagrupo natin. Buti pa ibang school andito na para sa cliniquing." saad niya habang sinesenyas ang paligid. Sinundan ko sandali ang tinuturo niya at napatango nang ilang beses. Napangiti ako nang tipid.

"Well, I think Sir Lucho will at least be impressed with our punctuality." I suggested. She furrowed her eyebrows more and then smirked. Lumabas nang kaunti 'yung dimples niya.

"Wala rin siya rito, beks. Have you forgotten why he doesn't have 7 to 9 am classes? It's because his always late!" bulalas niya at umupo sa unang row. Nasa auditorium kasi kami ngayon at nakahilera ang mga upuan by rows. 5 by 8 ang hatian. Two sets.

"You know what beks," pagsisimuli ni Chord habang nakasandal sa upuan at nakatiklop ang mga kamay sa dibdib, "Masama pakiramdam ko ngayong araw."

"Bakit naman?" tanong ko. Lumingon siya sa akin at bumuga ng hangin.

"You remember our video editor, right?" she asked. Tumango ako.

"Yes, he's Donny." tugon ko. Napailing-iling siya at natatawa, Kumunot ang noo ko? Bakit siya tumatawa?

"Pinalagpas kita nung nakaraan kasi badtrip talaga ako pero ngayon, since I'm in my neutral mood, I'm going to correct you." saad niya. Mas lalo lang akong nagtaka.

"Bakit? Anong ginawa ko?" tanong ko.

"His name is Danny, not Donny." tumatawa niyang saad at binangga ang braso ko ng braso niya, "Well, ano nga bang bago? Pangalan nga ni Jane nagiging Janina sa'yo."

Napatawa nalang ako., "My bad. I just don't know why my mind doesn't register their names right."

"Yeah, Sherlock Holmes, I know." pagbibiro niya. This time, ako naman ang humampas ng braso niya.

"Hey! I want to think myself as a Watson. I love codes you know." pagsakay ko sa pagbibiro niya. Napairap siya nang maloko.

"Yeah, like 143?" pang-aasar niya pa. Hinampas ko nalang ulit siya sa braso habang tumatawa.

"Lakas talaga ng toyo mo, Chord." saad ko. Tumigil siya bigla sa pagtawa at tinitigan ako nang may ngisi sa kaniyang mga labi. Napatigil din tuloy ako. Ano na naman kayang iniisip ng babaeng 'to?

"At least 'yung pangalan ko, natatandaan mo." mahina niyang saad. Tinitigan ko direkta ang mga mata niya at napangiti ako. She looks so sincere and genuinely happy at the moment. Don't tell me she's really impressed that I remember her name all the time?

I shrugged my shoulders, "Well, isang syllable lang naman and I think it suits your personality. You know, you love music." saad ko ipinagkrus ang mga binto ko. Ipinatong ko ang baba ko sa aking palad at humalumbaba sa harapan niya.

"And just like a chord, you are different in many ways." makahulugan kong saad. Napatawa siya na parang hindi naging komportable sa sinabi ko. Napaayos din siya sa upo at ipinatong ang dalawang kamay niya sa hita niya.

"Hindi ko alam kung compliment 'yan o insulto. That shit hits me really hard." nakangiti niya paring saad. Nagkibit balikat nalang din ako at sumandal ulit sa upuan ko.

"Going back," saad ko, "Ano nga ulit 'yung sasabihin mo tungkol kay Donny?" tanong ko.

"Danny." pag-correct niya sa akin. Tumango nalang din ako, "Yes. What about him?"

Tortured GeniusWhere stories live. Discover now