Chapter 11: Self-Discovery

315 30 7
                                    

EINDREID

The weekends ended up so fast, at heto ako ngayon, kasama na naman sa Journalism DSPC as the scriptwriter of TV Broadcasting Filipino. Nung Sunday kasi ng gabi, pi-nost sa page ng University of Tallis ang mga nakapasok at nakita ko ang cute kong pangalan sa listahan. Mamaya pa siguro kami magte-training kasama nung team ko.

"Good morning, Reid." bati sa akin ni Janina. Nginitian ko lang siya.

"Good morning." saad ko at kinuha ang isang portion ng buhok ko't itinali ito sa may gilid ng ulo ko. I always wear this kind of hairdo. 'Yung may clip or ribbon-like na panali tapos ilalagay ko sa gilid ng ulo ko. I don't know. This is my trademark.

"Kamusta naman 'yung week---Wait lang." naputol ang pagtatanong sa akin ni Janina nang may biglang tumawag sa kaniya. Sinulyapan ko naman ang phone niya at nakita ko ang pangalan ng girlfriend niyang si Gail. Nakangiwi siya sa akin habang naka-peace sign. Tinanguan ko naman siya kaya umalis na muna siya sa harapan ko sandali. Hmm, parang hindi sila nag-away ngayon ah. Normally kasi, si Janina ang unang tatawag kapag nag-aaway sila.

Umupo ako sa may upuan at nilabas ang notebook ko sa mga Codes. Sobrang fascinated kasi ako sa mga ganitong bagay. Nasaulo ko na nga rin ang Morse Code nung bakasyon at wala akong balak huminto makadiskubre pa ng mga bagong codes na pwedeng laruin.

"Nice." halos mapatalon ako sa gulat nang may marinig akong boses sa may bandang tenga ko. Hindi ko man maipakita ko kung gaano ako nagulat, sa loob-loob ko, halos atakihin na ako sa puso.

Okay, my bad. Reid, don't say that word baka magkatotoo.

"Andiyan ka na pala." saad ko habang sinusundan ng tingin si Chord umupo sa may katabi kong upuan. Nginisian niya ako at pumalumbaba paharap sa akin.

"Why? Miss me?" she playfully asked. I bit my lower lip.

"Err...hindi." tugon ko kaya napabusangot naman siya agad at napailing-iling.

"Alam mo, try mo ring maging honest sa akin paminsan-minsan. Alam ko namang nami-miss mo ako kahit ganito ako." banat niya. Napatawa naman ako nang mahina at ibinalik ang atensyon ko sa notebook of codes ko.

"Bakla ka." saad ko. Narinig ko siyang tumawa at, batay sa peripheral vision ko, itinaas na naman niya ang paa niya sa upuang nasa harapan niya. Nakapalda po siya mga kababayan.

"Talaga." tugon niya. Napakibit-balikat nalang ako. 

"Uy Chord, andito ka na pala!" bulalas ni Janina at niyakap mula sa likod si Chord. Ngumisi naman si Chord at hinawakan ang kamay ni Janina na ngayo'y nasa bandang dibdib niya dahil nakayakap.

Ehem, PDA na naman po sila.

"Bakit? Na-miss mo ba ako?" tanong ni Chord. Napaubo naman ako. Paano ba naman kasi, same question din 'yung tinanong kay Janina. Ewan ko nalang.

"Of course. Isang araw din tayong hindi nagkita, bakla." saad ni Janina at umupo na ulit sa tabi ko. Pinagigitnaan na naman ako ng dalawang baliw.

"And, may sasabihin ako sa inyo guys." bungad ni Janina pagkaupo niya. Isinara ko naman ang kwaderno ko at tumingin sa kaniya. Malamlam ang kulay itim niyang mga mata at medyo magulo rin ang buhok niya ngayong umaga. Hindi naman sa magulo talaga or what. Hindi ko lang kasi mawari kung saan talaga ang hati ng itim niyang tuwid na buhok dahil halatang hindi niya 'yon sinuklay. 

"Ano naman? Na nag-break na naman kayo ni Gail?" tanong ni Chord. Napatigil si Janina sa sinabi ni Chord at para bang may nakita akong hesitasyon na lumandas sa mga mata niya. Subalit, bigla niya 'yong binawi at tumawa. May paghampas pa siya kay Chord.

Tortured GeniusWhere stories live. Discover now