Chapter 14: Self-harm

326 21 8
                                    

EINDREID

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Chord pagkatapos niyang aminin sa akin ang kalagayan niya. She is diagnosed with bipolar disorder and I am knowledgeable enough that she might end up like my bestfriend. Napayakap ako kay Miracle habang nakatitig sa may kisame ng aking kwarto. 

"Miracle, sa tingin mo ba, iiwanan din ako ni Chord?" tanong ko sa aking boyfie slash teddy bear slash lifetime partner. Ibinaon ko naman ang mukha ko sa kaniyang tiyan at niyakap siya lalo nang mas mahigpit.

"I can't afford to lose another friend." bulong ko ulit at nanatiling nakadikit kay Miracle. Napabuntong hininga ako. Tandang-tanda ko parin 'yung mga mata ni Chord kanina nung napansin niyang hindi ko na siya makausap nang ayos. It must have been hard for her to confess what she just told me because she might have remembered my experience with my bestfriend. Who can blame me? Mina killed herself while I am her bestfriend. And now, si Chord. Hindi ko nga alam kung ano kami.

Okay, that sounds wrong. 

Pero seryoso, ni hindi ko nga alam kung kaibigan ba tingin sa akin talaga no'n o best friend niya ako o sadyang hinaharot lang. 

Halos mapatalon naman ako sa hinihigaan ko nang biglang magbukas ang pinto. Sinalubong ako ng kapatid kong nakapameywang at hawak-hawak na 'yung parang raketa ang itsura pero pampatay talaga ng lamok.

"Ate, kakain na! Kinakausap mo na naman ba 'yang teddy bear na 'yan?" pagtataray niya tsaka ako sinarhan ng pinto. Napailing-iling nalang ako habang nakangiti at bumitaw kay Miracle. Hinalikan ko siya.

"Miracle, babalik ako agad ha. Hintayin mo ko." saad ko at bumungisnigs. I know, I am childish. Pero sa bahay lang naman at kay Miracle lang naman. Meow.

"Okay, makakain na." saad ko matapos ayusin ang pwesto ni Miracle sa higaan ko. Iwawaglit ko muna sa isipan ko si Chord para makaakto naman ako nang maayos sa harap nina Mama at sa kapatid kong bunso na si Erlie.

Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang pero nakita kong umilaw ang cellphone ko bago ko isara ang pinto ng kwarto ko. Napakunot ang noo ko.

May nag-chat?

"Maine, bumaba ka na riyan! Ikaw nalang ang iniintay." 

"Papunta na po." sigaw ko pabalik kay Mama. Dali-dali akong tumakbo pababa ng hagdanan at tumungo sa hapagkainan. Umupo narin namana ko sa pwesto ko at sabay-sabay kaming nagdasal. Pagkatapos ay kumain na kami. 

Kaso, may bisita pala.

"Hi Papa!" 

"Hello Daddy!"

Ilang buwan narin ang lumipas nung huli kong makita si Papa sa personal. Maraming nagsasabi na kamukha ko raw si Papa. Kayumangging kulay, tamang kapal ng kilay, sa pagkabilugan ng mga mata at sa porma ng labi. In short, para nga raw akong xerox copy, girl version lang.

"Mga anak, kamusta kayo?" nakangiti nitong tanong. Around 7 pm na rito sa Pinas pero sa New Zealand, alas dose na. 5 hours advance sila. May work pa kasi si Papa kaya ngayong oras lang talaga siya madalas nakakatawag sa amin. Masaya ako kasi kahit ilang taon na siya roon halos, hindi parin nagbabago 'yung pagmamahal at pag-aaruga niyang pinapakita sa amin.

"Hmp-kay naman po kami Dashi." puno ng pagkaing saad ni Erlie. Napatawa na lamang ako.

"Don't talk when your mouth is full!" pang-aasar naman ni Mama kay bunso.

"Nako Ma, hayaan mo na. Talaga namang matakaw 'yang si Erlie." saad naman ni Papa. Tumawa nalang kami parehas ni Mama. Kinamusta rin ako ni Papa at nagkwento rin ako onti tungkol sa school ko at mga experiences ko so far. Pagkaapos namin mag-usap ni Papa, tumutok ulit ako sa pagkain ko. Sa totoo lang, hindi talaga ako malakas kumain. Pero dahil luto 'to ni Mama, kailangan ko 'tong ubusin. Adobo pa man din. Susubo pa lamang ako ng pagkain ko nang marinig ko ang sumunod na sabihin ni Papa.

Tortured GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon