Chapter 13: DSPC

250 23 4
                                    

EINDREID

After ng ilang araw na training sa may division, dumating narin ang aming hinihintay. The Divisions Press Conference or DSPC.

Sa bawat pagtapak ng paa ko sa loob ng malaking Auditorium, sinalubong ako ng iba't-ibang estudyante mula sa kanilang mga sariling eskwelahan. Gumuhit ang isang ngiti sa aking labi

"Wow. You're smiling." Puna sa akin ni Chord na naglalakad sa tabi ko. Tinitigan ko siya. Usual na kulot na buhok at salamin ang sumalubong sa akin. May nginunguya siyang bubble gum habang nanatili ang tingin sa may harapan.

"I like the ambiance here." I said then turned my eyes to the people commited on setting up their equipments. Hindi lang kasi TV Broadcasting ang lalaban ngayong araw. Pati narin Radio Broadcasting at individual writing. Ang alam ko nauna nang magsimula ang individual writing katulad ng editorial, feature, news, science and health, sports, editorial cartoon, at photojourn. English at Filipino.

Kami naman, io-orient palang.

May tumapik sa balikat ko kaya napalingon ako rito. Si Chord pala ulit.

Ngumiti siya.

"Goodluck sa ating dalawa. Pupunta na ako sa team ko." Saad niya. Tumango na lamang ako at tinapik din siya. Pumunta narin ako sa team ko at nakinig sa orientation.

Ang TV Broadcasting na gagawin namin ngayon ay isang 5 minute video. It comprises of local news, informercial, international news and feature news. Subalit, depende parin sa value ng balita kung alin ang mauuna at hindi. Topics of the said categories were already given and gladly, my colleagues downloaded some videos in the internet about the latest news from media. May resources na kami agad at hindi  na namin kailangan magdownload sa malapit na computer shop.

"Filipino teams sa Zeus Building tapos English Teams sa Hermes na Building. Tigda-dalawang team kada room. Chronological orders batay sa names ng schools. Scripwriting will start at 8 am. At 12 pm, ipapasa 'yung draft sa mga facilitators. Now, proceed." Saad nung facilitator habang iginagaya kami malapit sa building na pupuntahan namin. Bago kami pumasok ng team ko sa room namin, sinulayapan ko si Chord. She's not looking at me. May bibit siyang laptop at mukha ring bored ang ekspresyon ng mukha niya. Kasama niya 'yung team niya. Kung titignan sila ngayon, maituturing silang power group dahil bigatin mga kasama niya at kabilang pa siya.

I think her team does not know her true potential. Kung tutuusin, full package si Chord. She can direct, write, shoot, edit and be a voice talent. Pero inilagay lang siya sa scripwriting kasi may editor silang may credentials na at member ng isang filming na org.

Labels.

Pero choice din naman ni Chord na mag-lielow dahil tingin ko, ayaw niya talaga sa team niya. And knowing Chord, she will not give her best if she doesn't like the people around her. Sounds immature but I can't blame her.

Mabilis na lumipad ang pitong oras at ngayon ay editing nalang ang natitirang gagawin. 9 am to 12, scriptwriting tapos 1 to 4, editing process and reshoot if needed pa. Nakaabang nalang ako sa tabi ng editor namin habang nag-eedit siya.

"Hi."

Tumaas ang balahibo ko nang may nagsalita sa likod ko. Paglingon ko ay si sinalubong ako ng nakangising Chord.

"Ain't done yet?" Tanong niya. Tumango ako.

"Pero patapos naman na." Tugon ko. Tumango-tango siya at umupo. Hinugot niya 'yung pagkain niya na para sa lunch. Kumunot ang noo ko.

"'Las tres na ng hapon na tapos ngayon ka lang kakain ng lunch?" bulalas ko at tumabi sa kaniya. Medyo umirap siya at bumusangot.

"Nakakahiya naman kasi sa team ko. Hindi pa sila kumakain."sarcastic niyang saad at binuksan na 'yung Jollibee na chicken at spag ang nasa loob. Nagsimula na siyang sumubo.

Tortured GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon