Epilogue

356 23 38
                                    

JOIN THE FACEBOOK GROUP NOW! Daydreamers & Wanderers ang name, link is on my profile.

LIKE THE FB PAGE! Reveries & Wonders ang name, link is on my profile

Enjoy reading!

****
EINDREID

Ten years later....

Sinara ko ang pinto ng sasakyan ko at iniwan lahat ng gamit sa loob maliban sa aking susi at bulaklak. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa mga bulaklak na nasa kamay ko habang naglalakad ako palapit kay Chord. Kakaulan pa lang at medyo basa pa ang damuhan. Makulimlim parin ang kalangitan. Buti nalang at hindi puti ang sapatos na suot ko ngayong araw.

"Chord..." Saad ko nang katapat ko na siya. Marahan kong nilapag ang mga bulaklak na hawak ko sa puntod niya.

"Kamusta ka na?" Tanong ko at pinagsama ang mga kamay ko, "Okay ka lang ba r-riyan?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang bumalik ulit ang sakit ng kahapon. Huminga ako nang malalim para mapigilan ang mga luhang nagbabayadyang tumulo. Subalit, bigo ako.

"Chord, pasensya ka na kung ngayon lang ako nakadalaw." Saad ko. "Sablay pa nga kasi hindi manlang ako nakauwi nung isang araw para sa d-death.."

Napalunok ako at nagpunas ng luha, "Death anniversary mo." Pagpapatuloy ko.

"Chord, ang hirap nung nawala ka." Saad ko, "N-ni wala ako nagawa para manlang makita kahit sa h-huling sandali."

Humigop ako ng hangin at napapikit nang mariin, "Ang daya mo kasi." Saad ko, "Ang daya-daya mo."

Pinunasan ko ulit ang mga luha ko, "Ayaw mong iwan ka. Hindi ba't 'yun ang sabi mo?" Saad ko, "Pero bakit ikaw ang nang-iwan ngayon?!"

Saktong pagsigaw ko ay siyang pagbuhos din ng ulan na para bang nakakaramdam ito sa akin. Napayakap ako sa sarili ko, "If only you endured just another day, Chord. Kung sana hindi ka lang bumitaw agad. Kung sana nag-intay ka lang.."

Humalo na ang luha ko sa ulan, "Chord, tama ka." Saad ko at napaluhod sa harapan niya, "I'm smart!" Bulalas ko.

Napayukom ako ng aking mga kamao, "Nung sinabi sa akin ni Jane kung paano ka namatay, doon ko napagtanto lahat!"

Napapikit ako at kusang bumalik ang mga alaala sa isipan ko.

"Kararating ko pa nga lang, papaalisin mo na agad ako."

Napamulat ako ng aking mga mata nang marinig ko ang pamilyar na tawa na 'yon. Binuksan ko agad ang lampshade ko at tinignan ang nakatayo sa gilid ng kama ko. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Isang morenang may kulot na buhok at nakasalamin. Basang-basa ang damit nitong t-shirt at pantalon, at tumutulo pa nga ang tubig sa sahig.

"Hindi ko alam kung posible ba na mangyari 'yon." Saad ko at inangat ang aking paningin, "Na 'yung oras ng pagkamatay mo ay siya ring pagbisita mo sa akin ng gabing 'yon."

Napahigop ako ng hangin, "You felt so real, Chord." Saad ko at tinaas pa ang kamay ko tungo sa kaniya, "I even touched you that night." Mahina kong saad at binaba ang kamay ko.

"You drugged yourself Chord then, drowned yourself in the tub." Iniisip ko palang kung paano niya nagawan 'yon ay mas lalong naninikip ang dibdib ko, "Ang talino mo, Chord. Sinigurado mo talagang..."

Mas lalong lumakas ang ulan at hindi na ako nag-atubili pang punasan ang luhang patuloy na tumutulo mula sa mga mata ko, "Wala kang takas." Pagtapos ko.

Tortured GeniusWhere stories live. Discover now