Chapter 15: Words Unsaid

162 18 5
                                    

EINDREID

"I cannot understand this shit." Singhal ni Chord habang kumakain kami ngayon ng lunch. As usual, kaming dalawa ang magkasabay ngayon sa lunch at pinili naming dito nalang sa room kumain. Subalit, kulang kami ng isa.

Si Janina.

"Mula nung sinabi siyang aalis siya, hindi niya na tayo masyadong sinasamahan. Palagi nalang si Maureen!" Bulalas niya at sumubo ulit ng pagkain niya. Nakakunot ang noo niya at 'di rin maganda ang pinta ng mukha niya. Ibinaba ko sandali ang kutsara.

"Eh kasi beks, medyo hindi mo rin kasi siya pinapansin." Saad ko. Napairap siya.

"It's because of that Maureen! Gosh, I liked that girl so much before but seeing her with Jane ticks me off. Narinig ko pa si Jane na nakikipag-asaran kay Emanuel." Saad niya.

"Ano naman ang sabi?" Tanong ko. Tumikhim siya at ginaya ang boses ni Ernamel, "Oy Jane! Inaagaw mo si Maureen. Akin 'yan."

"Tapos sabi ni Jane, "Hindi! Akin si Maureen!" Ugh. Naghilahan sila roon." Dagdag ni Chord. Napasubo ulit ako ng pagkain ko at pinigilang mapatawa.

Chord is jealous.

"Alam mo namang si Maureen dati pa 'yon umaaligid kay Janina." Saad ko. Napatigil si Chord at biglang nabura ang busangot sa mukha. Napalitan ito ng ngisi habang nakatitig sa akin.

"Beks, Jane ang pangalan niya at hindi Janina." Saad niya gamit ang pang-aasar na tono. Napatawa nalang ako nang mahina.

"My bad." Saad ko. Chord continued ranting habang kumakain kami. Nagdaldalan pa kami hanggang matapos ang Lunch Time.

Pagpasok ng prof namin sa Philosophy ay umayos na kami. Pumasok narin si Janina at umupo sa may banda sa amin. Nahuli ko pa siyang napasulyap kay Chord bago humarap sa prof at nakinig. Ito namang katabi ko dedma lang ulit.

Subalit, alam ko na sa sulyap na 'yon, nagbabadya ang luha sa mga mata ni Janina. Kung bakit? Hindi ko alam.

Natigil ang diskusyon namin sa Philosophy nang biglang mag-ring ang phone ng prof namin. Sinenyasan niya muna kami at sasagutin niya raw muna 'yon. Lumabas na siya ng room.

"Reid, pwedeng paupo muna diyan?"

Napatingin ako sa harapan ko nang may kumalabit sa akin. Si Janina pala. Tumango naman ako agad at tumayo sa kinauupuan ko. Sinulyapan ko muna si Chord na diretso lang ang tingin sa harap bago ako umupo sa upuan ni Janina.

"Bakla.." rinig kong tawag ni Janina kay Chord. Tinignan ko sila at nakita kong niyakap ni Janina si Chord. Sinulyapan siya ni Chord.

"Oh?" Tanong ni Chord. Binaon ni Janina ang ulo niya sa balikar ni Chord.

"Bakit hindi mo ko pinapansin?" Tanong ni Janina. Bumuntong hininga si Chord at hinawakan ang braso ni Janina na nakapulupot sa kaniya.

"Pinapansin kita ngayon." Maikling tugon ni Chord. Napahigop ng hangin si Janina at nakita kong nagsisimula na ulit siyang umiyak. Nawala ang tampo sa mukha ni Chord at napalitan ito ng pag-aalala. Inalis niya na ang pagkakayakap nito at pinasandal ang ulo ni Janina sa balikat niya. Pinulupot ni Chord ang kamay niya sa bewang nitl habang ang isang kamay niya naman ay nakahawak sa kamay nito.

"Tumahan ka muna bakla." Marahang saad ni Chord at marahang pinisil si Janina, "We will talk later, okay? Tumahan ka na." Saad ni Chord at inabot kay Janina ang panyo niya. Tumango-tango lang si Janina at pinunasan na ang mga luha niya.

Hindi nagtagal ay pumasok na ulit ang prof. Nagturo na ulit ito habang 'yung dalawang nasa likuran ko, ganoon parin ang posisyon. Paminsan-minsan ay naririnig kong bumubulong ang isa sa kanila.

Tortured GeniusWo Geschichten leben. Entdecke jetzt