Chapter 18: Touched by Wonder

148 17 6
                                    

EINDREID

Gumaan ang pakiramdam ko pagtapos ng service namin sa church. Linggo ngayon at kauuwi palang namin sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagbihis na. Sinalubong ko si Miracle ng halik.

"Hi, Miracle." Bati ko habang nagbibihis.

"Alam mo ba, isa sa mga pinagdasal ko kanina si Chord." Pagkekwento ko, "Pinagdasal ko 'yung kalagayan niya at kondisyon niya."

Sinuot ko na ang shorts ko, "Pati narin ang mga magulang niya." Saad ko at umupo na sa kama. Niyakap ko agad si Miracle at sumandal sa malambot nitong tiyan.

"Papansin pa kaya ako ni Chord? Sinabihan niya ako ng Paalam kagabi." Mahina kong saad at huminga ng malalim, "Nangyari na nga ang kinatatakutan ko."

Nanatili aking nakasandal kay Miracle at nag-isip isip. Hindi ko alam kung ako g tumatakbo sa utak ni Chord. She experienced so many unfortunate events yesterday. Ni-reject siya nang harap-harapan sa TV Broadcasting dahil mas pinili ni Sir Samuel ang mukha ni Mika kaysa sa abilidad ni Chord. Tapos, nung inimbita ko naman siya sa bahay, akala ko mapapasaya ko siya. The results turned up completely the opposite of what I was aiming for.

Umiyak siya.

Tingnan ko si Miracle sa mga mata niya, "Dapat ba hindi ko nalang siya pinapunta rito ng dinner?" Tanong ko at sinagot ang ilong niya. "Uy, sagot ka naman."

"Ate, kakain na!" Sigaw ng nakababata kong kapatid na wari ko'y nasa hagdanan. Bumuntong hininga ako at binitawan muna si Miracle.

"Babalik ako mamaya ha." Saad ko at ipinatong muna sa kaniya ang phone ko. Hinagkan ko ang mga pisngi niya.

"Dapat may sagot ka na mamaya. Tulungan mo naman ako Miracle." Saad ko habang pinipisil-pisil ang kaniyang mga pisngi. Napangiti nalang ako at lumabas na sa kwarto. Pagbaba ko ay naabutan ko si Mama na naghahain na ng tubig sa aming tatlo.

"Oh anak, kain na." Alok niya. Umupo na ako sa pwesto ko at tinignan ang pagkain. Chicken curry ang ulam namin at saktong kumalam ang sikmura ko dahil sa nakita. Kumuha na ako ng kanin.

"Ang bait ng batang 'yon ano." Biglang saad ni Mama. Napatingin ako sa kaniya at nahuli ko siyang nakangiti habang nainom ng tubig. Napakunot ang noo ko.

"Sino po, Ma?' tanong ko. Lumunok muna siya bago sumagot, "Si Chord!"

"Ah," saad ko, "Opo. Mabait po talaga 'yon." Dagdag ko. Buti nalang at hindi ako nautal. Nakokonsensya parin kasi ako dahil nalaman pa ni Chord ang totoo sa ibang tao at hindi sa akin.

"Hindi mo pala sinabi sa kaniya na aalis tayo. Nagulat siya kagabi." Saad ni Mama habang naglalagay ng ulam. Napalunok ako at napahawak sa aking baso.

"A-ano po ang sabi niya?" Utal kong tanong at napainom ng tubig. Nakangiti parin si Mama.

"Masaya raw siya para sa atin. Sa wakas daw ay magkakasama na tayo ng Papa mo tapos magkakaroon ka raw ng mas magagandang opportunities sa pag-aaral mo at sa trabaho mo in the future." Tuwang-tuwang saad ni Mama.

"Pinaalalahanan niya pa nga ako na mas lalo raw kikinis ang kutis ko roon kasi malamig. Magdala raw tayo ng maraming jacket." Dagdag pa ni Mama at tumawa.

"Nako Ma, puputi rin tayo roon." Komento naman ni Erlie at nagkasundo sila ni Mama. Napangiti ako nang alanganin habang pinagmamasdan sila. Hindi ko lubos akalain na natago ni Chord ang tunay niyang nararamdaman kina Mama at Erlie kagabi.

Mas lalo akong nakonsensya.

Ipinatong ko ang nga kamay ko sa aking hita at niyukom ang mga ito. Chord knows how to conceal what she really feels. Napakagaling niyang gumamit ng maskara to the point na aakalain ng mga taong nasa paligid niya na okay lang siya kahit hindi. Kaya siguro numg kaming dalawa nalang, pinili niyang ipakita sa akin ang onting parte ng kaniyang totoong mukha. She became vulnerable in my presence. She even cried in front of me, and I just stood there like a statue.

Tortured GeniusWhere stories live. Discover now