Miracle

780 54 19
                                    

Hello Nanang! I dedicated this chapter for you kasi gusto kong malaman mo na tuwang-tuwa po ako sa mga stories ninyo. Inuubos ko nga po lahat kasi sobrang gaganda, kahit 'yung mga one-shots. Nakaka-inspire po kayo. At congratulations po kasi published na 'yung Stay Awake, Agatha. Super proud po ako sa inyo! Sayang at hindi manlang ako nakapunta nung unang debut no'n pero hahanapin ko 'yon sa mga bookstore pagpasukan na kasi may pera na ako no'n. Gusto ko nga rin po sanang mabasa 'yung Virgo kaso hindi pa available sa SM Calamba last time I checked. Anyways, keep on writing, Nanang! I love you so much! More power on your works! See you soon. :) 

#####

EINDREID

"Bakit ang cute cute mo?" tanong ko kay Miracle habang sinusundot ang kaniyang ilong. Napahagikgik naman ako nang bumaon ang aking daliri sa kaniyang malambot na katawan.

"Hihihi. Boyfie!" bulaslas ko at sinubsob ang mukha sa tiyan ni Miracle. Hmm. Bango-bango. Tapos ang lambot-lambot niya pa. Nakakaalis talaga ng pagod. Tumingin ako kay Miracle at nakangiti lamang siya sa akin. 

"Uy," tawag ko sa kaniya pero hindi talaga siya tumutugon. It's obvious naman na hindi dapat siya tutugon pero naiinis parin ako. Hindi ko maiwasang mag-pout.

Pinisil ang mga pisngi niya. "Magsalita ka naman. Please!" 

"Please. Please. Please. For me!" pagmamakaawa ko. Huhu. Miracle magsalita ka, please. Kausapin mo ako. Sinamaan ko siya ng tingin nang hindi parin siya kumibo.

"Naman!" singhal ko at niyakap nalang siya. 

"Pasalamat ka malambot at malaki ka." pagmamaktol ko ssaka hinigpitan ang pagyakap sa kaniya. Hmm. Sana ganito nalang kami forever. Sige na nga. Kahit huwag na siya magsalita. Malambot at masarap pa rin naman siyang yakapin. Hay.

My lifetime partner, Miracle.

"Ate!" sinamaan ko ng tingin ang kapatid kong nakapameywang ngayon pagkabukas niya ng pintuan. Unang-una, wala siyang pahintulot para buksan ang pinto. Pangalawa, ayoko nang may istorbo sa moment namin ni Miracle. Pangatlo...basta 'yon!

"Tigil-tigilan mo na nga 'yang pagiging adik mo sa teddy bear na 'yan! Kakain na tayo ng hapunan!" bulyaw niya at sinara ulit ang pinto. Umayos ako ng upo at tinignan si Miracle. Parang may sariling mata ang mga utak ko at nakita kong naaawa ang tingin sa akin ni Miracle. I sound crazy., but no one can stop me from loving my lifetime partner, Miracle! 

Hinalikan ko siya sa pisngi. "Dito ka muna ha. Marami ka pa namang kasama na teddy bear dito. Kakain lang ako. Hayaan mo, hindi naman ako gano'n magtatagal," wika ko at hiniga sa kama ko si Miracle. Inayos ko pa ang unan na hinihigaan niya para mas maging komportable pa siya.

Nag-unat ako at tumingin sa relo. 7:30 pm na pala. Makapunta na nga sa hapagkainan. Kumakalam narin sikmura ko.

"Oh,buti naman bumaba ka na, Maine," bungad sa akin ni Mama habang naghahanda ng makakain. Sinimangutan ko naman siya.

"Ma. Ayok sabi ng tinatawag ako sa pangalan na 'yan. Eindreid is fine," reklamo ko at tinulungan siyang ihain ang mga baso.Kay Erlie, 'yong kapatid ko, kasi nakatoka 'yung mga plato't kumbyertos.

"Napakaarte talaga ng batang 'to. Kami ng Papa mo ang gumawa ng pangalan ninyo kaya itatawag namin 'yong gusto naming itawag sa inyo," pagdidiin pa ni Mama habang paupo sa mesa. Umupo narin ako at hindi nalang tumugon. Wala e. 'Yon gusto niya. 

"Mommy, kailan ka ba bibili nung parang raketa na pampatay sa lamok? Pinapapak na ako rito!" asik ni  Erlie habang pumapalakpak---I mean, pumapatay pala ng lamok. Ngumisi ako.

"Mukha ka raw kasing tsokolate," pang-aasar ko kaya inirapan naman ako ng kapati ko.

"Whatever ate. Mas maitim ka pa rin kaysa akin!" pambabasag niya at dinilaan pa ako. Inilapat ko 'yong kamay ko sa aking dibdib at nagpanggap na nasasaktan.

Tortured GeniusWhere stories live. Discover now