In Denial

677 51 32
                                    

EINDREID

"Good morning, bati sa akin ni Chord pagkapasok niya ng room. Tinignan ko lang siya at tinanguan.

"Morning." 

Hindi ko mapigilang mapatingin sa kaniya nang maigi. Last time I checked, wala siyang salamin at definitely hindi malabo mata niya. I assume that if a person's vision has dysfunctions, they will absolutely squint without glasses; 'Di bale nalang kung may contacts siya. 

"Chord? May grado 'yang salamin mo?" Naramdaman ko ang presensya ni Janina sa likuran ko nang gumawa siya ng isang tunog na parang may nilapag. I think it's her bag though. Tumingin sa kaniya si Chord.

"Yes," maikling tugon ni Chord. Sumandal naman ako kaya nakita ko ang pag-upo ni Janina sa upuan niyang nasa tabi ko lang. Hawak niya ang cellphone niya at sa tingin ko, kinausap na naman niya 'yong syota niyang si Gane. 

"Mataas?" tanong ulit ni Janina. Tumango nalang si Chord. 

Hmm. I really find it weird. Bakit parang ang tahimik ni Chord ngayon? Hindi naman siya ganito ka-distant kahapon. 

Itinaas ni Janina 'yung kamay niya. "Sige nga. Ilan 'to?" pagbibiro ni Janina kay Chord but the latter gave her a glare. 

Chord clicked her tongue before replying, "First of all, my vision is only blurry and it doesn't create doubled images. Can you people just stop stereotyping everyone who's wearing glasses?  Nakakakita kami. Nakakaaninag. But we ain't cross-eyed." 

Bumakas ang gulat at hiya ni Janina dahil sa sinabi ng babaeng moody habang ako naman ay nakatingin lang at parehas ng reaksyon. 

D-did she just....

I dropped Janina an apologetic glance before I turn my head to Chord. "You're not taking this too far, do you?" I asked, attempting to lighten up the mood. She just rolled her eyes and sigh. Tumingin siya sa harap at nagpalumbaba.

"Fuck this day," usal niya. Nagkatinginan nalang ulit kami ni Janina after that. Hindi man kami nag-usap orally, pero gamit ang mga mata namin, parang nagkaintindihan kami. 

Nagkaintindihan na huwag munang makisabay sa init ng ulo ni Chord ngayon.

"Good morning class." Tumayo na ako agad nang pumasok si Ma'am Inah, 'yong bio teacher namin sa room. Pinaupo niya rin naman kami agad at ipinaliwanag 'yong gagawin naming activity ngayong araw.

I really find it interesting  na we are going to make a 3d Cell Model using edible materials. This is my first time experiencing something hands on like this! Nakatutuwa lang.

"Ito na 'yong sa akin," saad ko at inilapag ang nips na dala ko sa gitna ng bilog namin. Pinaggrupo na kasi kami ni Ma'am Inah matapos niyang ibigay 'yong instructions. Simple lang naman requirement niya; ma-present nang maayos lahat ng parts ng Cell gamit ang edible materials, kaya heto kami ngayon, nagtututulong-tulong gumawa ng Pancit Canton Cake.

"Teka lang. Ayaw talagang malagay sa gitna ng pakwan 'yong bubblegum na 'to, e!" reklamo ni Jerome habang pilit na isinisiksik ang bilog na bubble gum sa gitna sa pakwang wala na ang 1/4 ng katawan. Tumutulo-tulo na pati sa sahig 'yong katas kaya in a way, nagkakalat narin kami. 

Napabuntong hininga ako. Marami-rami rin kaming lilinisin, ah. 

Umiling si Hansel. "Huwag nating gawing base 'yang pakwan. "Inilabas 'yong rectangular niyang baunan." Dito nalang sa Pancit Canton na dinala ko."

Naglagay naman siya ng plato sa gitna tapos pinataob niya 'yong baunan na may laman na Pancit Canton. Nang inalog niya it nang kaonti ay bumaba ang laman nito, at kahit wala na ang Pancit Canton sa baunan, hugis parihaba pa rin siya. Hindi ko maiwasang mapatawa sa itsura.

Tortured GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon