Rejection

655 44 81
                                    

EINDREID

Nanakit ang katawan ko, at medyo naiirita na rin ako. The reason why I chose STEM as my strand ay dahil una, I'm kinda good at math, and secondly, I have this dream to be an engineer someday, and pangatlo, dahil ayoko nang maraming ginagawa na hindi tugma sa mga kaya kong gawin. 

Like dancing.

"Tangina, ayos lang talagang mapagod ako kakasayaw. Kagrupo ko naman 'yong crush ko.,"saad naman ni Chord. I frowned at her expression while saying the statements. Her eyes are sparkling kasi.

Napailing-iling ako. "Harot."

I don't care kung kasama ko crush ko or what sa mga ganitong activities, mas mahalaga pa rin 'yong sarili kong health. Hihikain ako sa mga pinaggawa namin dahil sa sayaw na 'yan, e!

"Ang swerte mo nga, e. Kagrupo mo si Marga. So ano, nagkaka-developan na ba? Straight ba siya or baliko? Kwento ka dali!" pagpupumilit pa ni Janina. And please, take note na nasa gitna ako nila kaya I'm stuck with their senseless convo. Alam niyo 'yung feeling na sabi ni Chord, gusto niyang makipag-close sa akin tapos mas naging close pa ata sila ni Janina. Minsan kasi I caught them whispering on one another and laughing like idiots. 

Selos ka?

Shut up, brain. As if I care.

Napasulyaw naman si Chord kay Marga at saktong sumulyap din si Marga sa kaniya at kumindat. Ito namang hudas na katabi ko, lumapad 'yong ngiti at umabot pa hanggang tenga. Parang aso. Okay. I'm exaggerating.

"See? Winking is the same as flirting! Feeling ko talaga hindi siya straight. Sabi ng gay radar ko," saad naman ni Chord kay Janina. "Pero don't get me wrong ha, I know naman na hindi tama i-judge siya based on her actions and clothes alone, but hey, a girl can dream."

Tumawa lang si Janina."So, ano na ngang score niyo?"

Napasandal nalang ako sa upuan ko at pinikit ang mga mata ko. Ang dadaldal ng dalawang 'to, pero aaminin ko, nasasanay narin ako sa mga presensya nila.

"Kalma, Janina. Hindi ko gawaing mag-first move sa mga crush ko, okay? Hanggang doon lang 'yon. I'm not planning to get her or make her mine. Sapat na sa akin na kasama ko siya at nasusulyapan," rinig kong saad ni Chord. Napatingin naman ako sa kaniya. S

o, hindi pala aggressive ang isang 'to? Naks. Sabagay nabanggit niya narin naman na wala talaga siyang balak magsyota sa ngayon, mapa-lalaki o babae.

Pero, grabe siya makaharot. Walang sineseryoso!

"Ang weak mo naman pala," pang-aasar sa kaniya ni Janina kaya awtomatikong umirap si Chord. Napatawa na ako sa ginawa niya. Chord is a boyish girl, plus her glasses na parang wala siyang ni isang bahid ng kapilyahan sa katawan, pero the thing is, loko-loko talaga siya, and seeing her roll her eyes does not compliment her appearance at all.

"Alam mo kasi, I'm not like you. Hindi ko kayang maging stick to one. Madaling lumipat ang paningin ko. It's just a matter of weeks, hours or minutes, you know," depensa niya. Sa pagkakataong ito, ako naman ang sumingit sa usapan nila.

"So, lahat nung kinukwento mo sa amin na nakaharutan mo dati, flings mo lang 'yon?" tanong ko. Tumango naman agad siya at ngumisi.

"Lakas nito," komento ko. Actually, marami-rami narin siyang nakwento na nagustuhan niya dati, at totoo nga namang hindi siya nagawa nung first move. Pero, pagnararamdaman niyang dumidikit sa kaniya 'yong natitipuhan niya, at kinakausap-usap na siya, doon siya manghaharot. 

Sigurista, e.

Tinitigan ako nang makahulugan ni Chord habang hindi pa rin naalis ang ngisi sa mga labi.

Tortured GeniusWhere stories live. Discover now