Caged 2

2.1K 142 124
                                    

Chapter 2

"The main Lab, this is where we do our experiments," turo ni Doc Barbara sa isang room.

Bawat rooms na dinadaanan namin ay may ibat-ibang label. Itong main Lab lang ang wala kaya sobrang nakapagtataka nito.

Pagkatapos sa main Lab ay lumiko kami sa kanan. May iisang room doon na may nakalagay na Testing Room.

"Form your lines here, isa-isa kayong tatawagin ni Doctor Shera para sa Examination. Siya din ang magsasabi kung saang class kayo ipapasok. Goodluck," she said at agarang umalis.

Nagsimula na nga kaming pumila lahat. Nasa ika-tatlo ako, nauna si Cass sa 'kin dahil excited daw siya. Maya-maya pa ay may lumabas na magandang babae sa testing room.

"Hello fresh Mutants! I am Doctor Shera, and I will be observing you and the other Doctors inside. Please keep in line," aniya at pinapasok agad ang naunang babae.

"Kinakabahan ako," mahinang bulong ng isang bata sa gilid ko.

"Hi, ako si Ally. Wag kang kabahan, hindi ka naman siguro nila sasaktan diba?" Sabi ko sa kanya at hinagod ang likod niya.

"Ako si Mecca," pagpapakilala niya.

Ilang minuto din ang lumipas ng lumabas ulit si Doc Shera para papasukin si Cass. Tinapik ko ang balikat niya at sinabihan siya ng goodluck.

Tiningnan ko ulit ang mga kasamahan ko. Yung iba naka-upo na sa sahig habang pumipila. Yung susunod naman kay Mecca ay lalaking may kulay puti ang buhok.

"Next."

Gulat akong napatingin kay Doctor Shera na nakatingin din sa 'kin. Binuksan niya ang pinto at pinapasok ako.

"Sit here," she said while pointing the chair.

"What's your name?" Tanong niya pagkatapos kong umupo.

"Ally,"

"Oh, you must be the girl from the East Creek?" Manghang sabi niya.

Tumango ako sa kanya, siya naman ay kinuha ang papel sa gilid niya at tiningnan ito.

"Listen Ally, hindi magiging madali itong gagawin mo, we will make some test according sa quirk mo. I mean, papasok ka diyan sa loob at isipin mo 'yung gusto mong makita sa sandaling ito," ani niya habang tinuturo ang pinto. "But, kailangan muna kitang turukan nito para mag-activate ang sensor ng buong room at mabasa ang nasa isip mo."

Lumapit siya sa'kin at tinurok ang kulay berdeng likido sa braso ko. Pagkatapos no'n ay iginiya niya ako papasok sa pinto.

Pabilog ang loob at kulay puti lahat. Sa ibabaw ay isang makapal na glass na kitang-kita sina Doc Shera at ibang tao na kasama niya. Naka-sout silang lahat ng pang-Doctor na suit.

Inisip ko ulit ang sinabi niya kanina, isipin ko raw ang taong gusto kong makita sa oras na ito.

Agad na pumasok sa isip ko si Lady eren. Siya lang ang pumasok sa isip ko dahil siya lang naman ang naiisip ko agad.

"Ally," ani ng boses sa gilid ko.

"Lady Eren!" Agad kong sigaw pagkakita ko sa kanya.

Lalapit na sana ako at yayakap ng may biglang lumabas na malaking hayop sa kaliwang bahagi ng kwarto at may dalawang lalaking armado.

"Ally, stay there! Wag kang gumalaw," natatakot na saad ni Lady Eren.

Sumigaw ng malakas ang hayop na na kaharap namin. Ang dalawang lalaki naman ay nasa likod ng hayop at itinuon nag mga armas nila sa'min.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon