Caged 16

942 53 10
                                    

Chapter 16

"Okay! Listen up, everyone!" Malakas na sigaw ni Doctor Barbara.

Nasa loob kami ngayon ng training room at bawat teams ay naka-upo sa sahig. Nasa likuran namin ang lahat ng Doctor habang si Doctor Barbara naman ay nasa harap namin kasama si Doctor Luminos.

"Simple lang naman ang mangyayari sa Individual Assessment niyo na ito. Pumasok kayo sa portal, harapin ang test na ginawa namin, at makalabas habang dala-dala ang sagot sa tanong na nasa loob ng portal na iyan."

Napatingin ako ng wala sa oras kay Xing Che. Kahit siya ay halatang naguguluhan sa sinabi ni Doctor Barbara.

"At oo nga pala, kailangan niyong hanapin ang riddle na nasa loob ng portal. Pero, bago niyo mahanap ang riddle, kailangan niyong talunin ang mga halimaw na makakaharap niyo. Bibigyan lamang kayo ng kalahating oras para tapusin ito. Ebe-base ang scores niyo sa strategy niyo kung paano niyo haharapin ang challenge na ito. Goodluck!" Sigaw niya at nagpa-tindig ng balahibo ko.

"Please step forward as I call your names!" Sigaw ni Doctor Luminos. "Jaime Gadgener from class 1D, Morocco Serk from class 2R, Zerius Jock from class 3G, Lily Cove from class 4M."

Agad na tumayo si Jaime mula sa line namin. Kahit walang emosyon at seryoso ang mukha niya, ramdam ko parin ang kaba sa aura niya.

Iisang babae lang ang naiba sa kanila. Apat ang portal na ginawa ni Doctor Luminos, bawat isa sa kanila ay papasok sa kani-kanilang portal at haharapin ang challenge ng mag-isa.

"Are you ready?" Tanong ni Doctor Luminos.

Sabay silang tumango kay Doctor Luminos habang si Jaime naman ay bumuga ng hangin.

"Go!" Pagkatapos ng hudyat na iyon ay agad silang pumasok sa kani-kanilang portal.

Dumako agad ang tingin naming lahat sa malaking screen sa gilid. Nakikita namin ang nangyayari sa apat na portals dahil connected ito.

Si Jaime ay nakapasok sa isang Labyrinth. Agad siyang pumasok sa entrance at hinanap ang daan. Pagliko niya sa kabila ay agad na bumungad sa kanya ang isang malaking gagamba. Mali ang daanan kaya bumalik siya at tumakbo ng mabilis. Naka-sunod sa kanya ang gagamba kaya mas-tumakbo pa siya ng mas-matulin.

Paliko-liko siya habang hinahanap ang daan. Sampung minuto na ang naka-lipas ng may makita siyang isang-kahoy. Agad niya itong itinutok sa gagamba at unti-unting umatras. Deadend ang napuntahan niya kaya wala siyang kawala.

Maya-maya pa ay biglang sumugod ang gagamba sa gawi niya kaya bigla siyang umilag at hinawakan ang gagamba sa tiyan nito.

Lumingon ang gagamba sa gawi niya at bigla itong umamo.

"Kino-control niya ang utak ng gagamba," ani ni Mecca sa gilid ko.

Ngayon ay mas-naliwanagan ako dahil sa sinabing iyon ni Mecca. Jaime can control minds at 'yun ang ginamit niya para controlin ang halimaw.

Pagkaraan ng labing-limang minuto ay nakasakay na si Jaime sa gagamba at paikot-ikot sa Labyrinth na napasukan niya. Pagkarating niya sa gitna ay agad niyang binasa ang naka-saad sa malaking dingding. It was a riddle nga at ramdam ko ang hirap sa mata ni Jaime. Pagkatapos niyang basahin ay agad siyang sumakay ulit sa Gagamba at bumalik sa entrance.

Paglabas niya sa portal ay agad siyang humarap sa mga Doctor at sumigaw.

"Time! Time ang sagot sa riddle!" aniya habang hinihingal at bumabawi ng hangin.

"Correct!" Sigaw ng isang doctor. Pumalakpak kaming lahat dahil tama ang sagot niya.

Sunod na lumabas ay ang galing sa class 3G. Tama din ang sagot niya. Nakalabas din agad ang galing sa class 2R ngunit mali ang sagot na ibinigay niya.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon