Sing 5

196 14 3
                                    

Chapter 5


THIS CHAPTER IS UNEDITED!




Rykee has always been on my side since then.

Hindi niya ako iniwan at siya rin ang nag-alaga sa akin noong nagre-recover palang ako mula sa natamo ko sa pakikipaglaban kay Inferno noon sa East Creek. He saved us. Siya ang naglayo sa amin sa lugar na iyon at nakarating kami sa dito sa Mt. Pollo ng matiwasay.

Simula noong nagkaroon ako ng malay, hindi niya pinaramdam sa akin na nagiisa ako. Na andiyan siya lagi sa tabi ko at hindi niya ako pababayaan. Lahat ng iyon wala siyang hiningi na ano mang kapalit.

Pero sa lahat ng magagandang bagay na nagawa niya sa akin, at sa paglipas ng mga taon, na realized ko na hindi ko nga pala siya lubusan pang kilala. Tanging pangalan at lugar lang ang alam ko tungkol sa kanya.

"Sino ka ba, Rykee?"

Nasa balkonahe kami ng kwarto ko at nakatingala lang siya sa langit. Minamasdan ang mga bituin na kumikinang at nagbibigay ilaw sa madilim na gabi. Nagbago ang paghinga niya at lalo itong lumalalim. Naririnig ko ang mga kulisap at tunog ng mga dahon sa itaas namin. Binago ko ang aking posisyon at humarap sa kanya.

"Hindi kita kilala. Matagal na tayong magkaibigan, pero wala pa akong alam tungkol sayo bukod sa pangalan mo. Aksidente lang ba talaga ang pagkakakilala natin? May gusto ka bang sabihin sa akin?"

Nakita ko ang bahagya niyang pag-ngiti pero nawala din iyon at napalitan ng malungkot na tanawin ang kanyang mukha. Ibang-iba siya sa kaibigan kong Rykee na laging nakangiti at tumatawa.

"Patapon na akong tao, Ally. Wala na ang tunay kong mga pamilya. Namatay silang lahat sa sunog at ako nalang ang natira. Sa murang edad ko, natuto akong mamuhay sa gubat ng mag-isa. Gabi-gabing umiiyak at naghihinagpis. Hindi alam ang gagawin, laging natatakot at nababahala sa sarili tuwing sumasapit ang gabi. Minsan, naisipan ko na ring magpakamatay noon. Total wala naman ng saysay ang buhay ko. Ako nalang mag-isa, nahihirapan, nangangamba," umayos siya ng upo at humarap ang mukha niya sa akin.

"Pero sa kalagitnaan ng paglalakbay ko, may nakasalubong akong isang bata. Nagpakilala siya sa akin. Tinanong niya ang lahat tungkol sa pagkatao ko. Naawa siya, dinala niya ako sa bahay nila at pinakilala sa mga magulang niya. Alam mo, hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Pinatuloy nila ako sa tahanan nila, pinakain, binihisan, inalagaan at itinuring na sariling pamilya. Simula noong araw na iyon, nakatulog ako ng matisay tuwing gabi, nakakainom ng malinis na tubig at nakakakain. Tinuring akong kapatid ng batang iyon. Kahit kailan hindi niya ako pinabayaan. Pero noong nawala ang ama niya, kinailangan niyang umalis at magsanay. Nagkalayo kami sa isat-isa, pero ang pangako namin sa sarili na hindi namin pababayaan ang isat-isa ay nanatili. Isang araw, kinausap niya ako ulit. May ikini-kwento siyang isang babae. Kung gaano raw ito kaganda, kung paano nahulog ang puso niya at kung paano niya ito minahal."

Umihip ang malamig na hangin kasabay ng paghawak ni Rykee sa aking kamay. Malalim ang kanyang hininga at pati na rin ang kanyang mga mata. Walang ingay na maririnig maliban sa kaluskos ng dahon sa balkonahe.

"Allystaire, ikaw ang babaeng tinutukoy ko. Kaya hindi aksidente ang pagkikita nating dalawa. Sinadya ko ang pagpunta doon sa lab kasi nangako ako sa kanya na poprotektahan kita sa abot ng aking makakaya. Nangako ako sa kanya na hindi kita pababayaan ano man ang mangyari. Hintayin mo siya. Huwag kang susuko, Ally kasi kahit kailan hindi siya sumuko sa 'yo."

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon