Caged 5

1.3K 114 52
                                    

Chapter 5

Maaga kaming nagising lahat.

Kahit na inaantok ay pilit akong bumangon mula sa higaan ko. Pati na rin ang boys na nagmamatigas pa nang gisingin sila ni Seb.

"Maghanda na kayong lahat! Kakain pa tayo bago pumunta sa training room," malakas na sigaw niya.

Pagkatapos ay agad kaming dumeretso sa changing room para magbihis. Bawat isa sa amin ay parang lutang pa kaya mainam ang tubig pampa-tanggal ng antok.

Pagkatapos naming magbihis sa changing room ay dumeretso agad kami sa Mutant's Common Ground para kumain. Naroon na rin ang iilang mga mutants na masayang kumakain.

"Parang masama ang pakiramdam ko sa magiging training natin mamaya," maktol ni Xing Che at umupo sa usual spot namin.

"Diba nagtetraining narin naman kayo dati?" Saad ko at ipinatong ang ulo sa table.

"Oo, pero mga light trainings lang naman 'yun, itong training natin parang kakaiba eh," aniya.

Tumahimik nalang kaming dalawa ni Mecca at hinintay ang pagkain namin.

A minute after ay dumating na din ang boys na pinagtitinginan agad ng iba. Ang lakas talaga ng dating nila.

Ang lapad ng ngiti ni Keller habang lumalapit sa'min.

"Hi Girls! Bati niya agad.

Uupo na sana siya sa gilid ko ng bigla siyang hinigit ni Seb at siya ang pumalit dito. Ngayon ay iilang inches nalang ang pagitan naming dalawa.

Nagkamot nalamang ng ulo si Keller at tumabi kay Jaime. Hindi na ako kumibo dahil feeling ko ay nakain ko na 'yung dila ko dahil sa kakaibang tensyon sa pagitan naming dalawa ni Seb. Pagdating ng pagkain ay agad ko itong nilantakan na para bang ito 'yung pinaka-masarap na pagkain sa boung mundo.

"Bilisan niyo na, malapit ng magsimula ang training," ani ni Luther sa'min.

Tapos na ako kaya hinintay ko nalamang silang lahat. Pansin ko na si Keller palagi ang nahuhuli sa pagkain dahil madami ang kinakain niya.

"Bilis na Keller ikaw nalang 'yung hinihintay," reklamo ni Zonic sa kanya.

Pagkatapos kumain ay sabay kaming lahat na tumayo at naglakad papuntang training room.

Pagdating namin doon ay wala pa si Doctor Barbara kaya nag-stay kami sa isang gilid.

"Well well well, tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Afterall these years ay sumama na ang MATINONG senior ng class 1D, nakakatuwa naman ito," sabi ng isang lalaki sa gilid namin.

Napatingin kaming lahat sa kanya pati na rin sa mga kasamahan niya. Nakita ko din si Cass na halos hindi makatingin sa akin.

"Kumusta Senior Seb? Matagal-tagal na rin no'ng huling paguusap natin," nangiinis na sabi ni Drake, ang Senior nina Cass.

Ngayon ay nakita ko na talaga ang totoong pagkatao niya. Ang angelic na mukha niya ay napalitan ng mala-demonyong hitsura.

"Wala akong pakialam Drake, umalis ka na dito," inis na sabi ni Seb sa kanya na hindi manlang siya tinapunan ng isang tingin.

"Ok, madali akong kausap," ani ni Drake at agad na umalis.

Hindi manlang ako tinapunan ng tingin ni Cass. Parang natatakot siya at may tinatago.

Nagtaka naman ako sa sinabi ni Drake na sumama na si Seb sa training. So it only means na hindi siya sumasama sa training nila dati?

"Ok Mutants! Gather yourselves here," utos agad ni Doctor Barbara pagpasok niya ng training room. Tumapak siya sa isang pabilog na bagay at agad itong tumaas at nagmistulang stage.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon