Caged 18

991 51 32
                                    

Chapter 18

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng man-made forest. Lumingon-lingon muna ako sa paligid kung meron bang doctor ngunit wala akong nakita.

Agad akong pumasok sa loob at dumeretso sa secret laboratory nina Doctor Fooler. Hinawi ko ang vines na naka-harang at bumungad sa akin ang laboratory.

"Doctor Fooler!" Sigaw ko mula sa labas.

Agad ding umilaw ang sensor sa labas at nagsalita ito.

"Open the door Ally!" Ani ng sensor na ka-boses ni Doctor Sheldon.

Agad kong binuksan ang pinto at bumungad agad sa 'kin ang magulong kwarto. Nagkalat ang maraming papel at parang balisa si Doctor Fooler. Si Doctor Sheldon naman ay naka-upo sa computer habang nasa paanan niya si Morpheus na naglalaro ng bola.

"Pasok ka Ally," saad ni Doctor Sheldon.

Agad na tumingin si Morpheus sa 'kin at mabilis na lumapit. Pinalibutan niya agad ako na parang excited talaga siya na makita ako.

"Hello, Morpheus! Kumusta?" Masiglang saad ko sa kanya.

Bigla niyang dinilaan ang mukha ko kaya napatawa agad ako.

"Pasensya kana rito, medyo busy kasi kaming dalawa dahil babalik na si Doctor Drech dito sa loob ng Gate 8," saad ni Doctor Fooler na naka-tingin na ngayon sa microscope niya.

"Nakaka-abala po ba ako?" Tanong ko.

"No, Ally. Hindi ka sagabal rito. Siguro.. dalhin mo muna si Morpheus sa labas, kanina pa kasi 'yan nanggugulo rito sa loob." Tugon ni Doctor Sheldon.

"Sige po," ani ko at kinuha si Morpheus.

Paglabas namin ay dinala ko agad siya sa kanyang mini-playground. Medyo maraming tuyong dahon sa gawing ito kaya malayang nakaka-gulong si Morpheus.

Agad niyang inilagay ang bola sa harap ko. I guess he wanted me throw the ball.

 I guess he wanted me throw the ball

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Okay, laro tayo." mabilis kong pinulot ang bola. "Go!" Sigaw ko at hinagis ito papalayo.

Mabilis na naglaho sa harap ko si Morpheus at agad ding bumalik habang nasa bibig niya ang bola. Halos hindi ako maka-galaw sa kinata-tayuan ko dahil sa gulat.

"Did you just... disappeared?" Wala sa sarili kong saad.

Inilagay niya ang bola sa harap ko at umupo.

I was left dumbfounded because of what happened. Morpheus is only genetically created, pero bakit nag-gi-glitch siya at nawawala? Some animals na binuo at ginamit sa experiments ay namamatay. But, Morpheus? He's a masterpiece.

Hindi ko alam na pwede palang maipasa sa animals ang ibang abilities.

"Ally!"

Agad akong napalingon sa likod dahil sa malakas na sigaw. Ilang metro lang ang layo ni Sebastian mula sa 'kin habang nakatingin ng deretso kay Morpheus.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon