Sing 3

246 12 2
                                    

Chapter 3

UNEDITED!!!


"Sino 'yung Senior Seb na sinasabi mo, Keller?"

He cleared his throat before looking at the boys around us. Seems like he's giving a signal to get some help. Napatingin rin ako sa kanila dahil walang nagsalita. Lahat sila ay gulat at parang hindi makapaniwala sa tinanong ko.

"Ah... uhm," kinakabahan na wika ni Keller.

"Kakilala ko rin ba siya? Taga saan? Taga-rito?" sunod-sunod na tanong ko.

"Nasa kabilang bayan," mabilis na sagot ni Drake dahilan kung bakit ako napatingin sa kanya.

"Talaga? Invite niyo siya sa festival, I wanna meet him," nakangiti kong sagot sa kanya.

Hindi na sila nagsalita pa at isa-isang lumabas sa kusina. They're acting weird kaya umiling nalang ako. Ngayon ko lang narinig ang pangalan na 'yun, pero parang familiar sa akin. Alam niyo 'yung feeling na parang nasanay ang bibig ko na bigkasin ang pangalan na 'yun? Ganoon kasi ang feeling ko ngayon.

I just made a shrugged at agad na inihanda ang niluto nilang pagkain.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising kasi magsisimula na kami sa pag-gawa ng mga designs na bulaklak at iba pang props para sa stage. The boys are already lifting the boxes papunta sa bahay ni Amelita kung saan namin gagawin ang mga designs.

"What kind of flowers are we going to make?" rinig kong tanong ni Drake kay Amelita.

"Master Kenzu wants us to make Corsier and Loreus. Gusto niya raw itama ang tema ng festival sa mga bulaklak na 'yun," sagot ni Amelita sa kanya.

Out of all the active villagers here, si Amelita ang pinaka-maasahan sa ganitong bagay. She's a bit older than me pero parang mas-matanda pa siyang mag-isip sa akin. Siya rin ang laging naka-assign sa mga designs every festival dahil sa galing niya.

Nagsimula na rin akong mag-gupit ng mga foam at thick papers para sa gagamiting bulaklak. Magkasama kami ni Xing Che sa isang table habang ang mga ginugupit namin ay inilalagay namin sa basket.

"Heros! Finally!" malakas na sigaw ni Amelita kaya napalingon kaming lahat.

Heros entered the gate while carrying a box. Napatingin siya sa akin saglit pero agad din niya itong binawi. He's wearing the same outfit with us to indicate na part kami ng staffs para sa festival. I immediately put my gaze to what I am doing at nag-focus.

Naririnig ko na rin ang kantyawan ng mga lalaki kay Heros. Hindi ko naman alam ang pinag-uusapan nila kaya minabuti ko nalang na tumayo at pumasok sa bahay ni Amelita. Dumeretso agad ako sa kitchen para kumuha ng tubig.

After getting a glass of water, mabilis ko itong ininom at humarap sa pinto. Muntik ko nang maibuga ang tubig ng makita ko si Heros na papasok dito sa kitchen. Mabuti nalang at na-control ko ang sarili ko at mabilis na tumingin sa sink.

"You okay?" rinig kong tanong niya.

"I'm fine, sorry," mabilis kong sagot.

Hindi maliit itong kitchen ni Amelita pero feeling ko bigla itong sumikip dahil sa presensya niya. I couldn't say the right words kaya hindi ako agad nakapag-salita.

"Ah, Heros," I said.

"Hmm?"

"Yesterday," tipid kong sagot. Kinakabahan kasi ako at hindi ko alam kung bakit.

"I know, Celery told me about your condition," aniya at ininom ang tubig saka tumalikod. "Mag-ingat ka next time."

Napa-buntong hininga ako at napasandal sa sink. Sobrang awkward naman no'n.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon