Caged 9

1.1K 87 30
                                    

Chapter 9

Isang malakas na palakpakan ang narinig namin mula sa likod. Agad akong tumayo at inayos ang sarili.

"You never failed to mesmerize me class 1D. You found the portal in just a span of one day, that was quite impressive," rinig kong sabi ni Doctor Barbara.

Nakatingin kaming sampu ngayon sa mga Doctor na nasa itaas nitong training room. They were all smiling, and I don't like it.

"Congratulations class 1D, you were the first group to finish the training," sabi ni Doctor Luminos.

Walang nagsalita sa amin. We were all catching our breath while looking at them. Maya-maya pa ay nagtaas ng kamay si Keller.

"Yes?" Saad ni Doctor Barbara sa kanya.

"Tapos na ba? Pwede na bang maligo?" Agarang tanong niya.

"Yes, pero babalik kayo para sa recognition mamaya pagdating ng ibang team," aniya.

Agad kaming umalis lahat sa training room at dumeretso sa changing room. You can see the tardiness within our movements. Everyone is tired and weary.

Agad akong pumasok sa changing room ko at agad na naghubad. There's a lot of things happened at kailangan naming bumawi ng lakas.

Naramdaman ko agad ang tubig sa katawan ko. The temperature of the water is frigid enough to alleviate my body.

Pagkatapos kong maligo at magpalit ay agad akong dumeretso sa room namin.

Nasa loob na si Mecca, Jaime at Brant.

"Nakakapagod!" Bulalas agad ni Mecca at humiga sa kama niya.

"Ito palang ata ang training na nagbigay sa 'kin ng sakit sa katawan," ani ni Jaime habang hinihilot ang balikat niya.

"You've done trainings before?" Tanong ko agad sa kanya.

"Ahuh, pero kakaiba ang isang ito. Hindi pa kami pumapasok sa portal kailanman para lang magtraining. Mostly, nasa loob lang kami ng training room at minamaster ang ability namin," sagot niya.

Tumango ako at umupo sa higaan ko. Agad kong inayos ang mga gamit ko pati na rin ang stuff toy kong si Werlock.

"Nagtataka talaga ako diyan sa stuff toy mo Ally," rinig kong sabi ni Mecca sa likod ko.

"Why?" Tanong ko.

"Anong meron diyan? Parang importante kasi sayo ang laruang 'yan," aniya.

Lumapit ako sa kanya habang dala-dala ang stuff toy ko. Umupo ako sa gilid niya at ipinakita si Werlock.

"My parents gave this to me when I was still a baby. They abandoned me at tanging 'yan lang ang iniwan sa 'kin."

Nakita ko ang gulat sa mata niya.

"I'm sorry, I thought kasi na simpleng lauran lang siya. Please accept my apology," saad agad niya at hinawakan ang kamay ko.

"No, it's ok Mecca. Perhaps, kailangan mo rin namang malaman," aniko.

Pumasok sina Keller, Zonic at Atlas. Agad na tumakbo si Keller sa higaan niya at niyakap ito.

"I miss you, Baby!" Agad na sigaw niya habang hinahalikan ang kama.

We all laughed at Keller dahil sa ginawa niya. Sumunod din si Zonic sa kanya at humiga din sa kama niya.

"Hindi ka raw na miss ng kama mo Keller," saad ni Atlas habang natatawa.

"Anong hindi? Na miss niya raw ako sabi niya," tugon ulit ni Keller at hinalikan nanaman ang kama.

Pumasok na rin si Xing Che kasunod sina Luther at Sebastian.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon