Caged 39

873 32 4
                                    

Chapter 39

Unedited.Unedited.Unedited


**

Unti-unting nanghina ang buong katawan ko matapos ang sagutan naming dalawa ni Angel kanina. Napaupo nalamang ako sa sahig dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman.

Hindi naman kasi ako ganito dati. I was always the innocent girl sabi ni Lady Erin. Hindi ako masyadong matapang pagdating sa mga ganitong bagay kaya nagtataka ako kung bakit parang may nag-iba sa akin. Parang hindi ko na kilala ang sarili ko. I get easily mad pag nariyan si Angel. Nagiging independent narin ako mula sa iba. Minsan hindi ko nako-control ang sarili ko.

Isang luha ang pumatak mula sa dalawang mata ko kaya napapikit nalamang ako at tinakpan ang aking mukha. Minabuti ko talaga na dito dumaan dahil wala masyadong dumadaan na mga doctor dito.

I was crying silently when I heared a soft voice mula sa tabi ko.

"Nandito kalang pala," ani ng isang familiar na boses at naramdaman ko siyang umupo sa tabi ko.

Dahan-dahan kong pinunasan ang dalawang mata ko at tiningnan ang katabi ko.

"Anong ginagawa mo dito, Senior?" Tanong ko kay Senior Seb.

"Can you please stop calling me Senior pag tayo lang dalawa?" Mahinahong saad niya.

"Why?"

"Because I don't want to."

"You're our Senior Leader kaya dapat lang kitang tawaging Senior," tumingin ako sa kanya at pinagmasdan siya habang nakatingin ng blanko sa harapan.

"Alam kong Senior Leader niyo ako, pero can you just please set aside that? kasi ayokong tinatawag mo akong Senior. Call me by my name," mahinahon pero ma-awtoridad na saad niya.

Kahit sa pinakamahinahon niyang boses, umaapaw parin ang pagiging leader niya. I heaved a sigh at ibinalik ang tingin sa harapan.

"Seb,"

"Better."

Sabay kaming tumawa ng mahina at sabay din kaming sumandal sa pader.

Ito rin 'yung isa sa mga dahilan kung bakit naiisip kong nagbago nga ako. Senior Seb gave me so much frustrations at mga katanungan na gusto kong masagot.

Bakit? Bakit kapag magkalapit kaming dalawa lumalakas ang tibok ng dibdib ko? I can't look at him straight on his eyes. Kinakabahan din ako pag tinititigan niya ako. I know parang infatuations lang itong sa akin. Pero parang lumalalim na ata itong paghanga ko sa kanya. From all the things we've been through.... unti-unti ko na rin siyang nakikilala.

"Nakikita mo ba ang sarili mo ten years from now?" Biglang tanong niya sa akin.

"What do you mean?" I asked curiously.

"You know, living yourself in the future. Hindi mo na nai-imagine? Kung anong gagawin mo? Kung sinong makakasama mo? Kung anong klaseng pamumuhay ang gusto mo?"

"Importante ba 'yun?"

"Hindi ko alam, maybe, siguro, baka," aniya at huminga ng malalim.

"Sa totoo lang Seb, kahit ako mismo sa sarili ko... hindi ko alam kung anong magiging kapalaran ko. Who knows right? Wala naman kasi akong ability na makita ang hinaharap. Ang importante kasi sa akin ay kung ano ang meron ngayon. Kasi naniniwala ako na kung ano man ang gagawin ko ngayon, makaka-epekto ito sa future ko. Though, may mga oras talaga na hindi ko ma-control ang changes na dumarating," mahabang litanya ko.

"Pansin ko nga. I can even still remember the first day you entered here. 'Yung unang pasok mo sa room natin. 'Yung unang training natin na pinagalitan kita. Hanggang ngayon. Maraming nagbago sa 'yo. Pati na rin ang physical aspects mo. Hindi mo ba pansin?" He asked.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon