Caged 34

854 36 1
                                    

Chapter 34

Unedited! Unedited!
Maraming errors! Bakalajan!

"Saan daw kayo ililipat?" Mabilis na tanong ni Mecca sa akin.

"Hindi pa namin alam, Mecca," saad ko at tinungo ang lalagyan ko ng damit.

"Wag kang mag-alala, Mecca, dadalawin ka namin ni Ally dito pag may oras kami, okay?" Wika ni Xing Che na nagliligpit narin ng gamit niya.

Kinuha ko ang natirang gamit sa drawer na maliit at inilagay ito sa bag na ibinigay sa amin kanina. Kinuha ko rin si ang stuff toy ko at isinukbit sa balikat.  

"Bawal ba kaming pumunta doon? Wala na akong makakasama dito," malungkot na sabi niya at yumuko.

Nagkatinginan kami ni Xing Che dahil sa inasta ni Mecca. Alam naming malungkot siya ngayon dahil siya lang ang matitira dito. Pero, balita ko kasi na merong mga bagong trainees na ipapapasok kaya alam kong magkakaroon ulit siya ng mga bagong makakasama dito.

"Come here, hug ka namin," saad ko at lumapit kay Xing.

Tumingin si Mecca sa aming dalawa at agad na tumakbo papunta sa amin habang humihikbi.

"Kainis kayong dalawa! Iiwan niyo na nga ako, ngingiti pa kayo!" Humikbi pa siya lalo at yumakap ng mas-mahigpit sa amin.

"Don't worry, Mecca, okay? For sure marami kang makikilalang bago," tugon sa kanya ni Xing Che at hinagod ang likod niya.

"Pero wala paring makakapalit sa inyong dalawa," aniya ulit at kumalas sa pagkakayakap sa amin.

Sa ilang buwang pananatili namin dito, kaming dalawa ni Xing Che ang nagsilbing ate ni Mecca. She's our youngest member kaya tinuturing siya naming parang kapatid talaga.

"Girls! Tara na!" Tawag sa amin ni Luther habang nakasukbit ang bag niya sa balikat.

Kumaway kami kay Mecca na naluluha parin ang mata at lumabas ng room. Naunang nag-empake sina Seb kanina kasama si Keller at Jaime. Kaming tatlo naman ni Luther at Xing Che ang sumunod dahil kumain muna kami saglit bago nag-empake. Pagdating namin sa lobby, naroon na nga ang ibang kasama namin. Lumapit kami agad kay Krishna at Oddette na nagku-kwentohan.

"Kanina paba kayo, Senior?" Bungad agad ni Xing Che kay Krishna.

"Hindi naman masyado, kakarating lang din nina Oddette at Dash," nakangiting saad niya.

"Ano kayang magiging kwarto natin no?" Oddette asked curiously.

"Ese-seperate ba tayo sa boys?" Tanong din ni Xing Che.

"Wag naman sana." Napatingin silang tatlo sa 'kin kaya bigla akong natauhan sa sinabi ko. "Huh? Ah ano... I mean, kapag sa ibang kwarto tayo, baka mahirapan pa ang ibang doctor sa pagtawag sa atin 'di ba? So dapat lang na magkakasama tayo sa iisang kwarto," pagdadahilan ko.

Maya-maya pa ay bigla silang nagtawanan na tatlo kaya agad akong napasimangot.

"Oooy! Ikaw, Ally huh! Napaghahalataan kana!" Masiglang saad ni Senior sa akin.

Anong ibig niyang sabihin? Masyado na ba talaga akong obvious? Hala!

"Oo nga!" Komento rin ni Xing Che sabay tawa na nang-aasar.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon