Caged 32

819 37 9
                                    

Chapter 32

UNEDITED! UNEDITED!
READ AT YOUR OWN RISK!

18 years ago, isa lamang akong sanggol na basta nalamang iniwan sa kawalan ng sarili niyang ama at ina. I grew up without my parents beside me, and I think it's one of the reason why I am like this now. Natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa habang ginagawa ang mga bagay na hindi ko alam na pwede ko palang gawin.

Kahit alam kong especial ako, hindi ko kailanman inisip na iba ako sa kanila, dahil alam ko at ramdam ko na kagaya nila, isa rin akong nawawalang bituin sa kalagitnaan ng malawak na kadiliman.

Ngayon, nakilala ko na ang susi sa mga katanungan ko noon, Si Lolo Drech. Pero... parang may kulang. May mga katanungan akong hindi parin nabibigyan ng kasagutan.

Mabilis akong ma-attach sa mga taong nasa paligid ko. Mabilis akong makagawa ng connection sa kanila. Kaya, labis ang pagkabigla ko sa pagbabago ni Cass. Sa mga kinikilos niya, sa mga lumalabas na salita mula sa bibig niya. Hindi na siya 'yung Cassande na nakilala ko noong unang tapak ko sa Gate 8.

Well, we never really know how fate would play against us. But the only thing  that comes in my mind is that, whatever happens, never-ever forget to not lift your feet above the ground.

"Ano pagod kana agad?" Mapunuyong tanong niya sa akin.

Tiningnan ko ng mabuti si Cass habang nakaluhod sa ibabaw ng mga damo. Hinahabol ko na ngayon ang hininga ko. Mayat-maya siyang nawawala sa paningin ko. Alam kong invisibility ang strength niya kaya medyo nahirapan ako. Hindi ko kasi alam kung kailan susugod at kung saan siya banda. She's using her ability to play with me at mapagod ang katawan ko.

Tumulo ang isang butil ng pawis sa ilong ko at agad akong tumayo sa harap niya. Hindi ko ipinapakitang pagod na ako kahit alam kong maya-maya ay parang matutumba na ako.

Magiisang oras na rin siguro kaming naglalaban. Samot-saring suntok at tadyak ang nakukuha ko mula sa kanya dahil hindi ko alam kung kailan aatake sa kanya.

Kailangan kong magisip. I need to think a plan na makikita ko siya o kahit maramdaman manlang sa paligid ko.

"Hahaha! Ano ba 'yan! Akala ko ba malakas ka? Ano? Hihingal-hingal nalang? Ganon?" Mapanuyong saad niya ulit habang nakapewang sa harap ko.

"Hanggang diyan lang ba ang kaya mo? Masyado pang mahina," sarcastic na saad ko at ngumiti.

"Nangaasar ka ba?" Inis na tanong niya.

"Sa tingin mo?"

Dahil sa inis ay agad siyang nawala sa harap ko. Agad akong nakaramdam ng kaba dahil sa pagkawala niya.

Cassande is very flexible now at mabilis na rin siyang kumilos, malamang ay nagsasanay siya ng husto para dito.

Kanina pa ako patakbo at umiiwas pero alam kong useless ito kasi 'di ko naman alam ang galaw niya. Inilibot ko ang paningin ko at minanmanan ang paligid. Umiihip ang hangin kasabay ng pagaspas ng mga dahon sa mga puno. Mahirap makipaglaban dito dahil medyo marami ang bato at marami-rami rin ang mga puno.

Narinig ko ang paggalaw ng maliliit na bato sa gilid ko kaya mabilis akong umiwas. Narinig ko ang tawa ni Cass sa tinayuan ko kanina. I need to sense her moves to dodge myself from her attacks. Nagpalipat-lipat ako sa puno habang iniilagan ang mga paparating na hampas at suntok niya.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon