Caged 40

777 33 8
                                    

Chapter 40

This chapter is unedited, ay! Lahat pala ng chapters nito unedited. LoL

******

Sa lahat ng nangyari ngayong araw, ang sinabi ni Lolo ang labis na nagpahina ng buong katawan ko. Pagkatapos naming magtitigan lahat ay mabilis din akong lumabas sa kwarto namin. Narinig ko ang pagtawag ni Senior Seb sa akin pero hindi na ako lumingon pa at dumeretso na sa paglabas at tumakbo ng mabilis.

Dinala ako ngayon ng mga paa ko sa harap ng pinto ng lab nina Doctor Sheldon at Doctor Fooler. Umaasa akong nasa-loob si Morpheus ngayon dahil gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. I have this unexplained feelings inside of me and I want to get rid of these now.

Pinindot ko ang alarm at maya-maya pa ay bumukas ang pinto ng lab. Bumungad agad sa akin si Morpheus at mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit. Pakiramdam ko na alam niya ang nararamdaman ko ngayon kaya mas-lalong humigpit ang yakap ko. Naririnig ko ang mahina niyang haling-hing sa bawat paghaplos ko sa balahibo niya.

"Ally? Are you fine?" Rinig kong tanong ni Doctor Sheldon.

Lalong tumulo ang mga luha sa dalawang mata ko matapos marinig ang boses niya. Ramdam kong lumapit siya sa akin at hinaplos niya ang buhok ko.

"Gusto mong pagusapan?" She asked.

Dahan-dahan akong tumingin sa kanya at lalong umiyak. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinagod ang likod ko.

"Umupo tayo at mag-kape, pakikinggan kita," aniya at iginiya ako sa upuan.

Mabilis kong pinahid ang luha sa mata ko at umupo sa upuan. Nasa gilid ko si Morpheus habang nakatingala sa akin. Hinagod ko ang ulo niya at ngumiti. He looks worried kaya pinagaan ko ang loob niya. I can really feel my connection towards this monster.

Maya-maya pa ay bumalik si Doctor Sheldon habang may dala-dalang dalawang tasa ng kape. Umupo siya sa harap ko at tumikhim.

"What happened?" She asked.

"Hindi ko na po alam ang mga nangyayari."

"What do you mean?" Inilapag niya ang kanyang tasa at parang nabigla sa sinabi ko.

"Angel hates me, Doctor Sheldon."

"Angel? Doctor Drech's apo?"

"Opo, and earlier nalaman po namin ang nangyayari sa labas ng East Creek. Tapos kanina bigla nalang sinabi ni Lolo Drech na ipapakila niya raw ako sa buong Gate 8 Lab bilang apo niya," nanghihina kong saad.

Naramdaman kong napatigil si Doctor Sheldon kaya agad akong napatingin sa kanya. She looks uneasy at nanlaki ang mata niya.

"Wa-what do you mean? So, ikaw talaga ang apo ni Doctor Drech?" She asked puzzledly.

Tumango ako at tuluyan na niyang inilapag ang baso niya sa mesa at napatingin kay Morpheus. She heaved a sigh and walked slowly.

"Kaya pala magaan ang loob sayo ni Morpheus." Hindi makapaniwalang saad niya. "But, how about Angel?"

"Hindi ko po alam. Mukhang alam niya na rin po siguro kasi sinugod niya ako kanina. She confronted me about Seb and her possession her."

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon