Caged 36

805 37 6
                                    

Chapter 36

THIS IS UNEDITED
WAG MAGING-TOXIC,
BAGUHAN ANG NAGSUSULAT.

..

Days passed, pero 'yung mga sinabi ni Seb sa 'kin, hindi parin maalis-alis sa isipan ko. Sa tatlong araw na 'yun, hindi narin masyadong lumalapit si Angel sa kanya kasi si Seb na mismo ang umiiwas.

Natatawa nga ako sa reaction nina Senior Krishna, Odette at Xing Che kasi gustong-gusto talaga nilang nakikita si Angel na nagsusungit kapag hindi kinakausap ni Seb.

Pagkatapos naming kumain lahat ay binigyan muna kami ng oras para magpahinga, mamaya kasi kami bibigyan ng instructions ni Doctor Jonah tungkol sa gaganaping trainings namin sa bagong portal at bagong training area.

I decided to visit Mecca and our other members na naiwan sa dating room namin. Kasama ko si Xing Che na ngayon ay masayang naglalakad sa tabi ko.

"Nakaka-miss din pala 'yung pagiging clingy ni Mecca," aniya habang papaliko kami sa hallway.

"Excited na akong makita ang reaction niya!" Natatawa kong saad.

Pagdating namin sa Class 1D ay naabutan namin si Mecca na nakikipagusap sa isang babae.

"Ahmmm," saad ni Xing Che.

Agad na nahinto silang dalawa at napatingin sa amin. Biglang umaliwalas ang ngiti sa mukha ni Mecca at mabilis kaming niyakap ni Xing Che.

"I missed you guys!" Masayang wika niya at hinigpitan pa lalo ang pagyakap sa amin.

"Na-miss karin namin Mecca," saad ko.

"Asan ang ibang boys? Si Senior Seb?" Tanong niya at kumalas sa pagkakayakap.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Xing Che at nagsusukatan kung sino ang magsasalita. Sa huli ay siya na ang nagpaliwanag.

"Sa totoo lang, hindi talaga nila alam na pupunta kami rito," aniya.

"Bakit? Hindi ba kayo nagpa-alam?" Tanong niya ulit.

"Parang ganun na nga, Mecca," sagot ko sa kanya.

Nagkibit balikat nalamang siya at lumapit doon sa isang babae na kausap niya kanina.

"By the way, this is Wallice. Siya 'yung pinalit, after niyong lumipat ng room."

Napatingin ako sa babae na sinasabi niya at mukhang nahihiya pa ito dahil hindi makatingin sa amin ng deretso.

"Ally," pagpapakilala ko.

"Xing Che," pagpapakilala rin ni Xing.

Pagkatapos ay hinigit naman kami ni Mecca sa boys na nasa-loob ng room. Naabutan namin silang nagbibihis kaya agad silang nataranta nang makita kami.

"Ally?" Saad agad ni Zonic nang makilala ako.

"Xing Che!" Sigaw ni Brant.

Napatingin lang sa amin si Atlas at tumango. Tahimik parin ang isang 'to.
Silang apat lang 'yung naiwan dito noong umalis kami kaya hindi na ako nagulat ng may makita kaming ibang lalaki.

Pinakilala kaming dalawa ni Xing Che sa kanilang lahat at ramdam ko ang pagka-mangha sa kanila nang malaman nilang kasama kami sa The Birds.

"So, sino 'yung bagong Senior niyo?" Tanong ni Xing Che sa kanilang lahat.

"Ako."

Agad kaming napalingon lahat sa nagsalita mula sa likuran namin.

Nakita ko ang mataas na kilay ni Angel na alam kong kakapasok palang dito sa loob ng room. Napunta sa bewang ang dalawang kamay ni Xing Che at walang emosyon na tumingin kay Angel.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon