Caged 43

637 24 11
                                    

Chapter 43

_U N E D I T E D_

**

Mabilis kong kinuha ang kamay ng kalaban sa harap ko at agad ko siyang sinakal at idinikit sa pader. Hindi na siya naka-kilos agad dahil mabilis kong dinurog ang mga buto sa loob niya. Nahiga nalamang siya na parang isang lantang bulaklak.

Mabilis akong lumapit kay Morpheus na ngayon ay nakahiga nalamang at hinahabol ang hininga.

"Morpheus, please stay. Please, wag ka munang mamatay!" Sigaw ko habang patuloy na lumalabas ang luha sa dalawang mata ko.

Nahihirapan akong titigan si Morpheus dahil sa kalagayan niya ngayon. Ayoko siyang nakikitang nasasaktan lalong-lalo na kapag nanghihina na siya. Patuloy na dumaloy ang luha sa mga mata ko at wala na akong ibang maisip na gagawin. Sigaw lang ako ng sigaw habang niyayakap ng mahigpit si Morpheus.

"Morpheus! Please! Wag ka munang mamatay! Please!" Patuloy na sigaw ko.

Seeing his eyes in pain is like having an arrow inside my chest. Sobrang sakit sa pakiramdam. Hindi ko kaya na bigla nalamang mawawala ang nagiisang hayop sa buhay ko. Ayokong mawalan ulit ng kaibigan.

Narinig ko ang mahinang haling-hing niya at mumunting ungol tuwing nahuhulog ang mga luha ko papunta sa kanya. Ramdam ko ang paghihirap niya dahil umiikli narin ang paghinga niya.

"Ally! Anong nangyari?"

Hindi ko na namalayan na may nakalapit na pala sa akin habang yakap-yakap ko si Morpheus.

"Ally! Si Senior Krishna 'to! Anong nangyari sa inyo?!"

Agad akong napatingala at agad na nabuhayan ng loob matapos makita si Senior Krishna sa harap ko.

"Senior! Senior si Morpheus, please heal him. Gamutin mo po siya. He needs to survive! Morpheus needs---"

"Ally! Kalma! Wag kang matakot okay? I'm here. Kaya ko siyang gamutin, umalis ka muna diyan."

Agad akong umusog ng kaunti at inihiga ng maayos si Morpheus. Marami na ang dugong dumadaloy sa bandang tiyan niya. Feeling ko ay isang metal na patalim ang tinusok sa kanya kaya siya nanghihina ng husto. Nakalapit narin si Rykee sa gawi namin at natalo na pala niya ang ibang kalaban. Wala na rin ang ibang doctor na prinotektahan namin kanina.

Tiningnan ko ulit si Senior Krishna na pinapagaling si Morpheus gamit ang kamay niya. Nakita ko ang unti-unting paghilom ng sugat ni Morpheus at nawala ito bigla.

"Bakit hindi parin siya tumatayo?" Tanong ko agad nang mapansin kong parang nanghihina parin si Morpheus.

"Metal ang ginamit sa kanya at medyo malalim ang sugat niya. I think he needs more hours para manumbalik ang katawan niya," sagot sa akin ni Senior Krishna at tumayo.

"Vern! Halika rito!"

Bumaling ang tingin ko sa tinawag ni Senior Krishna na isang lalaki. He's tall at medyo malaki ang pangangatawan.

"Need help, Senior?" Tanong nito nang makalapit.

"Actually, yes. Buhatin mo muna si Morpheus papunta sa ibang kasamahan natin. He needs to be in a safer place. Ilagay mo siya sa hindi metal ang nasa-paligid niya."

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon