Caged 7

1.1K 100 52
                                    

Chapter 7

"Parte paba 'to ng City ang nilabasan natin?" Malakas na tanong ni Luther habang tumatakbo kami.

"Nandiyan parin siya!" Takot na sigaw ni Brant.

Kakalabas lang namin ng lagusan at tumatakbo kami ngayon sa daan.

Ang baho no'ng manhole na nilabasan namin kanina. Buti nalang ay nakalabas kami agad dahil napigilan ng force field ni Atlas ang mutated snake.

"Mukhang papalabas na tayo ng City," dinig kong sabi ni Sebastian.

10 minuto na kaming tumatakbo ata hanggang ngayon ay hawak-hawak niya parin ang kamay ko.

"Anong plano mo Senior?" Tanong sa kanya ni Jaime.

"Hindi ko pa alam, basta tumakbo lang tayo at kailangan nating makawala sa ahas na iyan," saad niya.

Dumaan kami sa bridge kaya mas lalong bumilis ang paghabol ng ahas sa amin.

"Pagod na ako!" Rinig kong sigaw ni Mecca sa likuran ko.

"Tiisin mo muna Mecca, wag kang magpapahabol sa hayop na 'yan!" sigaw ko sa kanya.

Paglagpas namin sa bridge ay biglang sumigaw si Xing.

"Guys! Look may tower sa bandang iyon!" Turo niya sa isang mataas na tower na nasa gitna ata ng bayan.

"Maghiwa-hiwalay tayo! Lilinlangin natin ang malaking ahas na 'yan. Magkita-kita tayo sa tower na 'yon," saad ni Sebastian.

"Kami na ang maglilinlang sa halimaw Senior!" Sabi ni Keller na naka-ngisi pa.

"No! Kami ni Ally ang maglilinlang,"

Halos mabingi ako sa sinabi niyang iyon. Seryoso? Kaming dalawa?

"Baka ako pa ang maging dahilan ng kapahamakan mo Senior, si Keller nalang ang isama mo," ani ko sa kanya.

"No, ikaw ang sasama sa'kin," matigas na sabi niya. "Trust me, hindi ko bibitawan ang kamay mo kahit ano man ang mangyari."

Kahit na halo-halo ang kaba na nararamdaman ko ay tumango ako sa kanya.

"Mag-ingat kayo Senior, magkita-kita nalang tayo sa tower mamaya," ani ni Luther.

"Bilisan niyo na, lumihis na kayo ng daan!" Sigaw niya sa iba na agad na sinunod ng mga ito.

Isa-isa kaming nabawasan dahil unti-unting nag-iba ng daan ang ibang boys. Huling lumiko sina Xing at Mecca kaya kaming dalawa ni Seb ngayon ang hinahabol ng malaking ahas.

"Anong gagawin natin?" Agad kong tanong sa kanya.

"Sumunod ka sa'kin," aniya at bigla akong hinila papaliko sa isang maliit na daan.

Narinig ko ang malakas na pagsigaw ng ahas na alam kong naiinis na ngayon dahil hindi niya parin kami naabutan.

"Kaya mo bang umakyat?" Tanong niya bigla.

Tumango ako kahit na kinakabahan dahil sa sinabi niya. Sa unahan namin ay may isang malaking harang na gate.

"Diyan tayo aakyat?" Di makapaniwala kong tanong.

"Kakayanin mo o kakayanin mo?" Mapang-asar niyang tanong.

Umiling ako ng bahagya sa tanong niya. As if naman may choice ako diba?

"Sinong mauuna? Ako o ikaw?" Mapang-asar ko ding tanong.

I saw his lips curved and it gave shivers down my spine. He's always giving me this sensation everytime he smiles.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon