Caged 20

942 54 3
                                    

Chapter 20   

"Oh, Ally? Sa'n ka nanaman pupunta?"

Napatingin ako kay Xing dahil bigla siyang sumigaw. Kasama niya pala si Mecca na nasa labas ng room namin.

"Huh? Ah, ano.. may pupuntahan lang."

Tumalikod ulit ako pero, bigla nalang silang sumabay sa paglalakad sa 'kin.

"Sama kami, nabobored ako sa quarter natin. Mukhang importante din kasi 'yang pupuntahan mo." Inakbayan niy ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi nalang ako umimik at nagpatuloy nalamang sa paglalakad.

"Saang parte ba 'to ng Gate 8? Parang medyo malayo na ata tayo," tanong bigla ni Mecca.

"Oo nga, saan tayo Ally? Parte paba 'to ng Gate 8?" Dugtong ni Xing Che.

"Sumunod nalang kayo."

Alam kong ganyan din ang magiging reaksyon nila dahil, ganyan na ganyan din ang reaksyon ko ng mapadpad ako rito. Agad kaming lumiko sa daan papunta sa kung saan dinala si Morpheus.

Siya talaga ang gusto kong makita dahil dalawang araw na matapos ang nangyari sa kanya.

Pagpasok namin sa room ay agad kaming sinalubong isang Doctor.

"Anong kailangan niyo?" Tanong niya agad at hinarang kami.

"Narito po kami para bisitahin si Morpheus."

Biglang napatingin ang Doctor sa dalawang kasama ko.

"Pasensya na, hindi niyo pa maaaring makita si Morpheus sa mga oras na 'to naga-undergo siya ng series ng medication upang ma-control na niya ulit ang ability niya, but, if you really want to see him... come with me."

Nauna nang maglakad ang Doctor kaya agad din kaming sumunod sa kanya. Nakikita ko ang labis na pagtataka sa mukha ng dalawa dahil alam kong hindi nila kilala si Morpheus.

"Sigurado kaba sa ginagawa mo?" Biglang tanong ni Xing Che.

Tumango ako sa kanya at ngumiti. Makikilala niyo rin si Morpheus, hintay lang.

Pinapasok kami ng Doctor sa isang room at pinasuot ng lab gown pati na rin ang gloves at mask. Dumeretso agad kami sa pabilog na gitna at mula rito ay tanaw na tanaw namin mula sa itaas si Morpheus. Nasa ilalim siya kasama ang iilang Doctor at parang pinagaaralan siya dahil sa kondisyon niya.

"Siya si Morpheus. Class C monster, pagaari ni Doctor Drech."

Napatingin sina Xing Che at Mecca sa 'kin.

"Kailan mo pa nalaman na may monster pala si Doctor Drech?" 'Di makapaniwalang tanong ni Xing.

"Medyo matagal na rin. Hindi pa nagsisimula ang individual assessment."

Tumango-tango silang dalawa at pinagmasdan si Morpheus. Medyo nawala na ngayon ang pag-gi-glitch niya, hindi kagaya noon na mabilis siyang mag-glitch na parang isang computer.

Tinitigan ko siya ng mabuti. Halos mabiyak ang puso ko ng biglang lumingon si Morpheus at tiningnan ako pabalik. He's in pain, at nararamdaman ko 'yun.

Pagkatapos naming bisitahin si Morpheus ay dumeretso kami sa training room. Naka-schedule kasi ngayon ang training namin. Hindi na sumama si Mecca samin kasi hindi siya nadala sa last assessment.

Pagdating namin sa loob ay bumungad agad ang mga kasamahan namin pati na rin ang ibang nakapasok sa top 20.

"Seems like kompleto na rin kayo. But, before I proceed, gusto ko lang sabihin na binabati ko kayo sa pagkapunta niyo sa spot na 'yan. Magagaling kayong lahat at alam kong may mas-igagaling pa kayo. Ngayon, nasa harapan niyo ang mga klase-klaseng weapon na maari niyong gamitin sa nalalapit na final assessment. Pick the best weapon you can have, and rely on your self."

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon