Caged 33

834 34 3
                                    

Chapter 33

Unedited! Unedited!
Read at your own risk¿

Mabilis akong tumalikod bago paman makita ang susunod na mangyayari. I can feel my chest burning at hindi ko mawari kung ano itong nararamdaman ko. Okay pa naman ako kanina, pero.. bigla nalang sumikip ang dibdib ko pagkatapos makita ang pagyakap ni Angel kay Senior.

Agad akong dumeretso sa ibang trainees na pumipila para kumuha ng pagkain. Napako ang paningin nilang lahat sa likuran ko where Angel and Sebastian is. Dumeretso ako sa likod ng dalawang babae na parehong hindi makapaniwala sa nakita. Hindi na ako lumingon ulit. Ayokong makita silang dalawa na nag-uusap o kahit na nakatitig manlang sa isat-isa.

I never felt this kind of feeling before. Wala akong ideya kung ano itong nararamdaman ko, bigla nalang akong nainis at gustong-gusto kong manakit ng iba. I decided to ignore it. Ano naman ngayon kung yumakap nga si Angel kay Senior? Talaga lang sigurong humahanga 'yung sa tao sa kanya.

Pagkatapos kong kumuha ng pagkain ay dumeretso na agad ako sa table at nagsimula ng kumain. Hindi na ako nag-abala pang lingunin kung nasaan si Senior. Baka kumain narin kasama si Angel.

Maya-maya pa ay may naglagay ng tray sa harap ko. I didn't even bother to give a chance to glance the person in front of me. Nawalan ata ako ng pake sa paligid at ang gusto ko nalamang gawin ngayon ay ang tapusin ang kinakain.

"Tahimik natin ah?" Wika ng isang boses sa harap ko.

Tuluyan na akong napa-angat ng tingin at nakita si Drake na nagsisimula na rin sa pagkain.

"Bakit?" I said at medyo naiinis.

"May problema ba? You look pissed." He said at humarap sa 'kin.

"Pagod," maikling saad ko.

Hindi ko na siya narinig na nagsalita ulit. Pinakiramdaman ko ang paligid ngunit parang busy sila sa ginagawa nila. Patapos na ako sa pagkain ng bigla ulit may lumapit sa table.

"Why are you here, Drake?" Malalim na boses ang pinakawalan ni Senior.

Palihim akong umirap habang nakayuko at nagpatuloy sa pagkain.

"Uhm, eating?" Sarcastic na sagot ni Drake and I made a soft smile after hearing what he said.

"Nasa kabila ang table niyo," saad ulit ni Drake.

"Walang kasama kanina si Ally habang kumakain, I don't want to see a girl eating alone kaya lumapit ako. Afterall, Ally also wants me to sit with her."

Nanlaki agad ang mata ko sa narinig at agad na tiningnan si Drake. He gave me a wink at sumubo ulit ng pagkain. My gaze shifted to Sebastian at nakatitig lang siya sa akin, and now he's pissed. His eyes bacame dark at nakakatakot siyang tingnan.

"We are all trainees, we are in the same place and we are in the same team, so why bothered? Buti pa nga si Drake marunong makiramdam at hindi nangiiwan," seryosong saad ko.

Nakita ko ang pagawang ng labi ni Senior Seb na para bang hindi makapaniwala sa narinig niya mula sa akin. Nakita ko ang malaking ngisi ni Drake habang ngumunguya ng pagkain.

"I was just----"

"Hey guys, ahm.. pwede ba akong makiupo? Wala kasi akong kilala sa ibang tables, if it's okay with you."

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon