Sing 10

136 9 4
                                    


Chapter 10

THIS IS UNEDITED

--


Sunod-sunod na problema ang dumating sa Mt. Pollo kaya labis ang kaba ng lahat. Even Master Kenzu was pissed and confused kung anong nangyayari sa bayan niya. Lahat ng tao ay takot at ayaw nang lumabas ng mga bahay nila.

Una, ang sunog na nangyari sa farm ay hindi raw aksidente.

Pangalawa, ang lason sa tubig na naging dahilan kung bakit sumuka at nahimatay ang mga bata.

Pangatlo, ang pagdating ng isang malaking hayop mula sa gubat dahilan kung bakit nasugatan ang ilang mga tauhan ni Master Kenzu.

Ngayong pang-apat na araw, lahat kami sa bayan ay naghanda. Tumulong kami sa pagbabantay ng lagusan ng mga tao papasok dito sa bayan. Hindi ko na rin nakita ang ama ni Bella na matagal na palang nagmamanman dito sa amin.

"Bakit po hindi nagpakilala ang ama ni Bella sa kanya?" Tanong ko kay Lady Caren habang nasa loob ako ng clinic niya.

Inilapag niya muna ang dala niyang mga halaman bago ako sinagot.

"Her father came from nowhere. He was rescued by an old doctor na naging guro ko sa pag-gagamot. Dito siya napadpad sa bayan namin at simula nang magising siya ay dito na niya piniling manirahan. He wants to forget his past kaya itinuring siyang anak ng guro ko."

Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy sa pagku-kwento.

"Then I became a mentor at nagkakilala kaming dalawa. Lagi akong nasa bahay ng guro kong iyon kaya nagkikita kami ni Gaian. Then he courted me. Naging marupok ako at agad siyang sinagot. Walang alam ang ama ko na mayroon akong karelasyon dahil tinago namin iyong dalawa. And that night came. Naging mapusok kami at nabuo si Bella."

Lalong nakuha ang atensyon ko dahil sa kwento ni Lady Caren. Tama nga ang hinala ko, hindi nga taga-rito ang ama ni Bella.

"Labis ang takot ko noon nang malaman ko na buntis pala ako. Itinago ko sa ama ko pero kalaunan ay nalaman din niya. He almost killed Gaian. Hindi siya nanlaban dahil alam niyang kasalanan niya rin ang nangyari. Buti nalang at pinatapon lang siya sa malayong lugar at hindi na pinapasok dito sa loob."

"Kaya pala labis ang pagtatago niya para hindi siya makilala. Ano po bang ability ng papa ni Bella, Lady Caren?" Tanong ko at umupo sa maliit na silya na gawa sa kahoy.

"Healing," maikli niyang sagot. "Kaya siguro nakuha ni Bella ang ability na iyon."

Dahan-dahan akong tumango dahil tama si Lady Caren. Bella can grow plants at lahat ng napapatubo niyang halaman ay nagiging gamot. Dalawang ability ang mayroon sa kanya kaya nakakabilib. Alam kong magiging malaking pakinabang ang kapangyarihan ni Bella balang araw.

"Mula noong nawala siya ay kahit kailan hindi siya nawala sa isipan ko. Kahit ang ama ko ay nagsisi na nawala si Gaian dahil hanggang ngayon ay nagtatanong si Bella kung nasaan ang ama niya. Wala akong naisasagot dahil wala akong alam."

"Kung babalik po siya, tatanggapin niyo parin po ba siya?"

"Oo naman. He deserves to know about Bella. Deserve niyang makilala ang anak niya at magpakatatay rito. He loves me more than anything else, at alam kong kahit hindi niya nakakakasama si Bella ay mahal na mahal niya ito."

Saglit akong natahimik at napaisip. My father never knew about me. Ano kayang nangyari kung sakaling nalaman niya na buhay ako? Na may anak siya? Magbabago ba ang lahat? Magiging masaya kaya ako? Paano kung tinanggap ni Lolo Drech ang ama ko dati? Buo kaya kaming pamilya ngayon?

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon