Caged 31

906 38 11
                                    

Chapter 31

       UNEDITED! UNEDITED!
READ AT YOUR OWN RISK!
BALAKAYODIYAN, LOL HAHAHA

"Luto na?" Agad na bungad ni Keller sa akin.

"Kaunting init nalang sa bandang likod," sagot ko.

Kanina pa kasi siya tanong ng tanong sa akin kung naluto na raw ba itong nahuli naming dalawang ibon. Mukhang gutom na gutom na ata talaga si Keller dahil kanina pa siya naglalaway. Mabuti nalang din ay malalaki ang mga ibon na ito at kasya sa aming sampu.

"Luto na itong isa!" Sigaw ni Xing Che.

Mabilis pa sa alas-kwatro ang paglapit ni Keller sa kanya at agad itong inilagay sa dahon. Umiling nalamang ang ibang boys at natawa. Kumuha rin sina Dash at Jaime ng ibang prutas kanina kasama si Senior Seb. Sina Drake naman at Luther ay kumuha nalamang ng pang-gatong sa apoy.

Agad kaming pumalibot sa mga dahon na ginawa naming mesa. Inilagay ko na rin ang malaking ibon na niluto ko sa harap naming lahat. Kahit na natatakam ay walang gumalaw sa pagkain not unless kapag ang Senior na ang nagsasabi.

Napatingin kami sa tatlong Senior na nagkatinginan din. Walang may alam kung sino ang magbibigay pahintulot sa pagkain.

"Ikaw na, Krishna," saad ni Drake.

Biglang napatingin si Krishna kay Drake at umiling.

"Bakit ako? Ikaw nalang kaya?" Saad din niya.

"Ikaw na, ladies first."

"Ikaw na nga kasi lalaki ka."

"Ikaw na."

"Ikaw na nga."

Nagpalipat-lipat ang tingin namin sa kanilang dalawa dahil walang nagpapatalo. Ako naman ay tiningnan si Senior Seb ng bigla siyang kumuha ng bahagi ng manok at sinubo ito.

"Lahat ng ka-class ko, pwede na kayong kumain."

Sumigaw si Keller at agad na kumuha ng pagkain. Sina Senior Drake at Krishna ay biglang napahinto dahil sa pagkabigla.

"Teka! Paano kami?" Biglang saad ni Drake.

"Walang mangyayari diyan sa pagtatalo niyo. Bukod sa magugutom kayo ay baka maubusan pa kayo ng pagkain ni Keller," saad ni Senior Seb.

Nagkatinginan si Senior Drake at Krishna at agad ding kumuha ng pagkain kasama namin. Nagtawanan nalamang kami dahil sa inasta nila. Tahimik lang na kumakain si Dash at Odette. Napangiti ako ng biglang nilagyan ni Dash ang dahon ni Odette ng pagkain.

Pansin ko na mas-matured tingnan si Dash at manly. Si Odette naman palaging naka-ngiti at nakikipagsabayan kay Keller.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain habang nagtatawanan sa kinikwento ni Keller tungkol sa isang batang nagnanakaw ng prutas sa kapitbahay nila.

"Oh tapos? Anong nangyari don sa batang nahuling nangunguha?" Tanong ni Jaime kay Keller.

"Kumakain siya ngayon kaharap niyo," abot-langit na ngiti ni Keller at sumubo ng prutas.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon